CHAPTER 97

59 6 0
                                    

CHAPTER 97
ALEX'S P.O.V
Nandito ako sa kusina at sinusubukan kong tawagan si MM. Maya-maya pa ay sumagot narin siya
"Hello baby"panimula ko
"Hello! Bakit may problema ba?"tanong niya kaagad.
"Meron! Kaya pwede umuwi ka na"sagot ko.
"Ha? Anong nangyari?"nag-aalalang tanong niya.
"Basta! Maya ko na lang sasabihin! Basta umuwi ka na!"pakiusap ko pa.
"Oh sige! Sige! Pauwi na ako! Wait ka lang ha"sabi pa niya. Pinatay ko narin naman kaagad ang tawag at bumalik na sa sala. Kung saan naroon sina Nanay at ate.
"Oh iha! Natawagan mo na ba si MM? Anong sabi?"agad na tanong sa akin ni Nanay.
"Opo! Natawagan ko na po siya. Pauwi na daw po siya"sagot ko.
"Mabuti kung ganun! Oh siya! Habang hinihintay natin siya! Magkwentuhan muna tayo!"pagyaya pa niya. Napangiti naman ako ng pilit! Heto na nga ang sinasabi ko!
"Sige po! Ano pong gusto niyong pagkwentuhan po natin?"tanong ko
"Kwento mo naman sa amin kung paano kayo nagkakilala ng anak ko! Tapos kung paano na buo ang lovestory niyo! Excited lang kasi akong malaman eh! Nakakatuwa lang kasi na may babae palang tatanggap at magmamahal sa anak ko kahit ganun siya!"nakangiti niya pang sabi sabay hawak sa kamay ko. Ngumiti naman ako sa kanya
"Hindi naman po kasi mahirap mahalin si MM. At wala na po akong mahahanap na tulad niya. Kahit po bakla siya, wala po akong pakialam! Dahil mahal ko po siya! Mahal na mahal ko po ang anak niyo"nakangiting sagot ko. Yinakap naman ako ni Nanay.
"Ang swerte ni MM kasi nakilala ka niya at minahal mo siya"sabi naman ni ate Mika. 
"Ako po ang swerte sa kanya"sagot ko.
"Pero iha! Gusto kong magpasalamat sayo kasi minahal mo ang anak ko. Ikaw na ang bahala sa kanya ha! Huwag mo siyang iiwan kahit anong mangyari! Maging matatag kayo sa mga pagsubok at huwag susukuan ang isa't-isa."bilin pa niya. Agad naman akong tumango
"Pangako ko po Nay! Hinding-hindi ko po siya susukuan! At iiwan. Mamahalin ko po siya habang-buhay"sagot ko. 
"Aasahan ko iyan iha! Salamat"nakangiting sabi pa niya.
"Pero balik tayo! Kwentuhan mo muna kami"sabi pa niya. Kaya natawa naman ako
"Sige po"sagot ko at sinimulang ikwento kung paano kami nagkakilala.
"Iba din kumilos si tadhana ah!"natatawang sabi naman ni Ate Mika after kong ikwento ang lahat sa kanila.
"Oo nga! Nakakakilig! Sa tanda ko ng ito kinikilig parin ako"kinikilig na sabi pa ni Nanay. Natawa na lang ako, hindi ko na sinabi sa kanila na naaksidente si MM at nakalimutan niya ako.
"Pero according sa kwento mo, dito ka nakatira di ba? So Nagsasama na kayo?"tanong naman ni ate Mika. Nanlaki naman ang mata ko.
"Hehehe, opo dito po ako nakatira pero di po tulad ng inaakala niyo"agad na sagot ko. Natawa naman si ate
"Hahaha! Hindi naman halatang kinakabahan ka"natatawang sabi pa niya. Napayuko na lang ako..
"So wala pa ba?"biglang tanong naman ni Nanay. Napatingin naman ako sa kanya.
"Po?"tanong ko
"Wala pa ba?"ulit pa niya.
"Ano pong wala pa?"balik na tanong ko.
"Wala pa bang.....alam mo na?"nakangiting sabi pa ni Nanay. Kaya napakunot ang noo ko
"Alin po iyon?"tanong ko ulit. Hindi ko talaga gets eh.
"Ikaw naman iha! Alam mo na ang sinasabi ko"sagot pa ni Nanay sabay turo sa tiyan ko. Nanlaki naman ang mata ko ng marealize ko kung anong ibig sabihin ni Nanay.
"Hala! Wala pa po"sagot ko sabay iling. Kaloka naman! Ang advance din nila ah!
"Ay wala pa ba? Sayang"nanghihinayang na sabi pa ni Nanay. Pilit na lang naman akong ngumiti.. Ano ba iyan? Ang tagal naman dumating ni MM...hindi ko na kinakaya iyong usapan namin eh! Baka saan pa papunta ito..
"Hala nay! Tama na nga iyang pagtatanong niyo! Pulang-pula na po si Alex oh!!"natatawang sabi naman ni ate Mika. Hay! Salamat! Thank u ate Mika!
"Hahaha! Pasensiya ka na iha! Excited lang talaga ako magkaapo kay tutoy ko"hinging paumanhin naman sa akin ni Nanay. Tumango na lang ako at ngumiti
"Okay lang po iyon"sagot ko.
"Oh siya! Magluluto muna ako habang wala pa si MM"sabi pa ni Nanay sabay tayo.
"Tulungan ko na po kayo"pagvovolunteer ko.
"Sige iha! Para makapagkwentuhan pa tayo"sagot naman niya at nauna ng maglakad papuntang kusina. Agad narin naman akong tumayo para sumunod kaso bago pa ako makaalis ay biglang may ibinulong sa akin si ate Mika.
"Goodluck sayo! Sigurado akong hindi ka titigilan ni Nanay"sabi pa niya sabay ngiti. Napalunok naman ako, tama bang nagvolunteer pa ako. Parang gusto ko ng umayaw ah!
"Sige na! Puntahan mo na si Nanay! Good luck sis!!"sabi pa niya sabay alis. Paano ba ito! Hala! Bahala na... Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa kusina. Pagkapasok ko nakita kong naghahanda si Nanay ng mga lulutuin niya. Agad naman akong lumapit sa kanya para tulungan siya.
"Ano pong lulutuin niyo?"tanong ko.
"Adobo! Favorite ni Tutoy"nakangiting sagot naman niya. Ngumiti na lang ako, natigilan naman ako ng maamoy ko ang bawang. Agad kong tinakluban ang ilong ko.
"Bakit iha? Okay ka lang?"tanong naman sa akin ni Nanay? Umiling naman ako at agad na pumunta sa lababo. Di ko napigilan masuka dahil sa amoy ng bawang.
"Iha okay ka lang ba?"nag-aalalang tanong pa sa akin ni Nanay. Agad naman akong naghilamos at naghugas ng kamay.
"Okay lang po ako, medyo hindi ko lang po nagustuhan ang amoy ng Bawang"sagot ko. 
"Allergic ka ba sa amoy ng bawang?"tanong pa ni Nanay. Agad naman akong umiling
"Hindi naman po! Nagtataka nga din po ako kung bakit bigla na lang po akong nasuka after ko pong maamoy ang bawang"sagot ko
"Madalas ka bang nagsusuka?"tanong pa ni Nanay.
"Hindi naman po! Ngayon lang po"sagot ko ulit.
"Wala ka bang iba pang nararamdaman? Nahihilo ka ba?"tanong ulit niya sa akin. Teka! Bakit ganito iyong mga tanong ni Nanay sa akin? Hay!
"Minsan po"sagot ko na lang. Bigla naman siyang ngumiti at niyakap ako. Teka! Anyayare?
"Bakit po?"tanong ko.
"Masaya lang ako"sagot pa niya. 
"Bakit naman po?"tanong ko ulit. 
"Masaya ako kasi.....finally!! Matutupad na ang pangarap kong magkaapo kay tutoy"nakangiting sagot pa ni Nanay. Na ikinalaki ng mata ako.
"Po?"gulat na sabi ko pa. Hanu raw? Magkaapo?
"Iha! Buntis ka!"sagot ni nanay na lalong ikinagulat ko. 
"Iha!!!"rinig ko pang sigaw ni Nanay bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang