KABANATA 91

813 69 10
                                    

Senda's P.O.V

"Ang layo ng binyahe natin, sumakit ang puwit ko, pero sulit, ang ganda rito!" Naglulundag si David nang makarating kami sa napakasimple ngunit napakagandang makabagong bahay ni Luis, katamtaman lamang ito ng laki at hindi mo aakalain na pag-aari ito ng isang napakayamang nilalang na namamay-ari ng hindi lamang mga mansyon, kundi isang tunay na Palasyo. 

 Isa ito sa napansin ko kay Luis simula nang magkakilala kami. Sa kabila nga kakayahan niyang magmay-ari ng magagarbong bagay, mas nasisiyahan siya sa mga karaniwang bagay. Mahahalata mo sa kanyang pustura, pananamit, sasakyan, maski na sa pagkilos na mayro'n siyang sinasabi, ngunit dinadala niya ang mga ito na tila mga ordinayong bagay na hindi kailangang lantarang ipagpahili at ipagyabang kung magkano at kung ano ang tatak.

"Marikit, ang laki ng sopa." Animo'y batang tumatalbog-talbog sa pagkakaupo si David, "puwede sigurong dito tayo matulog mamaya. Pwede po ba, Boss?" sa pagbaling nito kay David.

"May tatlong silid-tulugan ang bahay na 'to," sagot dito ni Luis, "bakit naman d'yan kayo matutulog?"

Kumamot si David, "eh...nakakahiya naman po kung—"

"Mas nakakahiya kung diyan ka matutulog," itinuro nito ang sopa, "at pagkatapos ay madadatnan kita riyan sa umaga na tumutulo-tulo pa ang laway mo. Alam mo namang maaga akong gumising ke aga-aga mawawalan agad ako ng gana." 

Napatawa ako dahil mukhang nagbibiro lamang ito.

"Boss naman..."

"Mamili na kayo sa dalawang silid na natitira dito sa kabila. Pare-pareho naman ang hitsura at laki ng tatlong silid, pero pasensya na kung pinili ko para sa amin ni Senda itong nakahiwalay dahil may isang tikbalang d'yan sa tabi-tabi na mahilig makinig at makiusyoso sa pribadong buhay ng iba."

"Luh!" Kakamot-kamot si David, "sight lang naman, Boss."

"Luis, puwede bang gamitin 'yung darangan?" itinuro ko sa kanya ang fireplace sa may salas, "parang ang lamig kasi rito sa loob."

"Oo naman." Agad nito itong pinuntahan at sinipat ang ilang bungkos ng sinibak na kahoy. "Pero mukhang kailangan ko munang dagdagan ang patas ng mga panggatong rito."

"Hanggang dito po ba magsisibak pa rin kayo ng kahoy?" kantyaw ni David dito.

"Siraulo, anong palagay mo sa akin, hindi handa? Meron akong patasan ng nasibak nang kahoy riyan sa bodega sa likod. Kailangan lang nating maghakot ng sapat dito sa loob para madagdagan ang patas dito sa gilid ng pugon. Tutulungan mo ba akong maghakot o hindi?"

"Ahh...siyempre po hindi. Tinatamad po ako eh. Sige na Boss, umpisahan mo nang maghakot ng kahoy ngayon mismo at huwag kang babagal-bagal! Giniginaw na ako eh, kailangan ko ng init sa magdamag." Biro ni David kaya naman binato ito ni Luis ng throw pillow na sumapol naman sa mukha ni David bago ito nalaglag sa sahig. Paalis na sana si Luis nang, "Boss! Boss! Boss!"

"Taragis, ano na naman ba?!" Tila naiinis na ito.

"Ahm..." itinuro ni David and throw pillow na nalaglag, "p-pakipulot."  Mukhang inasahan na agad ni David na mababatukan na naman siya kaya kumaripas na ito nang takbo bago pa ito malapitan ni Luis.

****

"Naniniwala ba kayo sa multo?" tanong ni David sa aming tatlo habang nagpapainit kami sa may darangan matapos naming maghapunan.

Umiinom si Luis kaya eksaktong nabilaukan ito, "nakakita na ba kayo ng malignong mahilig magkuwento ng mga katatakutan?" tanong nito sa amin ni Marikit habang inginunguso si David.

"Di ba takot ka kamo sa multo?" natatawang tanong ko kay Luis. Si David naman ngayon ang tila nabulunan sa sariling laway.

"Takot ka sa multo, Boss? Kailan pa?" dumikit ito kay Marikit at yumapos dito, "naku, takot sa multo ang amo ko, mukhang ako rin yata. Marikit, mahal, yakapin mo ako, takot ako sa multo." Ginitgit nito nang ginitgit si Marikit hanggang sa bigla itong sinampiga nito.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon