KABANATA 81

928 88 26
                                    

Lucio's P.O.V.

"Nakapagpahinga ka ba?"  ako habang kami'y nasa magkabilang dulo ng mahabang hapagkainan. Katatapos lamang naming maghapunan.

Tumango ito ngunit hindi naman nagsasalita; at hindi man lamang din ito sumusulyap sa akin. Tinitimbang ko namang mabuti ang kahit anong naiisip kong nais sabihin dahil baka lalo itong magalit sa akin dahil sa dami ng dapat kong ipaliwanag sa kanya.

"Ayos lang sa akin kung kailangan mong magpahinga ngayong gabi. Alam kong sinabi nila na kailangan mong dumalo sa ating pulot-gata, pero maaari naman nating ipagpaliban 'yun sa—"

"Nagkapagpahinga na po ako nang maayos." Nakatingin na ito sa akin. "Magkita na lamang po tayo mamaya. Mga dalawang oras mula ngayon."

***

Hindi naman ito ang unang beses pero hindi ako mapakali.  Maya't maya ang tingin ko sa orasan na tila ba bibilis ang pagtakbo nito kung dadalasan ko rin ang pagtingin dito. Ilang saglit pa, sampung minuto bago magdalawang oras ay may kumatok na sa akin pinto.

"Panginoon," bungad sa akin ni Marikit, "narito na po ang mahal na Reyna." Inalalayan nito si Senda palapit sa akin bago ito umalis matapos nitong yumukod sa aming dalawa.

"Senda." hinawakan ko ang magkabilang kamay nito, "halika," saka ko ito iginiya  papunta sa loob ng aking silid. 

Nagulat ako nang bigla nitong binawi ang mga kamay niya. "Si Lucio ang pinakasalan ko, hindi si Luis." Anito, "hindi mo ako kailangang tratuhin ng tulad ng pagtrato niya sa akin." Una kong napansin na wala nang 'po' sa kanyang sinabi.

"Pero Senda, ako rin naman si Lu—"

"Hindi ikaw si Luis!"  Matalim ang tingin nito sa akin, at pumako ang pagititig nito sa akin sa gano'ng paraan nang may katagalan. Nagdudulot na ito sa akin ng pag-aalala kung kaya nagulat ako nang bigla itong humagikhik. "Hitsura mo mukhang ewan."

Ramdam ko ang biglang pagluwag ng aking dibdib kaya nakitawa na rin ako sa kanya. "Ikaw talaga, pinakaba mo naman ako."

"Kulang pa 'yan sa dami ng atraso mo sa akin." Nakabungisngis na ito. "Kanino ba ako maaaring magsampa ng reklamo rito?"

Nilapitan ko ito, "Sa akin din." Saka ko ipinulupot ang kanang kamay ko sa kanya baywang upang hapitin ito palapit sa akin.

"Eh pa'no..."habang iginagapang naman niya ang kanyang kanang kamay sa aking dibdib, "kung ikaw ang kailangan kong ireklamo ngayong gabi?"

Mas inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha, "bakit, ano bang reklamo mo?"

"Ang bagal-bagal mo kasi. Matanda ka talaga sa sinauna. Samantalang... kaninang-kanina pa kita gustong halikan." Siya na mismo ang nagdampi ng kanyang mga labi sa akin.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Naninikip ang dibdib ko sa labis na kasiyahan at pagkasabik, lalo na't damang-dama ko na gano'n din siya sa akin. Daig ko pa ang isang binatilyong umaasam-asam, matapos niya akong itulak nang patihaya sa kama.

"A-Anong klaseng damit 'yan?" natatawang wika ko matapos niyang hubarin ang maluwang at mahaba niyang pang-ibabaw na saya, kakapiraso kasi ito at noon lamang ako nakakita ng ganoong kaeskandalosong disenyo. "Kinulang ba sa tela ang modista?"

"Bakit?" nginisian ako nito nang mapang-akit bago ito marahang gumapang sa ibabaw ko at bumulong. Halos dumampi na ang kanyang mga labi sa kaliwang tenga ko. "Malaswa ba?" tinaniman ako nito ng maiikling halik sa aking kaliwang panga.

"O-oo eh." Habang marahang iniaakyat ko ang aking magkabilang kamay mula sa kanyang mga hita paitaas hanggang sa kanyang balakang.

"Ayaw mo ba?" paulit-ulit niya akong tinataniman ng mababaw na halik sa labi.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon