KABANATA 112

650 79 14
                                    


Senda's P.O.V.

"Ate Rosing, bakit ang tahimik mo?" pagpansin sa akin ni Intoy habang nakatanaw ako sa dagat sa tabi ng bangka ni Tata Pepe.

"Wala naman," pagtatakip ko, "nagagandahan lamang ako sa karagatan."

"Akala ko nalulungkot ka na naman. Sige 'te Rosing, tutulungan ko lang si Lolo sa pagtatahi ng lambat. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka ha?" nag-uumpisa na itong maglakad papalayo, "binilin ka kasi ni Lola sa akin bago siya umalis upang mamaraka. Samahan daw kita kapag nais mong maglakad-lakad."

Miss na miss ko na si Luis, at nag-aalala na rin ako kung saan na kaya ito napadpad. Alam na kaya nito na wala na ako sa aming Sangktuwaryo? Ano kayang iisipin at gagawin niya kapag hindi niya ako nadatnan doon? Lalo kaya itong magagalit sa akin sa ginawa kong pag-alis? Mauunawaan kaya niya kung sasabihin ko ang totoo na bukod sa parang masisiraan na akong ulo sa tatlong buwang pag-iisa at pagmumukmok ay natatakot din akong manganak mag-isa; hindi para sa aking sarili, kundi para sa aming anak. Hindi ako natatakot mamatay sa panganganak kung alam kong may mapag-iiwanan ako ng aking sanggol; ang ikinatatakot ko ay ang mamatay ako sa pagluwal sa kanya na wala man lamang kakalinga at mag-aaruga sa kanya upang mabuhay. Ngunit makapangatwiran man ako ay mas malamang na magagalit pa rin si Luis. Baka nga hindi na ako mapatawad nito dahil dala-dala ko ang anak niya na batid kong napakahalaga para sa kaharian ng Edenus—at ng Elysio, hindi pa man ito naipapanganak. At nang dahil dito ay natatakot din ako kay Luis. Natatakot ako na tuluyan na nito akong itakwil, palayasin at palitan ng mas masunurin at kapakipakianabang na makakatuwang.

Kay dami ng gumugulo sa aking isipan ngayon na hindi ko naman maibahagi sa kahit kanino. Kaya nga siguro kahit may kasama na ako ngayon, pakiramdam ko'y nag-iisa pa rin ako. Pagkapanganak ko at kung hindi na ako tatanggapin ni Luis, saan naman kaya ako pupunta? Wala na ang bahay ko sa San Gabriel at wala na rin sina kuya sa dati naming tinitirahan sa Maynila; saan kaya? Sino kaya ang maaari kong lapitan?

Kung hindi ako mamatay sa panganganak, ano pa ba ang puwede kong paggamitan ng natitira ko pang buhay? Paano ko ba gagawing mas makabuluhan ito? Tanggapin man akong muli ni Luis o hindi, nais ko siyang tulungan sa kahit anong paaran. Ano ba ang maaari kong gawin para sa kanya na ako lang ang maaaring gumawa? Paano ko ba siya matutulungan sa paraang hindi ko siya maaabala o maririndi?

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Hindi ko akalain na makakaluha pa rin pala ako matapos ang halos araw-araw kong pag-iyak sa Sangktuwaryo. Nalulungkot ako na tila katapusan na nag mundo dahil sa posibilidad na ito na ang katapusan ng pagsasama namin ni Luis. At natapos ito nang hindi man lang ako nakaganti ng kabutihang ipinakita niya sa pag-aaruga at pagkupkop sa akin kahit na may ibang mga babae naman ang mas karapatdapat niyang pinag-ukulan ng panahon.

"Ikaw si Rosing, tama?" pamilyar na tinig iyon mula sa aking likuran. Si Matias. Saglit pa'y lumupagi na rin ito sa buhanginan; sa aking tabi. "Ako nga pala si Matias." Inilahad nito ang kanyang kamay.

Kahit wala akong ganang makipaghuntahan kahit kanino ay nakipagkamay naman ako rito upang hindi naman ito mapahiya.

"Taga saan ka, Rosing?"

Napabuntong hininga ako dahil nagbabadya na naman ang posibilidad na magsisinungaling ako. Palihim akong nagdasal sa PANGINOON, upang bigyan ako ng tamang sasabihin na hindi ko kailangang magsinungaling.

"S-sa m-Maynila."

Napanganga ito, "Ah, kaya naman pala." Bumungisngis ito.

"Kaya naman pala'y ano?"

"Kaya hindi ka mukhang probinsyana."

Muli akong pasikretong nagdasal na sana'y umalis na lamang si Matias dahil medyo masama rin ang pakiramdam ko. Ayokong magsalita, wala akong ganang makipagkuwentuhan, at ayokong mapilitang magsinungaling.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon