KABANATA 124

700 91 20
                                    

[Editor's Note: This chapter is synchronized with the last parts of the novel Walang Kawala, about Lucio's obssession to constantly see Senda's Look-alike—Michelle "Mitch" Javier.]

Lucio's P.O.V.

Makalipas ang apat na taon. Sa araw ng ikapitong taong kamatayan ni Senda.

Walang litrato. Bakit nga ba wala akong litrato mo, Senda? —habang nakalupaging nakaupo ako sa tabi ng musuleo ng kanyang mga labi. Gustong-gusto na kitang makitang muli kahit man lamang sa aking alala-ala, ngunit habang tumatagal ay tila lumalabo na rin sa aking isipan ang iyong mukhang walang sawa ko noong tinititigan kahit sa malayo. Bakit ba kaybilis mo akong iniwan? Ang sabi mo'y mahal mo ako ngunit ayaw mo namang sumama sa akin noon huli tayong magkita? Mahal na mahal kita, kahit na hindi kita maintindihan. Sana'y dalawin mo man lamang ako kahit  sa panaginip.

"Ama." Nakasimangot na paghumira ni Katrina sa tahimik na pagmumukmok ko sa Musuleong pinaglagakan ko ng mga naabong labi ni Senda. Tumutungga ako ng pinakamatatapang na alak sa balat ng Edenus. "Ano namang pumasok sa tuktok mo para sundan-sundan 'yung babaeng kamukha ni Ina kahit sa ibang bansa? Anong pangalan no'n, Michelle? At inangkin mo pa talaga ang anak niya na hindi naman sa 'yo?"

Hindi ko ito sinagot, sa halip ay mas inatupag ko na lang ang pang-walong bote ng iniinom ko. Wala siyang alam sa pinagdadaanan ko, kaya wala na lamang akong sasabihin para hindi na madagdagan pa ang problema ko.

Sinipa ni Katrina ang mga bote sa tabi ko, "Ama naman! Talaga bang ako na lamang ang pababayaan mong mamahala rito?"

"Dapat naman talaga'y ikaw na ang namamahala ng lahat upang masanay ka na.."

"Ah, para mas may panahon kang magbulakbol at maghasik ng lagim at kung ano-anong katarantaduhan sa lupa. Aba! Daig ko pa ang nagpapalaki ng amang nagtatalubata ah! Ama naman! Kailangan ko ng tulong mo rito at puwede ba? Tantanan mo na ang mga taong wala namang kalaban-laban sa 'yo!"

"Bakit?" Halos hindi ko na mabigkas ang aking mga pananalita dahil sa labis na kalasingan, "pinatay rin naman ng mga hangal na taong 'yan ang walang kalaban-laban mong ina, 'di ba? Dapat lang sa kanila 'yon! Ang mautas nang walang kalaban-laban!"

"Si Ina na naman aba? Sakit sa ulo na siya noong buhay pa, pati ba naman sa kamatayan puro kabuwisitan pa rin ang dala niya sa atin? Kailangan ba talaga sa kanya umikot lagi ang buhay natin? Matalagal na siyang patay! Kailan mo ba tuluyang matatanggap na wala na siya at hindi na magbabalik pa. Nakapaghiganti ka na sa mga pumaslang sa kanya, ano pa ba ang gusto mo? Hanggang kailang ka ba magkakaganya—"

"Hanggang gusto ko!"  Bulyaw ko sa mukha nito bago ako tuluyang mapaiyak, "magkakaganito ako hanggang sa gusto ko, narining mo ba?! At wala kang pakialam sa ginagawa ko tulad nang hindi ko na rin pakikialam sa pakikpagmabutihan mo kay Matias! Tingnan natin kung mas matatag ka sa 'kin kapag namatay na rin ang nobyo mong mortal! Hindi mo ba nakikita? Siya lang ang tumatanda sa inyong dalawa. Paano ka kapag wala na siya, ha? Ikaw, ang hirap sa 'yo, ako lang lagi ang nakikita mo. Ba't 'di mo rin tingnan at atupagin 'yang sarili mo?"

Ito na ang natigilan ngayo na wari'y nais na ring ngumalngal.

"Ang hirap sa 'yo," pagpapatuloy ko bagaman halos pumikit na ako sa labis na kalasingan, "mas inuuna mo ang angilan ako kaysa intindihin kung bakit hindi ako sang-ayon sa inyong dalawa. Ayoko lang na masaktan ka na tulad ko bagaman magkaiba ang ating sitwasyon. Mas masakit 'yung sa 'kin!" Hinataw ko ang dibdib ko at muling tumangis, "sobrang sakit dahil umasa akong na masasamahan ako ng iyong ina sa mahabang panahon kung hindi siya pinatay. Eh ikaw, siguro naman alam mo 'yang pinapasok mo. Siguro naman alam mo na maikli lamang ang buhay ng isang ordinaryong tao kahit na walang pumatay sa kanya kundi ang katandaan at pagkakasakit. Alam mong mamatay rin siya kaya wala kang kailangang asahang masasamahan ka niya hanggang dulo!"

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon