KABANATA 131

716 84 23
                                    

Senda's P.O.V.

"Senda.."

Malalim na ang gabi. Nagulat ako nang makita ko si Luis sa pagbukas ko ng aking pintuan. Nanlulumo ito na tila pagod na pagod.  

"A-anong ginagawa mo rito?" Kunwaring pagsusungit ko. Luminga-linga ako sa labas sa pangambang may mga matang nakamatyag.

"Kailangan ko ang tulong mo."

Nagpatuloy ako sa pagsilip-silip sa labas—sa abot ng aking natatanaw. Tinaasan ko ng kilay si Luis—sakaling mayro'n ngang nakamatyag na mga taga-sunod ni ate Marietta, "wala akong maitutulong sa 'yo," sinadya kong ilakas ang boses ko, na sinundan ko naman ng napakahinang bulong kay Luis na, "sabunutan mo ako tapos kaladkarin mo ako sa loob, bilis!"

"H-ha!" Naiinis ako dahil hindi nito makuha ang ibinulong ko.

"Umalis ka na!" Malakas kong anunsyo, muli ko itong sinundan ng bulong kay Luis ng, "ang sabi ko, sabunutan mo ako tapos puwersahin mo ako papunta sa loob!"

"P-puwersahin." Bulong nito, "pero baki—" sa wakas, bumakas na sa mukha nito na naiintindihan na niya ang ibig kong sabihin.  Pero agad din naman akong napapikit nang bigla nitong inanunsyo ang, "Pinupuwersa kita Senda!" Lumilinga-linga ito sabay hawak sa kamay ko.

"Tange!" Pabulong na singhal ko, "'yung buhok ko ang hawakan mo. Sabunutan mo ako!"

"A-ayoko nga!" Bulong nito pabalik bago ito muling umanunsyo ng, "S-Sasabuntan kita, Send—"

Nainis na ako, "haist! Halika na nga!" hinatak ko na ito papasok, sabay pingot sa kaliwang tenga nito. "Nakakainis ka naman!" Pabulong na singhal ko, "hindi ka ba marunong man lang umarte para sa mga posibleng nagmamatyag sa atin? Tsk!"

"Malay ko ba sa pag-arte, hindi naman ako artista." Ngumisi pa ito.

"Ano bang ginagawa mo rito?"

"Ikaw, bakit hindi ka pa umuuwi sa atin? At saka ikaw ha, may atraso ka sa akin...sa amin ng anak mo. Anong nangyari sa 'yo sa San Isidro? Kung hindi sa 'yo ang mga butong natagpuan sa natupok mong bahay, kanino 'yun?"

Itinuro ko na ang sopa upang maupo ito. Umupo na rin naman ako sa tapat nito. "Kay Marikit." Malungkot kong wika.

"Ha? Pero paanong napunta roon si Marikit?"

"Mahabang istroya Luis. Saka ko na lamang ikukuwento sa 'yo kapag nagawa ko na ang lahat ng mga kailangan kong gawin para sa ating anak."

Biglang bumakas ang kalungkutan sa kanyang mukha, "aanhin pa ang iniisip mong ligtas na kinabukasan niya kung nasa panganib na siya ngayon."

Nagulat ako, "panganib? Anong panganib? May nagyari ba kay Kat—"

"Kailagan ka niya ngayon. Pakiusap, Senda, hindi pa rin kita hahadlangan sa kahit anong nais mong gawin pero bigyan mo naman sana siya ng kahit kaunting panahon upang magkakilanlan kayong dalawa. Bisitahin mo man lang para magkita kayo."

Hindi ko masabi sa kanya na lagi ko namang pinupuntahan si Katrina kapag nakakapuslit ako kay ate Marietta. Kung minsan nga'y pinagmamasdan ko pa itong matulog, at hinahagkan sa noo. Ginawa ko na 'yun bago ko pa man inumpisahan ang pagiiwan sa kanya ng mga babalang nakasulat sa pergamino.

"Higit pa sa palihim mong pagbisita sa kanya ang kailangan niya. Ang kailangan niya ay ang makita ka, makausap, at mayakap."

Muli akong nagulat sa tinuran ni Luis, "a-alam mo?"

"Sa kasamaang palad, kailan ko lang napagtanto dahil masyado akong naging abala sa paglalasing kahit na hindi naman ako dating maglalasing." Anito, "dahil mukhang napakagaling na talagang bumantu-bantulot ng isang tao riyan, gamit ang susi ko sa sikretong lagusan. Nasa 'yo pa rin ang susi sa sikretong lagusan, hindi ba?"

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon