KABANATA 120

669 79 13
                                    

Lucio's P.O.V.

"Alam ko na kung paano mababasag ang bobida ni Marietta sa San Isidro at sa iba pang mga lugar." Ani impong Delfin. "Hindi ko akalain na gano'n lamang ito kasimple."

"Pa'no?"

"Banal na tubig."

"Eh saan naman ako kukuha ng lintek na banal na tubig na 'yan?"

Tiningan ako ng matanda, "alam na alam mo kung saan. Kailangan mong magtungo sa simbahan o di kaya ay humanap ng paring Kristiyano na magbabasbas ng mga tubig na ihahanda mo."

Parang sasabog ang utak ko sa inis. "Kailangan ko nang tumawid sa San Isidro. Kailangan ko nang makausap si Senda. Utang na loob! Wala akong panahon para puntahang ang simbahan na 'yan. Ikuha mo ako kahit ilang botelya lang!"

Nginisian ako ng matanda, "meron akong isang botelya."Sabay dukot nito sa isang maliit na botelya mula sa kanyang lukbutan. Ibibigay ko sa 'yo ito ngunit sa isang kundisyon."

"Tsk. Anong kundisyon?"

"Hayaan mo akong makauwi sa Santa Fe, para naman maihatid ko si Normita  kanyang huling hantungan."

****

Senda's P.O.V.

"Tiya, ano po ito?"  Itinuro nito ang maliit na kahon sa ibabaw ng aking altar. 

"A-ah 'yan ba? Kung ano-ano lang, mga bigay sa akin..." nagdadalawang isip ako kung pagtatakpan ko o magsasabi ako ng totoo. "—ng iyong ina."

Namilog ang mga mata nito, "nakilala niyo po pala ang aking ina bago siya pumanaw?"

Pumanaw? 'Yun kaya ang sinabi ni kuya Arnulfo sa batang ito?

"O-Oo." Sinakayan ko na lang. "K-kung gusto mo, sa 'yo na. Tutal, sa 'yo naman dapat mapunta ang lahat ng laman ng kahong iyan." dahil kahit pinaghirapan ko ang bawat bara ng gintong nakapaloob doon, ay hindi ko maatim na wala man lamang itong ibinigay sa sarili niyang anak.

"Naku, ba't naman ganun Tiya. Kung sa iyo ibinigay iyan ni Inay, ang ibig sabihin ay sa 'yo 'yan."

"H-ha, ang totoo, s-sayo talaga 'yan." Pagsisinungaling ko, "inihabilin lamang niya sa akin para maibigay ko sa 'yo. Pero ayos lang ba kung diyan na lamang muna 'yan sa harapan ng altar hanggang sa makabalik ka sa Maynila?" Naroon din kasi ang kuwintas na Carbonado ni Luis na pasikreto kong kinuha kay ate Marietta nang muling mapasakamay nito ito, pati na ang kinuha kong talaarawan nito mula sa Paraeiah nang minsang napagtagumpayan kong makatungtong doon.

"Talaga po, may naiwan sa akin si Inay?" muli nitong sinulyapan ang kahon, "pero oo naman po, ayos lamang po sa akin na diyan na lamang muna iyan. Hindi ko nga po inaasahan na sa akin pala 'yan."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Hatinggabi an pero hindi ako mapakali. Tulog na ang pamangkin ko ngunit ako'y dilat na dilat pa rin. Tuluyan na akong bumangon nang may narinig akong bumabato sa aking bintana. Maingat kong iniangat nang bahagya ang bintana at napanganga ako nang maaninag ko na sa kadiliman kung sino ang bumabato.

Si Luis. Mag-isa lamang ito. Nanghahaba ang leeg nito sa pagsipat sa kabuuan ng aking dampa. Muli na naman itong dumampot ng bato. Akmang ibabato na nito ito sa bahay nang tuluyan ko nang binuksan ang bintana.

"S-Senda?!"

Batid kong hindi ko dapat itong kausapin, dahil oras na malaman ni ate Marietta na pagpapanggap lamang ang pagkapoot ko rito ay tiyak na masasayang lamang ang napakahabang panahon na binuno namin ni Matias at kuya Popoy. Ngunit mas nagibabaw ang pagkasabik ko rito, at ang kagustuhang mayakap man lamang ito kahit sagilit lang.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon