KABANATA 97

739 65 4
                                    

Lucio's P.O.V.

Mas kailangan pagtuunan ko ng pansin ang tunay kong pakay, at 'yun ay ang pagliligtas kay Impong Delfin bago pa man ito maiparada ni Lambino upang bitayin sa harapan ng publiko.  Ngunit dahil hindi rin kaya ng kunsensya ko ang basta na lamang iwanan si Edwino sa gano'ng kalagayan ay inutusan ko na lamang dalawang guwardiya na pagtulungang bitbitin ang kanilang dating hari gamit ang matibay na kumot na kinahihigaan nito, palabas sa sikretong lagusan.

****

Tila may pistahan sa malawak na harapan ng palasyo ng Mashuria. Nakahanda na sa gitna nito ang tulos na pagsusunugan kay Impong Delfin, pati na rin ang mga itinambak na kahoy na panggatong sa palibot nito. Unti-unti na ring nagsisidatingan ang mga mamayang nagnanais manood ng pagsunog sa tinagurian nilang kriminal na bumarang kay Edwino. 

Sinamantala ko naman ang kaabalahan ng lahat upang makatalos ako sa lipumpon ng mga mamamayang abala sa pakikipagtalastasan sa isa't isa habang naghihintay ang mga ito sa nakatakdang kaganapan.  Mukha namang walang nakakilala sa aking balatkayong balbas at bigote dahil wala ni isa man sa mga Engkanto ang nakapansin sa aking pagbaybay patungo sa kanlurang putlahan kung saan naghihintay ang pangkat ni Alejandro sa aking hudyat. Ilang saglit pa'y natantya ko na ang tamang puwesto upang sindihan ang dulo ng palasong ibinalot ko sa katsang may kerosine, at saka ko ipinanana ito sa ere patungo sa labas ng bakod.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Inutusan ko ang kalahati sa limampu na makihalubilo sa mga Engkantong naghihintay sa harapan ng palasyo, habang ang ikaapat na bahagi ay ipinadala ko sa sikretong lagusan upang saklolohan si Edwino at ang dalawang guwardiya nito upang ligtas na maihatid ang mga ito sa Edenus. Ang huling ikaapat na bahagi ay siya namang kasama namin ni Alejandro sa paglagos patungo sa piitan ni Impong Delfin.

Maraming bantay kaya marami rin kaming napatay. Ngunit kahit anong ingat namin na hindi makalikha ng anumang ingay ay mayro'n pa ring nakatakas na isang kawal na siyang nambulabog at nag-anunsyo sa aming pagsalingit sa mga mamamayang nasa harapan ng palasyo. Nabulabog na rin si Lambino at ang mga opisyales nito nang dahil doon.

Agad na nagsipagsuguran patungo sa direksiyon ng aming kinaroroonan ang mga kawal mula sa iba't ibang dako, ngunit dahil nagtalaga ako ro'n ng dalawamput-lima sa mga kasama kong mandirigma ay agad nilang hinarang ang mga kawal na ito na nauwi naman sa marahas na paghahamok ng dalawang panig at pagkakagulo ng mga mamamayan sa paligid.

Mas binilisan ng pangkat namin nina Alejandro ang pagpasok sa loob ng piitan. Marami pa rin ang humarang kaya wala kaming pagpipilian kundi ang patayin ang bawat isang humaharang. Maraming nakakulong ro'n na pihadong hindi lahat ay may sala, ngunit dahil hindi sila ang ipinunta namin sa lugar na iyon ay nilagpasan na lamang namin ang mga ito upang agad naming mahanap ang bilangguan ni Impong Delfin.

Gulat na gulat si Impong Delfin sa aming pagdating, dahil isa ako sa pinakahuling inaasahan niya na maaaring magligtas sa kanya sa tiyak na kamatayan. Nag-aalinlangan man itong sumama sa amin ay hindi naman nito kami pinahirapang dalhin siya, lalo na nang ipinakita namin sa kanya mula sa malayo ang tulos na inihahanda ni Lambino para sa kanya.

"Urong!" Sigaw ni Alejandro sa mga mandirigmang nasa harapan ng palasyo. Natanaw kasi naming paparating na ang mahigit pa sa limang-daang mandirigma ng Mashuria upang sumaklolo sa mga kawal nila. "Balik na!" Itinuturo nito ang direksyon ng kanlurang putlahan kung saan sila nagsipasok kanina.

Kasama sa pagsasanay ko sa aking mga mandirigma ang pagtakbo nang matulin. Mababanaag naman sa kanilang lahat kung gaano sila kabihasa nang mabilis silang nakapuslit palabas; at bagaman may ilang nasaktan at nasugatan sa kanila ay wala ni isa man sa kanila ang napatay, naiwan, o nadakip.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon