KABANATA 93

785 64 12
                                    

Lucio's P.O.V.

"Pasensya na, Senda." Sabi ko rito habang tinutulungan ko itong mag-empake bagaman hindi pa gaanong naghihilom ang aking mga sugat. "Hindi ko ginustong masira ang plano nating manatili pa rito ng ilang araw upang makapag-pulot-gata tayo nang maayos, pero malakas ang kutob ko na babalikan ako ng mga iyon dito. Walang kaso sa akin kung ako lang ang susugurin nila. Ang hindi ko kayang isangkalan ay ang kaligtasan mo. Mas mainam na umalis na tayo rito bago muling kumagat ang dilim.

"Huwag mo akong intindihin Luis," nakangiting sagot nito, "nagpapasalamat nga ako na ikaw na mismo ang nagdesisyon niyan kasi parang hindi ko na nanaisin pang manatili pa rito matapos ang nangyari. Pero ang tanong ko sa 'yo, tutuloy pa ba tayo sa plano mong puntahan, saan nga ba 'yun? Sa Bundok Pulag?"

"Oo, kailangan eh. Doon kasi nakatira ang ermitanyong kaibigan ng nasirang Higelberto. Mayroon daw itong ibibigay sa akin, na kailangan ay ako mismo ang kukuha. Kailangan ko namang gawin ito para sa mga nilalang na humihingi ng saklolo sa kaharian ng iyong Ama."

"Mahabanging langit, Luis. Mukhang may kuneksyon na naman yata sa akin itong panibagong suliranin na ito.  Hindi ka ba nababahala man lang na baka ako ang malas at pabigat sa buhay mo?"

"Ano ka ba?" Tinaniman ko ito ng maikling halik sa labi, "ang sabihin mo, ikaw ang suwerte ko dahil ikaw ang nagpapasaya sa puso ko kaya mas nabibigyan ng  liwanag ang buhay ko at ng kahulugan ang mga ginagawa ko. Ikaw ang nagpapagaan ng kalooban ko kaya imposibleng ikaw ang pabigat. Buwisit na sa buhay ko si Lambino at Marietta bago pa man tayo nagkakilala kaya maniwala ka sana na kahit ngayo'y idinadamay ka na rin nila ay wala ka naman talagang kinalaman sa puno't dulo ng kaguluhang ito."

"Magtatagal ba tayo sa Bundok Pulag?"

"Ayon sa bilin sa akin ni Higelberto, hindi raw ako maaaring magpalipas nga magdamag doon dahil teritoryo iyon ni iyong Ama dito sa lupa. Marami itong mga mata roon na maaaring mag-ulat sa iyong ama. Kaya nga bago tayo pumaroon, kailangan muna nating dumaan sa La Trinidad kung saan natin kakatagpuin ang kapatid ni Higelberto na magkapagtuturo sa atin kung saan eksaktong nagtatago ang ermitanyo upang hindi na nating kailangang mambulabog ng mga taga-ro'n para hanapin ito. Wala raw tayong maaaring pagkatiwalaan kundi si Alfonso (1)." 

"Sino si Alfonso?"

"Alfonso ang pangalan ng nakatatandang kapatid ni Higelberto."

Napaisip si Senda, "Alfonso...hindi ko alam kung bakit pamilyar ang panganang iyan sa akin, gayung wala naman akong nakikilalang Alfonso dito sa lupa."

Napangiti ako, "marahil ay dahil may isip ka na noong una mo itong nakilala."

Bumakas sa mukha nito ang pagkagulat. "Nakilala ko? A-ako mismo?"

"Oo, ikaw."

"Pero Papa'nong?"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Ayon kay Higelberto, ang nakakatandang kapatid raw n'yang iyon ang nagligtas sa iyo noong una kang pinagtangkaang patayin ni Lambino noong bata ka pa. Ito raw ang sumambot sa iyo sa ilalim ng bangin na tapunan ng bangkay ng mga Aswang noong itinapon ka ro'n ng iyong ama noong ikaw ay limang-buwang sanggol pa lamang. Ito rin daw ang nagsauli sa iyo sa iyong ina, at ang nagsabi sa iyong mga kapatid na babae ng tungkol sa iyo. Siya rin ang nagbantay sa 'yo hanggang ikaw ay limang taong gulang."

Napanganga lamang si Senda at hindi makapagsalita.

"Ang totoo niyan," pagpapatuloy ko, "bagaman kailan ko lang nalaman na kapatid ito ni Higelberto, palagay ko'y nakilala ko na rin ito maraming taon na ang nakalilipas, dahil isa ito sa mga laging kasa-kasama ng iyong Ama, bago ito naitinalaga bilang kinatawan ng mga Lambana sa konseho ni Marietta."

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon