CHAPTER 60

114 8 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Kanina ko pang napapansin na tahimik si MM, kanina naman ng papunta kami dito, ang ingay-ingay at ang kulit-kulit niya. Pero ngayon, sobrang tahimik niya at nakayuko lang siya habang naglalakad. Huminto kami sa may pintuan, kakatok na sana siya ng pigilan ko siya.
"Sandali!"pigil ko, tumingin naman siya sa akin.
"Bakit?"tanong niya, hinawakan ko naman ang kamay niya
"Okay ka lang ba? Kanina ko pang napapansin na tahimik ka"tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at ngumiti pero halatang pilit. Dama ko din na ang lamig ng kamay niya.
"O-okay lang ako! Kinakabahan lang!"sagot naman niya, napakunot-noo naman ako
"Kinakabahan? Pero bakit?"tanong ko ulit.
"Basta! First time ko kasi ito!"sagot naman niya. Ha?
"Anong sabi mo? Hindi ko gets"sabi ko naman.
"First time Kong makikilala ang magulang hddnddndnxdjwiwisjhseh" ha? Ano raw?
"Pwede pakiulit? Hindi ko narinig iyong huling sinabi mo eh"sabi ko pa.
"Wala! Ang sabi ko kinakabahan ako kasi, first time kong makikilala ang magulang mo"sagot naman niya, tumango na lang ako. Pero pakiramdam ko iba iyong sinabi niya eh...

MM'S P.O.V
Sobra-sobra iyong kaba ng dibdib ko, hindi ko akalain na ganito pala iyong pakiramdam na haharap ka sa magulang ng taong gusto mo. Pilit ko mang huwag ipahalata pero sadyang kinakabahan talaga ako eh. Buti na nga lang at hindi na nagtanong pa si Alex, muntikan na nga ako kanina. Buti na lang at hindi niya narinig ang sinabi ko. Hay! Ano ba kasing pumasok sa isip ko at nagpumilit akong sumama. Pero okay lang! At least! Makikilala ko ang parents niya, sana nga lang magustuhan nila ako. Para kung sakali man, hindi na ako magkaproblema pa sa mga in-laws ko, hahaha! In laws talaga! Kasi advance ako mag-isip!
"Welcome home Princess!!!"salubong sa amin ng mother niya. Sabay yakap sa kanya. Nakatayo lang naman ako sa tabi habang nakatingin sa kanila. Napalunok naman ako ng makita ko ang father niya na papalapit din sa amin. Wooohhh!! Kaya mo iyan MM!!
"I miss u so much princess!!"sabi din ng father niya at niyakap din si Alex. 
"Namiss ko din po kayo ng sobra! Papa and Mama"sagot naman ni Alex at niyakap at hinalikan ang mga magulang niya. Napangiti na lang ako, at sweet nila! Namiss ko tuloy ang pamilya ko. Agad din naman silang humiwalay sa isa't-isa. Napatayo naman ako ng tuwid at napalunok muli, ng tumingin sa akin ang papa niya. Heto na po!!
"May gusto ka bang ipakilala sa amin Princess?"tanong pa nito, habang pinapasidahan ako ng tingin. Na lalo ko naman ikinakaba..
"Ay oo nga po pala!"sabi naman ni Alex at lumapit sa akin sabay kapit sa akin.
"Ma! Pa! Siya nga po pala si MM!"pagpapakilala niya sa akin. 
"MM sila iyong mga magulang ko"nakangiting sabi naman nito sa akin. Agad naman akong ngumiti sa mga magulang niya..
"Hello po! Ma'am and Sir, ako nga po pala si MM!"kinakabahang sabi ko, at nilahad ang kamay ko sa kanila. Seryosong nakatingin lang naman sila sa akin. Woooaahh!! Parang gustong lumabas ng puso ko sa mga sandaling ito! 
"Ma! Pa!"pagtawag ni Alex. 
"Tinatakot niyo naman po si MM eh!"sabi pa niya, tama ka diyan! Baby!
"Hindi naman iha! Binibiro lang naman namin itong bf mo"nakangiting sabi naman ng mama niya sabay yakap sa akin. Nagulat naman ako doon! Ano raw? Bf? Hay! Sana nga po! 
"Welcome to the family iho!"sabi pa nito. Hehehe! Wow! Ayos ito! Wala pang kami! Pero welcome na ako! Gusto ko na ang mama niya! Advance din mag-isip! Hehehe!
"Salamat po ma'am!"nakangiting sabi ko sa kanya. Umiling naman siya 
"Tita na lang! O kung gusto mo mama! Ikaw na bahala"sabi pa niya.
"Sige po maam-este mama"nakangiti Kong sabi, wala namang masama di ba?hahaha. Tumingin naman ako Kay Alex na ang sama ng tingin sa akin..hahaha! Wala ka ng magagawa! Tanggap na ako ni mama!hahaha
"Ma! Hi-"di na natuloy ang sasabihin ni Alex ng magsalita naman ang Papa niya.
"So ikaw pala ang bf ng princess namin!"seryosong tanong nito. Agad naman akong tumango..nga pala! Ang papa pala niya!
"Mal-"
"Tumahimik ka muna diyan Princess! Ang bf mo ang kinakausap ko!"saway naman nito Kay Alex. Wala namang nagawa siya kundi ang sumunod.
"Mahal mo ba talaga ang anak ko?"diretsong tanong ng papa niya sa akin. Oh my! Ano ba itong napasok ko? Huminga muna ako ng malalim bago sumagot..
"Opo! Mahal na mahal ko po ang anak niyo!"diretsongsagot ko sabay tingin Kay Alex. Kita kong nagulat siya, lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Ramdam ko naman na diniinan niya ang pagkakapit sa kamay ko. 
'Aww..aray'
"Masheket"bulong ko sa kanya..ngumiti lang naman siya. Napabalik naman ang tingin ko sa papa niya ng tumikhim ito.
"Ehem!" Agad naman akong napabitaw Kay Alex 
"Hehehe! Sorry po"hinging paumanhin ko. Tumango lang siya..at lumapit sa akin. Napalunok naman ako, oh my!! Huwag po sana niya akong sapakin!
"Huwag na huwag mong sasaktan ang Princess namin! Dahil malilintikan ka sa akin! Nagkakaintindihan ba tayo?"sabi pa niya, agad naman akong tumango. 
"Opo! Makakasa po kayo sir"kinakabahang sabi ko pa. Waahh! Napasubo ako dito ah! Ngumiti naman siya at tinapik ang balikat ko.
"So kung ganun! Welcome to the family iho! Tito na lang ang itawag mo sa akin. Pwede ding papa"nakangiti niya pang sabi. 
'OMG! Tanggap na nila ako!! Yes!!'

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum