CHAPTER 46

91 7 0
                                    

MM'S P.O.V 
Late na talaga ako, pero hindi naman ako napagalitan ni sir Joey. Sinabi ko lang na masyadong traffic, totoo naman eh! Traffic naman talaga! Kaso hindi naman gaano. Buti na nga lang at naniwala siya. Pagkarating ko, mabilis akong nagpalit at nag-ayos. Babaeng-babae ang awrahan ko ngayon! Pak na pak!! And I love it!! 
"Ganda natin sis ah!"puri sa akin ni Cassy, ngumiti naman ako sa kanya tapos umikot sabay pose.
"Matagal na akong maganda sis"sagot ko naman. Umiling na lang siya at tumawa.
"Ewan ko sayo sis!"sabi na lang niya. Agad narin kaming pumuwesto. Pose..pose...pose..pose.. Walang katapusang awrahan!! Pero okay lang naman. 
"Beautiful!"sabi pa ng photographer. Kinindatan ko naman siya. Gwapo siya ha!! Hmmm..
"Uy! Sis umayos ka! May asawa na iyan"bulong naman sa akin ni Cassy.
"Wala naman akong ginagawa ah!"patay malisyang sagot ko. 
"Anong wala ka diyan! May pakindat kindat ka pang nalalaman diyan!"sabi naman niya. Inirapan ko lang naman siya.
"Walakampake!"pagtataray ko pa. Umirap lang din siya sa akin tapos nagsmile sa camera. Maya-maya pa ay natapos din kami, kaya kaagad akong naglakad palapit sa photographer. Chikahin ko lang naman eh! Iyun lang, pero natigilan ako ng biglang may pumasok. Si Tyrone! Teka anong ginagawa nito dito? Agad hinanap ng Mata ko si Alex, nasaan na iyon?
"Si Alex ba?"napalingon naman ako Kay Cassy
"Ha?"tanong ko
"Sabi ko kung si Alex ang hinahanap mo?"tanong niya ulit, teka paano nito nalaman?
"Huwag ka ng magtaka diyan! Basta alam ko"sabi pa niya.
"Okay! Oo si Alex nga ang hinahanap ko! Nakita mo ba siya?"tanong ko
"Oo! Lumabas siya saglit! Kasama si sir Joey"sagot naman nito, napakunot-noo naman ako. 
"Ha? Kasama si sir Joey? Pero bakit?"tanong ko ulit.
"Malay ko!"sagot naman nito.
"Teka! Sigurado ka ba?"tanong ko pa.
"Oo naman! Nakita ko eh! Ikaw kasi! Kung saan-saan ka tumitingin eh"sabi naman niya sa akin, habang umiiling.
"Ewan ko sayo"pagtataray ko at umalis na lang. 
"Hi ate MM"nakangising bati sa akin ni Tyrone, ngumiti naman ako sa kanya. Problema nito?
"Hello"walang-ganang bati ko.
"Hindi mo ba itatanong kung bakit ako nandito?"tanong niya pa, lihim naman akong napairap. Mukha ba akong interesado? 
"May photoshoot ka din?"sabi ko na lang, ngumiti naman siya
"Oo! At ang saya-saya ko"sabi pa niya, 
'Wala akong paki!' Gusto ko sanang sabihin.
"Mukha ngang masaya ka"sarkastikong sabi ko. Nakakainis naman ito oh! Akala niya ba trip kong makipagchikahan sa kanya? Hahanapin ko pa si Alex eh!
"Sobra ate MM! Iyon bang makakapartner ko si Alex ngayon! Sobrang saya!!"sabi pa niya, natigilan naman ako. Anong sabi niya? Si Alex? Pero paano? Walang sinasabi sa akin si Alex tungkol dito!
"Anong sabi mo?"pagtatanong ko. Ngumisi naman siya, kanina pa ito! Ang sarap sapakin! 
"Nagulat ka ba ate MM? Pero tama iyong narinig mo! Si Alex ang kapartner ko ngayon"nakangiti niyang sabi. Napakuyom naman ang kamay ko
"Tsk! Paano mangyayari iyon? Eh wala namang sinasabi sa akin si Alex! Atsaka wala namang sinasabi si sir Joey sa akin."sagot ko.
"Biglaan kasi iyon ate MM, hindi kasi makakarating si Sofia, na sinadya ko naman! Hahaha! Kasi nalaman ko na makakasabay kita ngayon! At alam ko na kasama mo din si Alex. Kaya kinausap ko si sir Joey na si Alex na lang ang kunin niya! Ang galing ko di ba ate MM?"sabi pa niya, hindi ko naman napigilan ang sarili ko na sapakin siya.
"OH MY GOSH!!!"tili ni Cassy. Kaagad ding lumapit ang mga tao sa loob, para awatin kami. Agad akong hinila palayo ni Cassy.
"Dapat lang iyan sayo!"sigaw ko pa kay Tyrone bago ako hinila palabas ni Cassy.
"Ano bang nangyayari sayo sis? Bakit mo sinapak si Tyrone? Magkaaway ba kayo?"agad na tanong sa akin ni Cassy. 
"Wala ka na dun! Atsaka bagay lang iyon sa kanya"may inis paring sagot ko. Napadako naman ang Mata ko sa dalawang taong naglalakad palapit sa lugar na kinatatayuan namin. Si sir Joey at Si Alex!
"Oh anyare? Bakit ganyan ang mukha ni MM?"agad na tanong ni sir. 
"Nagkaroon po kasi ng konting hindi pagkakaunawaan sa loob! Kaya inilabas ko po muna siya"agad na sagot ni Cassy. 
"Tsk! Okay! Papalampasin ko muna iyan! Pero pag-uusapan natin iyan pagkatapos nito!"mahinahon na sabi pa niya.
"Oo nga pala MM! Ipagpapaalam ko itong si Alex sayo-"
"Hayaan niyo po munang mag-usap kami!"seryosongsabi ko habang nakatingin Kay Alex.
"Pero! Kailangan pa niyang mag-"
"Sorry sir! Pero hindi ko siya papayagan! Lalo na kung si Tyrone din lang ang makakapartner niya!"matigas na sabi ko. Kita ko ang gulat sa mukha nila, pero wala akong pakialam! Magmukha ng bastos!
"Pero MM! Pumayag na si Alex!"sabi naman ni Sir. 
"Wala akong pakialam kung pumayag siya! Dahil ako parin naman ang magdedesisyon! At ang desisyon ko ay HINDI! hindi ako papayag!"may diin na sagot ko.
"Sorry and excuse me"sabi ko pa at hinila ko si Alex.

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now