KABANATA 62

1.6K 131 32
                                    

Senda’s P.O.V.

“Senda, nagbalik ka na!” Mangiyakngiyak na sigaw ni Dalia habang nagwawalis ako sa aking bakuran. Hindi makatawid papunta sakin ang mga kapatid ko dahil ang kauna-unahang ginawa ko sa pagkadating ko ay ang muling budburan ng asin ang bakod at tarangkahan ko.

“Sa’n ka ba nanggaling?” nagmamaktol na wika ni Thea. “Nakakainis ka naman eh!” Unti-unti na akong lumalapit sa mga ito.

“Nandito kami araw-araw.” Mahinahong sambit ni Hera nang makarating na ako nang mas malapit sa kanilang harapan. “Hinihintay namin ang pagbabalik mo.”

“Akala namin kung ano na ang nagyari sa ‘yo,” ani Thea, “kung ano-ano nang masasamang bagay ang iniisip namin.  Saan ka ba nanggaling? Bakit ngayon ka lang umuwi?”

“Ilang araw lang naman akong nawala ah.” Sagot ko.

Kapansin-pansin ang pagtitinginan ng tatlo, “Ilang araw lang? Tatlong buwan kang nawala, Senda!” Ani Dalia.

Napakunot-noo ako sa narinig ko,”tatlong buwan? Paanong—”

“Saan ka ba talaga nanggaling?” tanong ni Hera,”’wag mong sabihin na totoo ang sinasabi sa amin ng mga Nuno diyan sa kabilang lote?”

“B-Bakit? Ano ba ang sinabi nila sa inyo?”

“Madalas daw niyang nakikitang umaaligid dito si Lucio at ang mga kampon nito bago ka nawala. Pati na rin ang mga alagad ni Marietta.” Ani Dalia.

“Hindi na kami mapakali simula nang makausap namin ang mga Nuno dahil kung sino man sa mga Nephilim na iyon ang nagdala sa ‘yo, hindi kami makasisiguro na ligtas ka.” Ani Thea, “Wala kaming tiwala sa mga Nephilim, lalo na kay Lucio.”

“At kamakailang natanaw namin dito si Marietta, na tila hinahanap ka rin, lalo kaming nag-alala.” Ani Dalia, “dahil kung hindi siya ang kumuha sa ‘yo, malamang ay si Lucio ang may hawak sa ‘yo.”

“Sa Edenus ka ba nagtungo, ha, Senda?” Tanong ni Hera. “Anong ginawa sa ‘yo ni Lucio?  Sinaktan ka ba niya?”

“Sa Edenus nga ako nanggaling pero—“ hindi ko agad naituloy ang sasabihin ko dahil sa halos sabay-sabay nilang pagsinghap sa pagkarinig na pagkarinig nila sa salitang Edenus. “Hindi naman ako sinaktan ni Lucio pero…”

Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanila ang nangyari sa mga Lambana. 

“M-may kaibigan naman ako roon. Si Luis. ‘Yung kanang kamay ni Lucio.”

Muling nagkatinginan ang tatlo.

“Luis?” Ani Dalia, “Sinong Luis?”

“Kanang kamay ni Lucio?” Si Hera naman, “kailan pa nangkaroon ng kanang-kamay si Lucio eh wala namang pinagkakatiwalaan ang Nepilim na ‘yun?”

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

“H-ha? B-basta, parang Heneral ‘yata ang posisyon niya doon sa Edenus. Isa ito sa apat na malapit sa kanya na lagi niyang kabuntot.”

Hindi maipinta ang mukha ng mga kapatid ko, “ah baka ‘yung Tikbalang,” bulong ni Hera sa dalawa, “at ‘yung tatlong Aswang na laging sumusunod-sunod kay Lucio.”

“Pero wala namang Luis sa apat na ‘yun. ‘di ba?” bulong naman ni Thea sa dalawa. “Si David,” bumibilang ito gamit ang kanyang mga daliri, “si Melchor, Gaspar,at Baltazar!”

“Sinong Gaspar?” sabi ko, “parang wala naman akong nakilalang Gaspar. Ang nakilala ko si Lucio, si Luis, si David, si Baltazar, at Melchor.”

“Nakilala mo na si Lucio?!” sabay-sabay nilang sambit na tila may nasabi akong kasuklam-suklam.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon