KABANATA 74

933 71 8
                                    

Lucio's P.O.V.

"Nagiging mas malinaw na ang dahilan kung bakit ginawa ni Marietta ang kanyang ginawa sa pangkat nina Patruska, Panginoon." Pag-uulat ng kinatawan ng lahing Bungisngis sa muling pagtitipon-tipon ng konseho. "At ito ay upang sa iyo maipukol ang sisi sa nangyari sa mga Lambana. Ayon sa aming nabalitaan, may mga nagsumbong daw kay Lambino na ikaw ang nag-utos sa nasirang Bebeng na gawing taga-aliw, alipin, at mabababang uri ng nilalang ang sinumang nagmula sa kabilang kaharian. Ang mga kalalakihan daw ay ginagawa mong alipin, habang ang mga babae naman daw ay iyo namang mga taga-aliw at parausan. Ikaw rin daw ang nag-utos sa panggagahasa at nagbigay ng karapatan sa pangkat ni Bebeng na tanggalan ng karapatang mabuhay ng mapayapa ang sinumang nanggaling sa Mashuria. Sa mga kadahilanang ito'y opisyal nang nagdeklara ng digmaan si Lambino at ang buong kaharian ng Mashuria laban sa atin, partikular na laban sa 'yo."

Hindi na ako nagulat sapagkat matagal ko nang alam na gano'n naman talaga ang nais mangyari ni Marietta dahil hindi ito makapapayag na muling magsanib ang dalawang kaharian kung hindi siya o ang anak niya ang tatayong Inang Reyna, at Reyna ng bagong Elysio. Nais nitong manatiling magkahiwalay ang Edenus at Mashuria hanggat hindi pa ito nagtatagumpay na maagaw ang aking trono.

"Ano pong gagawin natin?" natatarantang tanong ng kinatawan ng mga Sigbin, "nagbanta na rin ang mga Diwata at Engkanto mula sa iba't ibang kabundukan at kagubatan na makikipagsanib puwersa na rin sila sa sa Mashuria upang masiguro nila ang pagbagsak ng ating kaharian."

"Hindi lamang iyon, Panginoong Lucio." Pagsingit naman ng kinatawan ng mga Matruculan, "nakakuha na rin sila ng simpatiya sa mga tao, sa mga mambabarang, mangkukulam, manghuhula, at maging sa mga Albularyo. Dahil para sa kanila, sila ang nasa liwanag, tayo ang nasa kadiliman. Sila ang mabubuti at tayo naman ang masasama, gayong wala naman tayong kinalaman sa mga karumaldumal na ibinibintang sa atin. Nanahimik tayo rito, at hindi naman tayo nakikialam sa mga tao, at sa iba pang mga nilalang sa labas ng kahariang ito."

Nagsipagbulungan ang mga ito sa isa't isa kaya saglit na nabalot ng ingay ang paligid; habang kinikimkim ko naman ang aking pagkadismaya sa kanilang pagkataranta na tila ba pinamumunuan sila ng isang bagitong pinuno na hindi handa at hindi alam ang gagawin sa mga ganitong pagkakataon.

"Tapos na bang manginig ang mga tumbong niyo?!" Nang hindi ko na matiis ang ingay. Agad naman silang tumahimik.

Mula naman sa malayo ay walang salitang sinenyasan ko ang nakaabang na labing-apat na sundalong nagsisilbing pinuno ng labindalawang hukbo ng mga mandirigma. Ang bawat hukbo ay kinabibilangan ng dalawampung libong mandirigma sa bawat pangkat na nagmula sa iba't ibang uri ng nilalalang, bagaman ang karamihan sa mga ito ay mula sa iba't ibang lahi ng mababangis na Aswang at mga Halimaw. Ako mismo ang nagtatiyagang pamunuan ang kanilang pagsasanay, na hindi naman huminto kahit sa mga panahon ng katahimikan. Nariyan lamang sila at nakabantay, parating handa, umulan man o umaraw; may digmaan man o wala.

Yumukod muna ang mga punong mandirigmang iyon sa akin bago tahimik na umalis sapagkat kumpara sa mga kinatawan ng konsehong nasa aking harapan ay alam na ng mga ito ang kanilang gagawin.

"P-paano po kami, ano pong gagawin namin?" tila sindak na sindak ang mukha ng kinatawan ng mga Nuno.

"Ano pa?" Sabi ko, "eh 'di magsiuwi na kayo, 'yun ay kung ayaw niyong ibala ko kayo sa kanyon." Sadyang ipinakita ko sa kanila ang aking pagkabuwisit.

Umiiling-iling na napangiti sa akin ang ilan sa mararangal na kinatawan, bakas sa mukha ng mga ito ang mensahe ng pagkamangha at pagkagalak sa aking kahandaan sa mga kaganapang hindi nila inaasahan.

***

"Boss," bulong sa akin ni David habang ipinagmamaneho ako nito pabalik sa San Gabriel, "kailan po ba natin gagawin 'yung plano natin kasama si Marikit at 'yung tatlong hari?"

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon