KABANATA 60

1.8K 166 41
                                    

Lucio's P.O.V.

Wala na dapat sa buong pagkatao ko ang pagkataranta at pagkatakot, dahil ano ba ang dapat ikataranta at ikatakot ng isang taong nakararamdam man ng sakit ay wala namang kamatayan?

Bakit naman mag-aalala pa ang isang taong durugin man ay mabubuo rin muli; mabuwal man ay muli rin namang bumabangon?

Batid kong ninais kong mabuhay pa ng mas matagal bago ako nakipagkasundo kay Satanas, ngunit hindi ganito kahaba, at lalong hindi ganito kasaklap. Ang nais ko lamang ay ang ang manatiling buhay hangga't hindi ko pa naipaghihiganti ang sinapit ng aking mag-iina, ngunit hindi sa habang panahon at lalong hindi upang paglingkuran ito at pamunuan ang kanyang mga kaalyadong demonyo at halimaw.

Wala na dapat akong kinasisindakan, dahil kung sino man 'yang tinaguriang pinakanakahihindik na nilalang ay hindi rin naman ako kayang pasalangin. Silang lahat ang dapat na matakot sa akin, dahil kung may nilalang man na maaaring pumatay sa akin ay nakasisiguro akong hindi pa naipapanganak.

Wala na dapat akong pinagangambahan. Ngunit bakit ganito ang aking pakiramdam habang iniisa-isa ko ang bawat silid sa palasyo upang hanapin si Senda. Bakit ako nababahala sa bawat pagbukas ko sa pintuan ng mga silid na wala siya? Nasaan ba si Senda? Bakit wala na ito sa silid na pinag-iwanan ko sa kanya kanina?

***

"Panginoon!" Kinakawayan ako ni Gaspar habang nakasilip silang tatlo nina Melchor at Baltazar sa bintana. Tinatanaw ng mga ito ang mga kababaihan nagisishiyawan at nagsisiiyakan sa haparapan ng aking palasyo. Agad naman kaming lumapit ni David upang makisilip sa mga ito.

Hindi mabilang na mga kababaihan ang naroroon. Nakasisiguro akong hindi lamang ito binubuo ng pangkat nina Patruska, kundi ang lahat ng mga kababaihan sa buong kaharian.

"Napakalupit mo, Paginoong Lucio!" Hiyaw ni Patruska, na siyang namumuno sa mga ito. "Ito ba ang kapalit ng paglilingkod namin sa iyo?! Bakit hindi mo pa kami pinatay lahat?! Napakasama mo! Pinagsisisihan ko ang bawat araw na pinaglingkuran kita!"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Maging para sa akin ay nakapangingilabot ang pinaghalo-halong panaghoy ng mga ito. Sinuyod ko ng tingin ang mga ito, maging ang mga babaing Aswang at iba pang mga Engkantong naninilbihan sa loob ng aking palasyo ay lumahok na rin sa mga ito. Ang lahat ng mga ito ay tumatangis.

"Hindi ka karapatdapat na maging hari ng Edenus!"Galit na galit na sigaw ng isa sa mga kasamahan ni Patruska. "Hindi na mabubuo pa ang kaharian ng Elisyo kung ikaw ang mananatiling pinuno nito. Hindi mabibigyan ng kahalagahan at katarungan ang mga kababaihan hangga't ikaw ang nakaluklok. Panahon na para ibalik sa isang babae ang pamumuno ng kahariang ito!"

"Totoo ba?!"

Lahat kaming lima ay bahagyang napaiktad sa biglaang pagsipot at pagsasalita ni Senda sa aming bandang likuran. Nakasimangot ito at matalim na tumingin muna ito kay Gaspar, bago nito ibinaling ang tingin sa akin.

"Akala ko ba'y tutulungan kami nitong amo mo?" Bakas sa mukha nito ang matinding lungkot, "nilansi mo lamang ba ako, ha, Luis? Pinapaniwala mo lang ba ako na may kabutihan sa maitim na puso ng Lucio na 'yan?" Sumusulyap-sulyap pa rin ito kay Gaspar. Nais ko sanang magsalita ngunit inunahan ako nito, "ngayon mo sabihin na hindi masamang tao ang demonyong ito?! Na sabi-sabi lang o tsismis ang kalupitan ng walang-hiyang ito!" Dinuro nito si Gaspar. Akma na nito itong susugurin ngunit napigilan ko naman agad ito sa kaliwang braso. Nagsimula nang mangilid ang mga luha nito nang hinatak ko na ito sa aking bisig. "Hayup ka, Lucio!" Bulyaw nito kay Gaspar. Hindi naman makapakali si Gaspar sa galit na ipankikita sa kanya ni Senda, "sana'y mauna ka pa kay Satanas na masunog sa impiyerno! Hayup ka!" Humagulhol na ito; nanginginig. "Ngayon mo ipagtanggol ang demonyong ito!" Pagbaling nito sa akin.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon