KABANATA 125

682 86 9
                                    

[Editor's Note: The following few chapters are synchronized within the timeline of the novel, Jasper, the Demon Sayer.]

Lucio's P.O.V.

Pagkalipas ng mahigit sa dalawang dekada...

"Taragis ka Marietta," sabi ko sa aking sarili, habang kaharap ko ang ipinagmamalaki niyang pipitsuging apong si Jasper sa kabilang hukbo. "Anong klaseng pagsasanay ba ang itinuturo mo sa hambog mong apo? Ito ba ang nakatakdang pumatay sa akin? Eh halos itapon ko na ang sarili ko sa kanya para mapuruhan na niya ako, aba'y putang inang napakahinang klase naman pala! Sasasaksak na lang hindi pa magawa ng tama. Nakakainsulto lamang ang kakayanan ng tukmol!"

"Hayup ka Lucio! May araw ka rin." Gigil na gigil ang Bagito, matapos kong sagarin ang galit nito sa nakaraan naming engkwentro bago ito pansamantalang nagtago sa ibang bansa ilang taon na ang nakalilipas. Nilaslas ko kasi sa leeg ng ambisyosang aswang na naging nobya nito gayung mula ito sa lahi ng mga Aswang. At dahil sadya yatang tabingi ang mga utak ng mga nilalang sa kanyang panig, ako na naman ang pinagbibintangang nagpadala sa babaeng iyon upang tuksuhin siya. Ano 'yun? Ako nga ang pumatay, ako rin ba ang nagpadala? Para saan? Para ano? Sadyang nakakainis rin talaga kapag ang mga kaaway mo'y sandamukal na mga bobo!

"Eh kailan ba darating ang araw na tinutukoy mo?" nginisian ko ito, "anong petsa na, puro ka pa rin ngakngak! Saka na lamang tayo mag-usap kapag kaya mo na ako. Magpasama ka na kay Marietta sa susunod para may tagapunas ka ng sipon mo, kawawa ka naman." Tinalikuran ko na ito, sumunod naman agad sa akin ang mga kasama kong mandirigma. "Laking-laki ng katawan mo pero puro ka ungalo! Pweh!" Pabulong ang mga huli kong kataga.

***

"Napakatagal nang pumutok ang balitang iyan, Lucio." Ani Lupin. Sa pagkamatay ni Impong Delfin at ng ama nitong si Camilo, ay ito na lamang ang natitirang pinakamalapit sa aking Albularyo. "kung talagang buhay si Senda, sa kapangyarihan at kakayanan mo, hindi ba't dapat ay nahanap mo na ito? Malamang ay sabi-sabi lamang iyon ng mga Engkanto. Kumbaga dito sa lupa ay tsismis lang. Panahon na para tanggapin mong wala na siya. Para naman maayos mong maipagpatuloy ang buhay mo."

"Kailan ka pa nag-alala para sa akin, ha?" Natatawa ako, habang napapatingin ako sa namumuti nitong mga buhok.

"Tsk. Sinong may sabing nag-aalala ako sa 'yo? Bakit, friends ba tayo?" Tumawa ito. "Mabalik tayo. Walang biro, Lucio. Tama na, Lucio. Pagpahingahin mo na ang alaala ni Senda para sa inyong mag-ama. Ang daming babaeng magpapakamatay para sa 'yo, mamili ka na ng bagong mamahalin. Wala na si Senda. Tanggapin mo na ng maluwag. Para maibangon mo nang muli ang Edenus. Napakaraming nilalang ang umaasang magbabalik ka sa dati."

***

"Alam niyo, kasalanan niyong lahat ito eh!" Nanggagalaiting panenermon ni Katrina sa mga Engkanto sa palasyo, habang nakatago ako sa likod ng mga palumpong sa hardin. Doon ko naulinigang nagkatipon-tipon ang ilang mga nilalang na tapat na naglilingkod sa aking anak, "Lalo ka na!" binalingan nito si Patruska. " Ang dami-dami na nga nating suliranin ngayon dahil sa hambog na Jasper na 'yan, ito pa rin bang lumang paksa tungkol sa aking Ina ang  uulit-ulitin nating pag-uusapan dito? Alam niyo naman sira na ang ulo ng aking Ama pagdating diyan kay Rosenda eh siya pa ang napili mong pagpasahan ng kasinungalingan noong araw na 'yon? O ano kayo ngayon?  Bakit hindi niyo ilabas ang mga ebidensiya niyo na buhay pa nga si Rosenda? Sa halip na dapat nakalimutan na niya ng tuluyan ang babaeng 'yon ngayon, eh ano ngayon ang nangyayari? Mahigit sa dalawang dekada na, eh naghahanap pa rin siya? Naghihintay sa multo at umaasa sa wala! Sino ba talaga ang nagpakalat ng kasinungalingang 'yan para ako na mismo ang tatagpas sa ulo ng mga 'yan! Ang hihilig gumawa ng kuwento, parang mga gago!" Medyo napatawa ako sa paraan ng pagsasalita ng aking anak dahil wari ko ba'y nakikita ko ang sarili ko sa kanya.  Mukhang mas marami talaga sa mga katangian ko ang nakuha niya mula sa akin, kasama na ang mas malaking pagkakahawig nito sa akin kumpara sa kanyang ina.

"Trina," pagpapakalma ni Alejo sa anak ko, "tama na 'yan."

"Isa ka pa!" Singhal nito kay Alejo, ang bago nitong nobyo matapos nitong tuluyang makipagkalas kay Matias dahil sa maraming bagay na hindi na nila napagkakasunduan. Medyo malakas rin naman kasi ang personalidad ni Katrina na sadyang hindi uubra sa mga lalaking tulad na Matias na salat sa sapat kumpiyansa sa sarili. Nagpakasal na rin naman sa ibang babaeng kauri niya ang kaibigang iyon ni Senda. Matagal na rin namang nakipaghiwalay si Alejo sa dating nobya nito ilang taon bago pa man sila totohanang nagkamabutihan ng anak ko. "Eh isa ka rin sa mga 'to eh. Kunsintidor!"

"Trina, marami naman kasing nakakita sa iyong ina, hindi lang isa." Malumanay na pagpapaliwanag nito. "At saka bakit ba galit na galit ka? Hindi ba't dapat na mas matuwa ka dahil may malaking posibilidad na buhay pa ang iyon ina?"

"Matuwa?" hinataw nito si Alejo sa braso, "Kung totoong buhay nga siya at sa kabila noon ay hindi man lamang ito nagpapakita at nagparamdam sa amin ni Ama, hindi ba't mas lalong nakakainis 'yon? Mas lalo akong mamumuhi sa kanya kung nagkataon!" Napaiyak na ito sa galit. "Sawang-sawa na ako sa suliraning ito. Puro na ang si Senda, si Rosenda, si Senda, si Rosenda...nakakabingi na! Suyang-suya na ako sa pangalan niya! Hindi ba mas maganda kung ang pag-usapan na lamang natin ay kung paano natin magigilitan sa leeg ang tanginang Jasper at Marietta na 'yan?!"

"O siya, simula ngayon, bawal nang pag-usapan ang mga bagay na ito, huwag ka nang umiyak." Malambing na pag-alo rito ni Alejo. "Halika na mahal ko." Niyakap na nito ito. "Mamasyal na lang tayo ro'n sa kabilang hardin. May inihanda akong surpresa sa 'yo."  Hinatak na nito si Katrina papalayo. Mas nakapante naman ako nang sumunod dito ang anak kong may katigasan rin talaga ang ulo—tulad ko. 

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Hala, paano natin maiuulat kay Prinsesa Trina ang nangyayari ngayon sa Mashuria nang hindi nababanggit ang kanyang ina?" wika ng isa sa mga Lambanang naiwan sa hardin.

"Oo nga pala," ani Patruska, "sa amin mo na lamang sabihin. Ano bang nabalitaan mong bago roon. Totoo bang nagkakagulo na ro'n?"

"Tumitindi na ang pag-aaklas doon dahil sa opisyal nang pagdedeklara ng digmaan ang isang bagong pinunong Mashurian, at alam niyo ba, kung sino raw ang bigla na lamang sumulpot doon na siya mismong nagpasimuno ng pag-aaklas?"

"Sino?" halos sabay-sabay na tanong dito ng mga nakikinig.

"Si Reyna Czarina raw. Kaya alumpihit ngayon si Haring Lambino sa takot sa muling pagkabuhay ng binitay niyang unang asawa."

"Ha?" reaksyon ni Patruska, "eh matagal ng patay 'yun ah! Binitay 'yun sa harapan ng maraming taga-Mashuria at naroon ako noong mangyari 'yon kaya sigurado akong patay na 'yun!"

"Mismo." Sagot ng nagkukuwento, "kaya nga marami ang nagsususpetsa ngayon na hindi talaga si Czarina, kundi ang anak nitong si Rosalia ang nagpakilalang si Czarina sa mga Mashurian!"

"Rosalia?" reaksyon ng isa pa, "eh 'di ba matalagal na ring patay 'yun?"

"Ano ba naman 'yan?" ani Patruska, "uso na ba ngayon ang mga patay na nabubuhay sa Mashuria?" kiniskis nito ang mga braso, "parang nakakatakot naman! Pero teka, eh ano naman ang kuneksyon ni Reyna Senda diyan sa bago mong balita?"

"'Yun na nga. Eh 'di ba bigla raw sumulpot ang isang mabagsik na pinuno ng pag-aaklas na nagpakilalang si Reyna Czarina? Na ang sabi-sabi eh baka nga raw hindi talaga ito si Czarina kundi ang anak nitong si Rosalia na nagbabalatkayo lamang upang maging kamukhang-kamukha ng kanyang ina."

"O, tapos?" si Patruska.

"Ayon sa mga kaibigan natin doon na nakaksaksi, ito raw si Rosalia na nagpakilalang si Czarina ay —"

"Ano nga?" halos sabay-sabay na wika ng mga nakikinig.

"—napakalaki ng pagkakahawig kay Reyna Senda sa malapitan."

[ITUTULOY]






My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon