CHAPTER 93

63 5 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Nakahiga lang ako, habang kinukulikot ang cp ko. Nabubuwesit talaga ako kay MM! Nakakainis siya! Hindi man lang marunong makaramdam! 
"Kainis!!!"sigaw ko pa. At iubob ang mukha ko sa kama!!
"Sorry na!"
Agad namang napaangat ang ulo ko at masamang tiningnan si MM.
"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko. Ngumiti lang naman siya habang naglalakad palapit sa akin. Binato ko naman siya ng unan
"Huwag kang lalapit! Diyan ka lang! Galit ako sayo!!"sigaw ko pa. Pero patuloy lang siya, 
"Sorry na kasi! Bati na tayo!"sabi pa niya. Pero inirapan ko lang siya.
"Ayaw ko nga! Galit ako sayo! Hindi kita bati! Buwesit ka kasi!!"sigaw ko pa. Bigla naman siyang humiga sa kama at hinila ako palapit sa kanya.
"Huwag ka ng magalit oh! Sorry na bati na tayo!"pagpapacute pa niya. Sabay halik sa mukha ko. Agad ko naman siyang hinampas pero mahina lang
"Ano ba!! Huwag ka nga!"sabi ko pa. Naku! Alex! Huwag kang papadala! Magmatigas ka muna! Bigla naman niyang pinisil ang ilong ko
"Hay! Ang cute mo talaga!!"nakangiti pa niyang sabi. Napasimangot naman ako at hinampas ulit siya.
"Ano ba! Huwag ka nga diyan! Hindi pa kita bati no!!"pagtataray ko pa. Pero ngumiti lang siya at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Sorry na..bati na tayo"sabi pa niya. Napangiti na lang ako. Namiss ko iyong ganito, iyong ganito siya sa akin. 
"Uy! Nakangiti na siya! Bati na kami"tukso pa niya. Siniksik ko naman ang sarili ko sa kanya.
"Huwag ka nga!!"sabi ko pa. Rinig ko naman natawa siya.
"Bati na ba kami ng Baby ko?"tanong pa niya dahilan para mapatingala ako sa kanya. Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko bumalik na ang alaala niya? Hay ang gulo!!
"Hoy! Natulala ka na diyan! Ganyan ba ako kagwapo sa paningin mo?"natatawa niya pang sabi. Pinalo ko naman siya..
"Che!! Ewan ko sayo!"sabi ko pa.
"So ano nga? Bati na ba tayo?"tanong pa niya. Ngumiti naman ako sa kanya
"Pag-iisipan ko pa"nakangiting sabi ko pa. Sabay bangon...hinila naman niya ulit ako.
"Hep! Hep! Dito ka lang!"sabi pa niya.
"Dito muna tayo! Ganito muna tayo"dagdag pa niya.
"Inlove ka na ulit sa akin no?"biro ko.
"Siguro"sagot naman niya. Napatitig naman ako sa kanya
"Siguro lang!?"nakangusong sabi ko pa. Natawa naman siya at bumangon. Sumandal naman siya sa kama, sumandal naman ako sa kanya.
"Hmmmm...Alex"sabi pa niya.
"Ano iyon?"tanong ko.
"Pwedeng magtanong?"tanong din niya sa akin. Napaayos naman ako ng upo at humarap sa kanya.
"Oo naman! Ano iyon?"tanong ko. Ngumiti muna siya sa akin, pero kita kong parang may lungkot sa mata niya.
"Mapapatawad mo pa ba ako kung may nagawa akong malaking kasalanan sayo?"seryosong tanong niya. Napakunot naman ang noo ko. 
"Ha? Bakit mo naman naitanong iyan?"balik na tanong ko sa kanya. Umiling naman siya
"Wala lang! Gusto ko lang itanong."sagot niya.
"Siguro Depende! Kung anong kasalanan ang nagawa mo"sagot ko. 
"Paano kung nagsinungaling ako sayo? Mapapatawad mo ba ako?"tanong pa niya. Teka! Bakit ba mga ganito iyong mga tinatanong niya? Kinakabahan tuloy ako eh!
"Oo! Kung ipapaliwanag mo sa akin ng ayos kung bakit mo ginawa iyon!"sagot ko. Ngumiti naman siya.
"Pero teka nga! Bakit ganyan ang mga tanong mo? May nagawa ka bang kasalanan sa akin?"tanong ko naman sa kanya. Napaiwas naman siya ng tingin. At napakamot sa batok niya.
"Paano kung meron?"tanong pa niya sa akin. Aba!!
"Ano iyon?"seryosong tanong ko. Habang nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya.
"Alex kasi...ganito kasi iyon...kasi.."
"Sige isa pang kasi mo!! Hahambalusin na kita!!"pagbabanta ko pa.
"Hey relax!"sabi pa nya.
"Mamaya makikita mo kung paano ako magrelax kapag hindi ka pa nagsalita diyan!"may pagbabantang sabi ko pa. 
"Oo na! Sorry! Heto na!"pagsuko niya
"Dali!!!"utos ko.
"Kasi ng pumunta kami sa bar noon. Bigla kasing may lumapit sa akin na babae tapos hinalikan ako"mabilis na kwento niya. 
"Whaaattt????!!!"pasigaw na tanong ko. 
"Sorry...hindi ko naman gusto iyon eh! Bigla na lang siyang lumapit sa akin. Hindi ko nga siya pinapansin eh! Pero ang kulit niya..kahit tarayan ko siya hindi parin siya tumitigil."paliwanag pa niya.
"Eh bakit humantong sa halikan?"mataray na tanong ko pa. Naku!! Gigil niya si ako!! Nakakainis!!
"Halikan agad? Hindi naman ako tumugon eh!"katwiran pa niya. Hindi ko naman napigilan na hampasin siya
"Buwesit ka! Sagutin mo na lang ang tanong ko! Kakagigil ka!"inis na sabi ko.
"Oo na!! Hindi ko din alam kung bakit humantong doon! Basta lang ang alam ko malandi siya!"sagot naman niya. Piningot ko naman ang tainga niya.
"Aray!!"sigaw niya
"Eh loko ka pala eh!! Alam mo palang malandi!! Nagpalandi ka pa!!"inis na sabi ko pa.
"Hindi naman ako nagpalandi eh! Nagulat lang talaga ako kasi bigla na lang niya akong hinalikan! Hindi na ako nakaiwas"katwiran naman niya.
"Hindi nakaiwas o sadyang hindi umiwas?"paninigurado ko pa.
"Promise! Hindi ko talaga gusto iyon! Agad ko nga siyang tinulak eh! Kahit tanungin mo pa sina Jon! Kung ayaw mo pang maniwala! Dadalhin kita doon sa bar! Tiringnan natin iyong cctv"sagot niya. Hindi ko naman napigilan hindi matawa. Kaloka iyong cctv ah.
"Oo na! Naniniwala na ako! Alam ko naman na hindi mo like iyon eh!"sagot ko.
"Oo naman! Kung lalaki pa iyon! Baka.....Aaaaray!!!"
Piningot ko lang naman ulit ang tainga niya. Kainis eh! Ang landi-landi!!
"Arayy!! Tama na!! Joke lang naman eh!!!"pagmamakaawa pa niya. Inirapan ko lang siya at hindi parin binibitiwan ang tainga niya.
"Sorry na! Joke lang talaga iyon! Wala naman akong balak tumingin sa iba eh!"sabi pa niya. Binitiwan ko naman ang tainga niya. Mabuti ng malinaw! Napatingin naman ako sa kanya ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko..
"Wala na akong balak tumingin pa sa iba...kasi...IKAW LANG SAPAT NA"

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant