KABANATA 90

841 75 10
                                    

Senda P.O.V.

Napakalaswa kung tutuusin ang ginagawa niya sa akin pero gustong gusto ko naman. Hindi ko magawang magkunwaring napipigilan ko pa ang sarili kaya't pinakawalan ko na lang ang tunay kong nararamdaman.  Hindi na ako nahiyang umungol at magsisigaw, hindi ko na rin nakuha pang magpanggap na wala akong alam sa pakikpagtalik kaya itinodo bigay ko na lang.

Hindi ko akalaing magagamit ko rin ang mga itinuro sa akin noon ng pinunong Patruska, at sa mismong tao pa na pinaghahandaan namin noon. Kaya naman paminsan-minsan kong napapansin ang pagkagulat kay Luis sa tuwing gumaganti ako sa kanya na tila isang babaeng nawawala na sa kanyang katinuan. Napapangiti naman ito kaya sa palagay ko'y nasisiyahan naman siya sa pagiging agresibo ko pagdating sa pinakapribado naming ginagawa.

"Gusto ko pa, Luis..." matapos ang ikatlo. Mukhang natuwa naman ito dahil mukhang wala talaga itong kapaguran.

"Masusunod, kamahalan...." bago nito ako hinagod ng halik sa aking likod, at patuwarin upang muling angkinin sa gayo'ng kalagayan.

Sagad hanggang dulo ang nararamdaman kong kaluguran, hindi ko alam kung saan ako kakapit kaya't pinagdiskitahan ko na ang kobre kama. Bawat halinghing ni Luis sa tuwing ibinabaon niya ang kanyang katikasan ay tila musika ng kalikasang hinding-hindi ko pagsasawaang pakinggan.

"Senda...Senda..." unti-unti ko na siyang nakikilala matapos ang maikailang ulit, dahil napapansin kong parati niyang idinadaing ang pangalan ko sa tuwing dumadatal naito sa kanyang rurok. "Sendaaaa...."

****

"Hayyy, ang sarap mabuhay." Nakabungisngis na wika ni Luis matapos nitong ilapat ang kanyang likod sa kama. "Grabe ka mahal ko...nakalagpas yata ako sa langit. Nakita ko 'yung mga anghel at namamatay silang lahat sa inggit."

"Wow, ang layo na pala ng narating mo," napatawa ako nang malakas, "mabuti naman at nakabalik ka agad." Muli akong yumakap sa dibdib nito.

"Walang biro at wala naman akong dahilan para magsinungaling sa 'yo. Ngayon lang yata ako nakipagtalik na parang tatalsik ang utak at puso ko mula dito sa katawan ko." Humalakhak ito. "Sana maulit nang paulit-ulit, ulit, ulit..."

"Sa ibang araw naman, pagod na ako eh." Biro ko.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Puwede bang isa pa bago tayo mag-check out bukas?" napakapilyo ng ngiti nito.

Natawa ako, "puwede bang pag-isipan ko muna?" biro ko rito.

****

Isa lang ang hiniling niya at ang plano pero umabot pa rin sa tatlo. Una habang naliligo sa banyo, ang pangalawa, sa ibabaw ng lababo matapos naming magsepilyo, at ikatlo sa tukador matapos naming makapagbihis kaya medyo gusot ang aming mga damit nang kami'y makalabas ng suite.

"Mukhang mapayapa na sa paraiso ah!"  Kantyaw sa amin ni David habang nagkakarga sila ni Luis ng aming mga bagahe. "lampas tenga ang mga ngiti niyo ah."

"'Wag ka ngang masyadong pakialamero?" natatawang singhal dito ni Luis. "Atupagin mo ang sarili mong paraiso para hindi pamugaran ng ahas."

"Kunsabagay, tama ka naman, Boss." habang sumasakay na kami sa sasakyan, "dapat si Eba at Adan, ganun ang ginawa 'no? Dapat pagkakita pa lang nila sa ahas hinuli na lamang nila ito para iwasiwas sa outer space. Ano nga kaya kung gano'n ang nangyari?"

"Kung gano'n ang nangyari, hindi papasukin ng kasalanan ang mundo, walang magrerebeldeng mga anghel na bababa rito sa mundo upang mamuhay bilang mga Elemento at Engkanto, wala ring mga anghel ang makikipagtalik sa tao kaya walang mga Nephilim na ipapanganak. Kung walang mga Nephilim na nakipagtalik sa mga hayup, tao at iba pang mga nilalang sa ibabaw ng lupa at ilalaim ng karagatan, wala ring mga Demonyo, Halimaw, Aswang at Maligno.  Samakatuwid, walang sinuman sa ating apat ang maipapanganak sa mundong ito." Sagot ni Luis dito habang pumupuwesto na ito sa kanan ko.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon