KABANATA 128

704 94 10
                                    

Lucio's P.O.V.

"Panginoon!" Humahangos na lumuhod sa harapan ng trono ko ang buong pangkat ng mga lambana. Bagaman nakangiti ang mga ito ay tila umiiyak naman ang iba.

"Anong nangyari sa inyo?" tanong sa mga ito ni Katrina na nakaupo sa aking kanan.

"Narito po kami upang maghatid ng isang napakagandang balita."

"Anong balita?"  si Katrina pa rin.

"Nagtagumpay ang pag-aaklas sa Mashura. Napatalsik na si Lambino. Patay na raw ito. Malaya na ang mga Mashurian. At si Reyna Czarina na ang nakaupong bagong pinuno ng buong kaharian."

Napatayo ako sa matinding gulat. "Si Czarina ba talaga 'yon?" Tanong ko kay Patruska. "Sigurado ba kayo na si Czarina 'yon?"

Natigilan naman ito, pati ang iba pang mga Lambanang naroro'n. Nagkakatinginan ang mga ito at nagpapakiramdaman.

"Paano kung hindi si Czarina 'yon, kundi isa lamang impostor na nais maupo sa kapangyarihang hindi naman sa kanya?  Paano kung mas magiging malalang pinuno pala ito kumpara kay Lambino? Paano kung si Marietta pala ito?  Hindi ba't ang ilan na rin sa inyo ang nagsabing mas madalas na may suot itong taklob sa kalahati ng mukha? Alalahanin niyo. Ang tunay at original na Czarina ay naupos hanggang sa maging abo sa harapan mismo ng mga mamayan ng Mashuria. Imposibleng nakaligtas ito roon. At alam mo 'yan, Patruska, hindi ba?"

Natahimik ang lahat, kasama na si Katrina.  Muli naman akong umupo sa aking trono at pinagmasadan ang hindi mabilang na mga Engkanto sa aking harapan.

"Siguraduhin niyo muna kung sino talaga ang bagong Pinuno ng kahariang pinanggalingan niyo bago kayo magbunyi. At siyasatin niyo muna ang kanyang pamamalakad bago kayo magdiwang. Para rin ito sa inyong kapakanan, gayun din sa inyong kahihiyan."

"Eh ang totoo po niyan—" biglang pagsabat ng isa sa mga Lambana ngunit agad na tinakpan ni Patruska ang bibig nito. Lalo naman akong binalot ng kyuryosidad nang dahil doon.

"Pabayaan mo siyang magsalita!" Pabalang na pagsaway ko kay Patruska. Sinenyasan ko naman agad ang babaeng lambanang iyon upang magsalita.

Tumayo ito nang bahagyang nakayukod, "A-ang totoo po kasi niyan. M-marami po sa amin ang hindi naniniwalang si Reyna Czarina nga iyon."

"O, 'yun naman pala eh. Meron din naman palang nag-iisip sa inyo. Kasama ka ba ro'n? Hindi ba kayo natatakot kung sakaling isang impostora nga ang may hawak ng inyong lupang sinilangan?"

Tila nalilito ito kung tatango o iiling. "Isa po ako sa mga nagdududa na si Reyna Czarina nga iyon dahil naroon din po ako noong bitayin ito. Ngunit hindi rin naman po kami nag-aalala dahil sa palagay namin kung sino talaga ito da—"

"Dahil ba sa tingin niyo ay si Rosalia ito?" nagkangising wika ko rito.  Bumakas naman sa mukha ng mga taga-roon ang pagkagimbal. Maging si Katrina ay tila nagulat din sa aking tinuran.

"O-opo." Sagot ng Lambana.

"O bakit hindi niyo paaminin muna ito bago kayo magdiwang?" Kaswal kong paghamon sa mga ito, "tutal, wala na siyang dahilan upang itago pa ang kanyang katauhan, hindi ba?  Wala na si Lambino, para saan pa para ipagpatuloy niya ang kanyang pagpapanggap bilang si Czarina? Papayagan ko kayong magsisuwi sa Mashuria kung gusto niyo. Malaya rin kayong makababalik dito. Ngunit bilang kapalit nais kong hamunin niyo ang inyong bagong pinuno upang tahasang magpakilala sa inyo."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Dahil kung ang tunay na Rosalia nga ito, ang ibig sabihin ay si Senda ito.  Kung hindi nama'y, siguradong isa lamang itong impostor na ginagamit ang katauhan ng aking asawa upang maupo sa kapangyarihan; samakatuwid, ay isa na namang posibleng makakaaway ko sa hinaharap. Sapagkat hindi naman ako makapapayag na may umagaw sa pangalan at katauhan ng nasira kong asawa. Magkakamatayan muna kami bago niya magamit ang karangalan na para lamang kay Senda.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon