KABANATA 99

655 60 9
                                    

Lucio's P.O.V.

"Negatibo po siya sa pagbubuntis, Panginoon." Pag-uulat sa akin ng babaeng doktor na ipinatawag namin sa Edenus upang basahin ang resulta ng pagsusuri ng laboratoryo sa ospital ng bayan kay Senda, dalawang araw na ang nakalilipas.

Ngunit nakapagtataka na mas minabuti ako nitong kausapin nang sarilinan sa labas ng aming silid. "Anong nais mong sabihin sa akin na ayaw mong iparinig sa aking asawa?"

"Kilala niyo po ba kung sino ang nagluluto at naghahanda ng pagkain para sa kanya? Partikular na mga walo o hanggang labindalawang oras bago naganap ang pagsusuri ko sa kanya."

"Oo. Iisang grupo lang naman ang mga kusinero at kusinerang nagluluto sa aming mag-asawa, bakit?"

Luminga-linga ito upang makasiguro na walang makakarinig, "may nakita po kasi akong maliit na badha ng Payong-Ahas(1) sa kanyang sistema. May nakita na rin akong maliit na tama sa kanyang atay nang dahil sa nakalalasong kabute na ito. At sa sitwasyon niya ngayon—"binuksan nito ang pinto upang kapwa naming masilip ang natutulog na si Senda. "Tila mas lumala ang kanyang kundisyon kumpara kamakalawa. Ang ibig sabihin, maaaring may kaunting halo pa rin sa kanyang kinakain. Masasabi kong kaunting-kaunti lang dahil hindi siya bubuhayin ng nakalalasong kabuteng ito kung sakaling makakain siya ng higit pa sa ikaapat na bahagi ng kabuuan ng takip(3) nito."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Nakaramdam ako ng biglaang pagkarindi. Humahagilap pa ako ng sasabihin sa kausap kong manggamot nang bigang humangos papunta sa amin si David. Natatarantang lumuhod ito sa harapan ng duktor na kausap ko upang humingi ng saklolo. Natagpuan raw nito ang kanyang kasintahang si Marikit na walang malay sa silid nito. At hawak-hawak pa raw nito ang isang mangkok ng sopas na pinaghatian nilang kainin ni Senda kanina.

***

Maayos na inihiga ni David si Marikit sa silid kama nito. Wala pa rin itong malay, ngunit mayro'n pa naman daw itong pulso. Katulad ng rekumendasyon ng manggagamot kay Senda, kinakailangan raw nitong inumin ang gamot na may sangkap na pinaganang karbon (2) na inireseta niya sa dalawa. Mahalaga rin daw ang patuloy na pagpapainom sa mga ito ng mga likido o tubig na makakatulog sa pagpapalabas ng lason sa kanilang katawan.

"Halata pong nadamay lamang si Marikit." Wika sa akin ni Melchor, habang nakabantay kaming dalawa sa labas ng silid namin ni Senda. "Pero mukha pong para talaga sa Mahal na Reyna ang lason."

Alam ko, bagaman mas pinili ko na lamang ang hindi magsalita dahil wala akong ganang makipag-usap kahit na kanino.

"Natanong niyo na po ba ang mga nasa kusina?" pagpapatuloy nito sa pagsasalita.

Hindi ako ipinanak kahapon. Napakatagal ko nang tagapagluto ang mga iyon, at hindi naman tanga ang mga ito na sasadyaing manglason gayung alam nila na sila ang unang mapapagbibintangan. Pumasok sa isipan ko si Impong Delfin, si haring Edwino at ang dalawang guwardiyang kinupkop ko mula sa Mashuria, ngunit napakalakas ng kutob ko na hindi rin sila.

"Hindi niyo po ba napansin? Nagsimula ito noong umalis kayo patungong Mashuria." Dugtong nito, "tila sinamantalang wala ka rito."

At iyon na nga ang hinahanap kong matibay na senyales na magtatanggal sa apat na bagong dating sa listahan ng mga pinaghihinalaan ko, bagaman hindi ko rin naman tinatanggal sa isipan ko ang maliit ngunit mahalagang detalyeng nasa kalagitnaan kami ng biyahe nang mag-umpisang sumama ang pakiramdam ni Senda, bagaman posible ring namang dahil lamang sa pagod iyon at walang kinalaman sa tangakang paglason sa kanya nang kami ay makauwi na sa Edenus.

****

"Kumusta na ang iyong pakiramdam, mahal?" habang inaayos ko ang unan sa kanyang likod, upang masubuan ko na ito ng nilugaw na ako mismo ang nagluto.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon