KABANATA 15

4.8K 406 84
                                    

Senda's P.O.V.

"Tayo na po!" Sabi ko ko sa drayber ng jeep, habang sumasakay na ako pabalik.

"Sige!" Masiglang sagot naman ng drayber. Nakaupo na rin naman ako agad sa dati kong puwesto.

"Hep!" Malakas na wika ni Luis. Halos sabay-sabay kaming lumingon dito. Nakatayo ito sa likuran ng jeep, bagaman nakatayo lamang naman ito sa ibaba. "Mamili kayo..." sabi nito sa bawat isang pasahero. "Ilang kilo lamang ng bigas mula sa kanya?" itinuro ako nito, "o tigagalwa kayong kaban ng bigas mula sa akin? Libre! Walang kapalit! Libre na rin ang rasyon sa mga bahay niyo!"

Agad ako napasimangot nang halos mayanig ang jeep sa pagpapalakpakan at paghihiyawan ng mga kasamahan kong pasahero.

"Ang lagay ba e..." pagsingit ng drayber ng jeep, "sila lang ang meron?" nakangisi ito kay Luis.

"Mayro'n ka rin siyempre. Bibigyan din kita ng dalawang kaban pero sa isang kundisyon." Sagot ni Luis dito.

"At ano naman ang kundisyon?"

Tumingin muna sa akin ang balasubas bago ito muling bumaling sa drayber, "'yun ay kung pabababain mo mula rito sa jeep mo ang babaeng ito." Itinuturo ako nito.

"Aba't..." hindi na ako nakahirit nang...

"Pasensya na Miss, kailangan mo nang bumababa." Wika sa akin ng drayber.

"Pero..."

"Sige na."

"Teka...paano kung bigyan kita ng tatlong kaban?" hirit ko sa drayber. Kapansin-pansin naman na natigilan ito.

"Teka tatapatan ko 'yan!" Pagsingit ni Luis. Nagsilingunan ang lahat sa kanya, "apat na kaban!"

Ibubuka na sana ng drayber ang bibig nito nang muli akong humirit...

"Lima," nagsilingunan naman muli ang lahat sa akin, "sagad na 'yon may kasama pang isang sakong kape!" Bagaman maiyak-iyak na ako dahil 'yun na lang talaga ang kaya ko.

Humalakhak si Luis, "anim!" Siya naman ulit ang nilingunan ng lahat, "at dalawang sakong kape!"

Nag-aabot-abot na ang paghinga ko sa sobrang inis at pagkataranta. Ano naman kaya ang ipantatapat ko ro'n? Sandali akong nag-isip, bagaman hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin sa nakakaasar na pagmumukha ni Luis. Nakangisi ito sa akin na tila ba nangungutya.

"Limang kaban, 'yun na lang talaga ang kaya ko!" Pikit-matang sigaw ko na may halong panggigigil at desperasyon, "pero kasama ang puri ko, puwede mo na akong iuwi!"

Agad kong naramdaman ang paglingon sa akin ng mga pasahero. Sa marahan kong pagmulat ng mga mata ko ay nabakas ko sa mga mukha ng mga ito ang pagkagimbal sa tinuran ko. Marahan kong tiningnan si Luis. Ang kaninang nakangisi ay bigla na lamang sumimangot. Magkasalubong ang mga kilay nito, at kung nakamamatay man ang kanyang mga titig, wari ko ba'y kanina pa siguro ako namatay.

"Talaga?" nakabungisngis na tanong sa akin ng drayber. "Maiuuwi kita? Parang mas gusto ko 'yun ah."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Gustuhin ko mang sumagot pero hindi ako makagalaw. Daig ko pa ang natuklaw ng ahas at agad na nanigas.

"Pito!" Sigaw ni Luis. Nakatingin ito nang matalim sa drayber ng jeep.

"Pitong kaban ng bigas?" nakabungisngis na lingon ng jeepney driver kay Luis. "Tsk...parang mas gusto ko pa rin 'yung alok ni Miss..."

"Pitong milyong piso."

Nagsipagsinghapan sa gulat ang lahat ng mga pasahero; lalo na ang drayber ng jeep.

***

Animo'y estatwa akong nakaupo sa kanan ni Luis habang tahimik na nagmamaneho ito ng kanyang kotse. Simula nang makababa ako sa jeep at makasakay sa kanyang sasakyan ay hindi na ito umiimik. Bukod sa nakaririndi nitong pananahimik ay patuloy namang tumatakbo ang napakaraming katanungan sa isipan ko...

Sino ba talaga ang taong ito? Gaano ba kalalim ang baul ng kayamanan nito at tila ba nagtatapon lang ito ng pera? Kaban-kabang bigas, ipinamumudmod lang? Pitong milyong piso, ipinangpupusta lang? Ano ba ang tunay na pakay nito sa akin? Totoo nga kayang iniisip nito na isa akong Manananggal?

"Ipara mo na lang diyan sa kanto..." naiilang akong magsalita pero kailangan kong gawin. Natatanaw ko na kasi ang waiting shed sa kanto ng nayon namin. Naramdaman ko agad naman ang pagbagal ng kanyang pagpapatakbo hanggang sa tuluyan na kaming huminto sa tabi ng kalye. "M-maraming salamat..." nakahawak na ako sa bukasan ng kotse.

"Sandali." Hinawakan nito ang kaliwang braso ko kaya napalingon ako rito.

"B-bakit?"

"Ihahatid na kita."

Napakunot-noo ako. "Alam mo kung saan ako nakatira. Malayo 'yun mula rito. Iiwanan mo ba ang sasakyan mo rito para ihatid lang ako?"

"Ito ang pinakamahal at pinakapaborito kong sasakyan kaya ako mismo ang nagmamaneho nito at wala nang iba."

"Kaya nga 'di ba? 'Wag mo na akong ihatid. Mamaya niyan mawala pa 'tong paborito mong mamahaling sasakyan dito."

"Bakit, hindi pa ba malinaw sa 'yo?"

"Hindi malinaw ang alin?"

"Na mahalaga sa akin ang sasakyang 'to!" Biglang bulyaw nito. Agad namang uminit ang ulo ko sa pagsigaw nito.

"O, kaya nga, 'di ba?!" Nagtaas na rin ako ng boses, "mahalaga pala sa 'yo 'to eh bakit nga iiwanan mo na lang basta 'to rito para lang ihatid ako sa napakalayong bahay ko?!"

"Tanga ka ba talaga o nagtatanga-tangahan ka lang?!" Mas tumaas ang boses nito.

Hindi ko maunawaan ang ipinuputok ng butse nito kaya binuksan ko na ang pinto at mabilis na bumaba upang agad dumistansya sa kanya. Hindi ko man ito tinitingnan ay naramdaman ko naman na agad din itong bumaba upang sundan ako. May pinindot ito sa susi nito na siya namang awtomatikong nagkandado sa kanyang napakahalagang sasakyan.

"Ano ba?!" Itinulak ko ito sa dibdib ngunit ako rin naman ang napaatras dahil hindi man lang ito natinag, "'wag mo na akong sundan sabi!"

Nagsimula na akong humakbang papalayo sa kanya pero nang maramdaman kong sumusunod pa rin ito ay pumulot na ako ng apat na maliliit na bato at isa-isa ko itong ipinaltok sa kanya.

Ang una'y tumama sa braso niya. Ang pangalawa ay sa dibdib niya. Ang pangatlo ay sa kaliwang pisngi at ang pang-apat ay sa itaas ng kanyang kanang kilay. Wala itong ininda sa ibinato ko, kahit na medyo nagsugat ang tumama sa pisngi at itaas ng kilay nito.

Agad naman akong nakunsensya sa nasugatan niyang mukha kaya naman kahit nanggigigil ako sa inis dito'y kinuha ko ang panyo sa bulsa ko, nilapitan ito at marahang pinunansan ang mga sugat na idinulot ko rito. Hindi ito nagsasalita. Sa halip ay nakatitig lamang ito nang matalim sa mukha ko.

"Ano ba talaga ang problema mo?" mangiyak-ngiyak na bulong ko sa kanya habang abala ako sa pagpunas sa kanyang mga sugat, "dito ka na lang kase! Ba't ba ang kulit mo? Importante pala 'tong sasakyan mo eh pa'no kung mawala 'yan d'yan?"

"Yaan mong mawala..." malumanay na wika niya.

"Ano?" Inihinto ko na ang pagpunas sa kanyang mukha. "Ang labo mo naman! Eh akala ko ba mahalaga sa 'yo 'yan?"

"Oo nga."

"O, eh bakit mo nga iiwanan 'yan d'yan kung mahalaga pala sa 'yo 'yan?"

"Mawala na kung mawawala man..."

Lalong nagusamot ang mukha ko sa pagkalito, "ano? Ang labo mo ta--"

"Mawala na ang lahat, 'wag lang ikaw."

[ITUTULOY]

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon