KABANATA 40

1.8K 182 17
                                    

Lucio's P.O.V.

Nais ko sana ng katahimikan. Ang mapag-isa upang makapag-isip ng mga bagong estratehiya laban sa mga alipores ni Marietta sa loob mismo ng aking hukbo, nang biglang pumasok ang pinuno ng mga Ujier, upang ipaalam sa akin na nasa labas daw ng salón de baile si Patruska, ang punong tagapangasiwa ng mga cortesana, na sadyang nag-aalaga at nagsasanay ng mga babaeng nagmula pa isa iba't ibang lahi upang magbigay ng aliw sa akin at sa mga pinuno't kinatawan ng aking hukbo. Mabuti nga sana kung tunay ngang lagi ako akong naaaliw sa mga babaeng ipinapadala niya. Mas madalas kasing nayayamot lamang ako sa mga ito dahil sa mga damit nitong yari sa tela de encaje na tila baga hinaklit lamang mula sa mga bintana upang ibalot sa kanilang mga hubad na katawan. Ang mga sayaw nilang ang layunin ay akitin ako at pag-initin ang aking katawan ay mas madalas na ikinabubugnot ko lamang dahil sa hitsura at kasootan ng mga cortesanang halos kita na pati ang mga kaluluwa.

Sa kinatagal-tagal na ng panahong naging lingkod ko si Patruska ay hindi pa rin nito maunawaan na hindi ako naaaliw sa mga babaeng hindi man lamang nagtitira ng mga nakatagong bagay para sa aking imahinasyon. Kitang-kita na ang mga suso, nakabakat ang mga utong at halos nakabuyangyang na rin ang bubungan ng kanilang pagkababae. Nandidiri rin ako sa makakapal na kolorete ng mga ito dahil sa wari ko baga'y lalanit ito sa balat ko sakaling madikit ako sa mukha ng mga ito.

"Naghanda po ang mga cortesana ng sayaw at aliw para sa iyong pamamahinga ngayong araw, Panginoon." Nakayukong wika ni Patruska sa harapan ng aking trono.

"Wala akong panahon sa pag-aaliw ngayon." Mahinahong sagot ko rito, "makakaalis ka na."

"Ngunit, Panginoon, nais kong ipakilala sa inyo ang mga bagong diwata na lumahok sa aming--"

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" pinanatili ko pa rin naman ng pagiging kalmado.

"Ngunit magkakalhating taon niyo na pong hindi nagagamit ang aming serbisy--"

"Wala akong pakialam kahit isang dekada pa!" Binulyawan ko na ito, "kapag sinabi kong ayoko, ayoko!"

Bakas sa mukha nito ang pagkagulat, "totoo po bang bubuwagin na ninyo ang aming samahan? Maawa po kayo, Panginoon!" Sumubsob ito sa aking paanan, "tanging biyayang mula sa inyo po lamang ang inaasahan ko at ng aming samahan. Sabihin niyo po sana sa akin kung anong nais niyo at ng iba pang mga pinuno ng hukbo, upang mabigyan namin kayo ng tamang aliw na ikasisiya niyo.""

"Tumayo ka!"

Tumunghay ito ngunit nanatili pa rin naman itong nakaluhod, "po?"

"May deperensya ka ba sa pandinig?!"

Animo'y natatarantang tumindig naman ito sa aking harapan.

"Gusto mong marinig kung ano ang gusto ko?"

"O-opo, opo!"

Natawa ako, "sa kinatagal-tagal mo nang naglilingkod sa akin, ni minsan ay hindi mo tinanong kung anong gusto ko."

"Eh..." yumuko ito saglit bago muling tumunghay.

"Eh?"

Hindi ito makapagsalita. Batid ko naman na ang matinding takot nito sa akin ang tunay na dahilan kung bakit hindi ito naglalakas-loob na kausapin ako sa mga bagay na may kinalaman sa simpleng aliw.

"Ano ba sa tingin mo ang gusto ko at tila habang tumatagal ay nawawala na ang takip sa katawan ng mga babaeng dinadala mo rito?" pagbasag ko sa katahimikan nito.

Bakas sa mukha nito ang pagkagulat, "hindi po ba ninyo gusto ang nakakaakit na kasootan ng mga cortesana?"

Nginisian ko muna ito bago ako umiling.

"Ngunit iyon po ang nais ng karamihan sa mga pinuno ng inyong hukbo, Panginoon. Sila pa nga po ang nagbigay ng suhestiyon sa akin na medyo nipisan ko ang damit at damihian ang hati, iklian ang tabas sa dibdib at mas landian ang pagsasay--"

"Sila 'yon, hindi ako!" Sigaw ko dito. "Bakit, sila ba ang gusto niyong aliwin ngayon?! Ako lamang ang naririto, hindi ba?"

"E-eh Panginoon, a-ano po ba ang gusto n'yo? Kahit ano po, gagawan ko ng paraan! Huwag niyo lamang pong bubuwagin ang aming grupo. Ilan po bang mga babae ang gusto niyo? Mula po ba sa aling lahi? Kahit ano po, Panginoon, sabihin niyo lang."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Kapag ako lang, ayoko ng maraming babae." Bumalik na sa hinahon ang boses ko. "Isa lang ang gusto ko."

"I-isa lang?" muling bumakas sa mukha nito ang pag-aalala. "Ngunit paano na po ang ibang mga babaeng--"

"Huwag kang mag-alala. Kung may maipapadala ka sa akin na isang babae na magugustuhan ko, hindi ko bubuwagin ang inyong grupo. Itutuloy ko ang biyaya ko sa inyo at sa mga pamilya ninyo kahit na hindi kayo aktibong maglilingkod bilang mga taga-aliw."

"A-ano po ba ang mga katangian ng babaeng hinahanap niyo, Panginoon?"

"Gusto ko ng birhen at inosente ngunit mahusay sa pakikipagtalik." Nakangising wika ko. Tumango ito bagaman kunot-noo nitong inililista sa kanyang isipan ang mga sinasabi ko. "Gusto ko rin ng kaakit-akit kahit hindi nang-aakit." Pinagmamasdan ko ang reaksyon ni Petruska, bagaman hindi ko ipinapahalata rito ang pagkaaliw ko sa kalituhan nito. "Gusto ko rin ng babaeng maganda ang hubog ng katawan ngunit hindi nagsusuot ng malalaswang kasootan." Dumukot na ito ng kapirasong papel mula sa kanyang bulsa at dali-daling nag-umpisa nang maglista. "Gusto ko rin ng may gandang higit pa sa karaniwang tao, ngunit ayoko ng Aswang. Ayoko rin ng Maligno at mas lalong ayoko ng Demonyo." Pagpapatuloy ko. Bumuka ang bibig nito na tila may nais itong sabihin ngunit hindi naman nito itinuloy. "Ayoko rin sa mga purong Engkanto, mapa-diwata man o mga lambana." Napakunot ang noo nito at batid ko naman kung bakit. Ang lahat kasi ng mga babae niya ay mula sa mga lahing tinukoy ko. "Ayoko rin sa isang purong tao dahil ang nais ko ay isang imortal."

Muling bumuka ang bibig ni Patruska, "p-pero Panginoon, mula sa anong lahi naman po kaya ang isang babaeng may ganyang katangian? Saan ko po hahanapin ang ganitong klaseng babae? Hindi Aswang, hindi Maligno, hindi Engkanto, hindi rin tao dahil ang gusto niyo'y isang imortal?" Kinamot-kamot na nito ang kanyang ulo, "birhen ngunit mahusay sa pakikipagtalik..." binabasa nito ang kanyang listahan, "kaakit-akit ngunit hindi nang-aakit," habang nagbabasa ito'y lalong bumabakas sa mukha nito ang pagkabahala, "maganda ang hubog ng katawan ngunit..."

Hindi pa ito tapos sa pagbulong-bulong sa kanyang sarili nang humalakhak muna ako nang walang hinto bago ko sinabing, "ano, Patruska? Bibigyan kita ng isang buwan upang ihandog sa akin ang babaeng hinahanap ko. Kapag nahanap mo, hindi ko na bubuwagin ang samahan ng mga cortesana, bibigyan ko rin kayong lahat ng gantimpalang higit pa sa inyong inaasahan."

"N-ngunit paano po kung hindi, Panginoon?"

"Ihanda mo na ang ulo mo. Ikaw at ang lahat ng mga babaeng nasa iyong pangangalaga."

[ITUTULOY]

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon