KABANATA 132

801 78 23
                                    

Lucio's P.O.V.

"Panginoon, mukhang hindi ito ang tamang pamanahon upang paluwagin natin ang kapit natin sa ating mga balwarte." Pag-uulat sa akin ni Victoriano, isa sa mga kinatawan ng mga Aswang, na nagmumula sa lahi ng mga Gibunan. "Masyadong nagiging agresibo na ngayon si Jasper at nakikugulo pa itong si Marietta."

Sawang-sawa na ako sa pangalan ng babaeng iyon kaya medyo natagalan bago ako tumauli sa mga iniulat nito, "ano na naman ba ang pakulo ng impaktang 'yon?" kalamado kong wika. 

"Dating gawi," sagot nito, "gumagamit ito ng mga maligno, engkanto, at asawang na kayang gayahin ang hitsura, kilos, at pananalita mo, upang makahikayat ng mga Yanggaw (1) na inuutusan nitong manggulo, mambiktima, at mang-api sa mga nanahimik na mga tao at iba pang mga nilalang sa mga liblib na baryo. Mukhang ito ang taktika niya upang udyukan ang kanyang apo na sakupin ang iyong mga teritoryo sa pag-aakalang  kinakailangan niyang iligtas ang mga ito sa kalupitan mo."

"Marami-rami na rin ang nasasakop ni Jasper sa loob lamang ng isang buwan." Pagsingit ni Ador.

"Ilan na?" tanong ko.

"labing-siyam." Sagot nito.

Nagulat ako, "gano'n na karami?"

Sabay-sabay na nagsitango ang mga ito kaya napamura na ako.

"Lalong gigil na gigil ito ngayon dahil kahihiwalay lang sa asawa." Natatawang wika ng kinatawan ng mga Kapre. "Kulang sa himas dahil walang nagpapaligaya."

Nagtawanan ang halos lahat ng mga nilalang sa loob ng bulwagan.  Hindi naman ako natatawa kaya sinamaan ko lamang ng tingin ang bawat isang nahuhuli kong halos lumitaw na ang ngala-ngala. Isa-isang nagsipaghintuan naman ang mga ito hanggang sa tuluyan nang tumahimik ang kapaligiran.

"Isa pang panggulo itong si Alfonso at Romina." Paagbasag ni Alejandro sa katahimikan, "lalo na si Alfonso dahil may sarili itong mga lakad sa mga bulumbunduking balwarte ng mga Engkanto sa ibang kaharian gayung patuloy pa rin naman itong nakakapit kay Marietta."

Ipinagpatuloy ko ang aking pananahimik. Napansin din naman agad mga ito na hindi na ako tumatauli sa mga iniuulat nila kaya nanahimik na rin sila. Nag-isip ako at pilit na pinagtatagni-tagni ang mga nangyayari.

"Hindi si Jasper ang kalaban natin." Mahinahon kong sinabi. "Ang hanapin niyo ay 'yung mga nanggugulo na pinamumunuan ng mga nagpapanggap na ako."

"Pero siya ang nakikita naming sumusugod sa—" si Victoriano.

"Anong mundo ba ang kinagagalawan niyo?" Sabi ko sa lahat, "hindi ba't kayo, higit kanino man, ang dapat na nakakaalam na hindi lahat ng nakikita niyo ay totoo?"

"Ano po ba ang ibig niyong sabihin, Panginoon?"  tanong sa akin ni Juan.

Bago ko man nasagot ito ay biglang dumating si Katrina. Kabuntot nito si Alejo at mahigit sa dalawang-dosenang mga Engkanto sa kanyang sariling hukbo.  Lumapit ito sa akin at may ibinulong. "May bagong babala, para sa 'yo." Saka nito ibinigay sa akin ang bitbit nitong nakatiklop na pergamino. Nakasulat sa labas nito ang pangalan ko. Selyado pa ito ng pagkit na pulang waks kaya batid kong hindi pa ito nababasa ni Katrina. Agad din naman itong umalis habang binubuksan ko ang mensahe.

Hihintayin kita sa Sangtuwaryo.

Napakunot ako. Sa Sangtuwaryo? Paano naman makakapunta si Senda sa Sangtuwaryo gayung hindi siya maaaring makatawid sa kagubatan ng mga malignong bantay kung hindi ako kasama? Saan siya dadaan? Sa Dagat na naman ba?

"Panginoon!" Pang-aabala ni Victoriano sa panandalian kong pagkatulala. "Mayroon po ba kayong ipag-uutos sa amin tungkol sa mga suliranin natin kay Jasper?"

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon