KABANATA 135

688 80 9
                                    

Lucio's P.O.V.

"Mga traydor kayo! Anong ipinangsuhol sa inyo ni Marietta, ha?" Bitbit ako sa ere ng labindalawang demonyong dati kong mga kakampi.  Dinala ako ng mga ito sa isang kuwebang may maliit na lagusan patungo sa bangin ng kumukulong asupre.

"Ikaw ang traydor, Lucio."  Halos sabay-sabay na wika ng mga ito.  Umaalingaw-ngaw it sa hangin sa makapanindig na balahibong paraan—sa pamantayan ng mga tao. "Akala mo ba'y hindi namin alam na nakikipag-usap ka rin sa mga anghel ng kaaway ng aming Panginoong Helel (1)? Sinasabi namin sa 'yo Lucio...hindi mo kami maloloko. Tingnan natin kung maililigtas ka ng mga anghel na kinakausap mo."

Ilang saglit pa'y natanaw ko na sina Senda, Jordanna, at Helga.  Nakagapos ang mga ito sa mga posteng nakapalibot sa bangin ng kumukulong asupre. "Bitawan n'yo ako!" Nagkakawag ako, ngunit hindi ko mahagilap ang mga ito dahil bitbit nila akong lahat sa pakpak ko.

"Lucio!" Pagtawag sa akin ni Senda habang ibinababa na ako ng mga demonyo sa ikapaat na poste. Tsk. Lucio? Pangalan ko naman talaga iyon, pero hindi ko alam kung bakit umiinit ang ulo kapag nagmumula ito sa bibig ni Senda. 

"Senda?!" Pinagtutulugan na rin akong itali ng mga demonyo.

"Lucio..." Umiiyak na si Senda. Tila nasasaktan na ito dahil sa matinding init kaya patuloy akong nanlaban. Hinagip at sinakal ko ang mga demonyong bumibihag sa akin at saka ko isa-isang itinapon sa bangin ng kumukulong asupre ang mga ito.

Natanaw kong nakawala na sa pagkakagapos si Jordanna at agad nitong pinuntahan si Senda, "unahin mo na muna si Helga, Jordanna. Mukhang masama na talaga ang lagay n'ya. Mas matagal na s'ya rito kaysa sa 'tin." Sumunod naman ang nakababata.

"Lucio...si Helga." Ani Senda sa akin, "tulungan mo kaming mailabas s'ya rito."

Agad ko namang binuhat ang walang malay na si Helga, bagaman mas pinauna ko na sa paglabas ang dalawang babae upang makaalis na kami sa mainit at mabahong lugar na iyon.

***

"Hindi tayo maaaring lumabas dito." Sabi ko sa dalawa sa una nilang napiling lagusan. "Maraming nakabantay na mga demonyo sa lupa at sa himpapawid." Bagaman huminto muna kami roon upang makapagpahinga.

"Kailan pa nag-umpisang maging sunod-sunuran ang mga demonyo kay Marietta?" naluluhang tanong sa akin ni Senda, "hindi ko rin maatim na kinaya n'yang gawin ito sa aking pamangkin." Hinaplos n'ya ang noo ni Helga. Kalong nito ang ulo ng kanyang pamangkin. "Nasaan na kaya si Jasper?"

"Magkausap sila kanina." Sabi ko, nakasilip ako sa labas. "Pinipilit ni Mariettang lumagda ito sa isang kasunduan, kapalit ng kalayaan n'yo at lahat ng mga kakampi n'yang mga engkanto."

"Ano namang klaseng kasunduan?" tanong ni Jordanna

"Hinihingi nito ang magiging panganay na anak ni Jasper, maging ang kanyang mga pakpak."

"Ano naman ang kailangan n'ya sa magiging panganay na anak ni Jasper?" tanong naman ni Senda, "may espesyal na kapangyarihan din ba ito, tulad n'yong dalawa?"

"Wala, kung ito'y anak n'ya sa isa lamang ordinaryong babae."Sagot ko rito habang sumilip-silip ako sa labas, "bagama't ito naman ang kanyang magiging kalamangan kung magkataon, ayon sa nakatalang kasabihan sa isa sa mga kasulatan ng aming angkan. 'Ang buhay ng panganay naming anak, ang s'yang karugtong ng aming buhay.' Kaya oras na makuha n'ya ang unang anak ng kanyang panganay na apo, maaari na rin n'yang patayin, ipapatay o hayaang mamatay si Jasper. Kapag nakuha n'ya ang panganay na anak ni Jasper, ito na ang magtutuloy ng pakinabang n'ya rito. At dahil s'ya ang magpapalaki rito, mas madali na n'ya itong mapasusunod sa lahat ng mga gusto n'ya."

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon