KABANATA 89

813 75 3
                                    

Lucio's P.O.V.

"Bilib na talaga ko sa 'yo, Boss." Habang pabalik na kami. "Pa'no mo napapayag si Impong Camilo?"

Wala akong panahon at pasensyang makipagkuwentuhan sa dami ng mga bagay na nasa utak ko kaya sa halip na sagutin ko ito ay inutusan ko itong bumalik sa Junkyard ni Lupin. Hindi man nito nais na bumalik kaming muli ro'n ay wala naman itong magagawa kundi sundin ang inuutos ko.

"Hindi ako naparito para makipag-away, Lupin." Matapos kong pilipitin ang braso nito dahil sa pamimihasa nitong pagtataas ng boses sa akin. "At kung hindi pa nakakaabot ang balita sa 'yo, kakakasal ko lang sa babaeng ginusto ko talagang pakasalan kaya hindi rin ako naparito para guluhin kayo ni Derena."

"Eh ano ba kasing kailangan mo sa 'kin, ha?!" pabalang pa rin ang tono ng pananalita nito kaya mas diniinan ko ang pagkakapilipit ko sa braso nito. Daig pa nito ang baka sa pag-ungalo.

"Kailangan ko kayo ni Camilo para sa isang misyon."

"S-sinong Cam—"sandali itong napaisip, "s-si itay? Saan mo nakita si It—?" binitiwan ko na ito. "M-matagal ko nang hinahanap si itay, saan mo siya nakita?" kalmado na ang pasasalita nito.

"Hindi na mahalaga 'yon." Sagot ko, "binilin niya sa akin na huwag sasabihin sa 'yo kung saan siya nakatira, pero huwag kang mag-alala, makikipagkita siya sa 'yo sa isang lugar na hindi kayo matutunton ni Marietta at Lambino."

"Anong misyon ba ito, Lucio? Hindi mo ba nakikitang may pinapatakbo akong negosyo? Wala akong panahon sa—"

"Babayaran ko ang lahat ng pagkakautang nitong naluluging Junkyard mo, babayaran ko rin ang oras mo."

Napayuko ito; marahil ay nagulat itong malaman na alam ko ang suliraning pampinansiyal na kinakaharap niya.

"Hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo. Kilala mo ako, hindi ko itinatangging tarantado at barumabado ako, pero maayos akong kausap. Kung ayaw mo, 'wag mo, tapos ang usapan. Ang ayoko lang ay 'yang sinisigaw-sigawan mo ako o ang mga tauhan ko na para bang naliliitan ka sa 'kin."

****

"Malapit nang dumilim, Boss. May iba pa ba tayong dadaanan? "

"Gusto ko lang sulitin oras bago tayo lumarga papuntang norte bukas. Mas magpadilim lang tayo ng kaunti. Balikan natin ang lugar nina Arnulfo. Susubukan kong makapuslit sa loob."

****

Mas hitik na ng mga nakabantay na Maligno at Aswang ang paligid ng gusali. Mukhang nabalitaan na ni Marietta ang nangyari ro'n kahapon, pero kung iniisip niya na lulubayan ko na lamang siya basta nang hindi pinasasakit ang ulo niya, hindi nga niya ako kilala pa.

"Dito ka lang," sabi ko kay David, bago ko tinungo ang compartment ng sasakyan sa likod upang kunin ang nakakubli kong bagpack, na kinalalagyan ng mga asin at bawang na pinagbukod-bukod ko sa maliliit na supot. Isinukbit ko rin sa aking tagiliran ang isang pares ng buntot pagi na may katamtamang laki. "Babalik ako agad." bago ko isinuot ang itim na diyaket na may hood at nagkunwaring isa lamang ordinaryong taong dumaraan sa kalyeng yaon. Maliksi ko rin namang tinyempuhang pumuslit sa bandang likuran kung saan ako dumadaan dati, noong doon pa nakatira si Senda.  Mayroon ditong dalawang Aswang at tatlong Tikbalang na naghihintay habang ako nama'y nagtatago sa makapal na palumpong na salat sa alaga dahil sa napakapangit na nitong hugis. Kumuha ako ng ilang maliliit na supot ng pinagsamang asin at bawang. Pinupunit ko ang mga ito nang bahagya bago ko pasimpleng itinapon ang mga ito sa direksiyon kung saan nais ko iwasan ng mga nakabantay

"Ano 'yun, ang baho." Sabi ng aswang sa kapwa nito aswang.

"Nangangati ako." Sabi ng tikbalang sa kapwa nito tikabalang.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon