KABANATA 47

1.7K 175 11
                                    

Panahon na upang ipasa ko nang lahat ito sa ‘yo.”  Wika ni Cephalas kay Lucio.  Itinuro nito ang isang antigong baul. 

“Ano po ang laman niyan?”

“Ang lahat-lahat ng tungkol sa iyong tunay na pagkatao, kasama na ang tungkol sa tunay mong mga magulang at pinagmulan.”

Agad na bumakas ang pagkagulat sa mukha ni Lucio, “ano pong ibig niyong sabihin?”

“Hindi ka ba nagtataka kung bakit kahit kailan ma’y hindi ka itinuring na tunay na anak ni Dragomir at kung bakit ni sa larawan ay hindi mo pa nakikita ang iyong ina?”

Hindi man masabi ni Lucio ay hindi naman niya mapapagkaila ang pagiging malayo ng loob niya sa kinilalang ama, at ang katotohanang ni hindi  nga niya alam ang hitsura ng kanyang ina.

“Hindi ko po maintindihan ang sinasabi ninyo.”

Sandaling natahimik, bago nagbuntong-hininga si Cepahalas.  Bakas sa mukha nito ang wari’y hindi ito makahagilap ng tamang salitang bibigkasin sa kausap.

“Ang baul na iyan ay ipinagkatiwala ni Armentarius sa akin upang maibigay ko ito sa ‘yo sa tamang panahon. Napapaaloob riyan ang lahat ng mga balumbon ng kasalutan at iba’t-ibang mga pamanang bagay at kayamanang nagmula pa sa inyong kanunununua--”

“Hindi ako interasado sa kung anumang mahahalagang bagay sa inyong palagay ang naririyan sa loob ng baul na ‘yan.  Ang nais ko ay ang katotohanan.  Kung hindi si Dragomir ang tunay kong ama ay sino?” magiyak-ngiyak na pagputol ni Lucio sa pagsasalita ni Cephalas. 

Sa halip na magsalita ay tinungo ni Cephalas ang baul upang kunin doon ang isang nakakuwadradong larawan na ipininta ng kamay.  Doo’y nakapinta ang larawan ng isang matipunong lalaking may korona sa ulo. Nakatayo ito sa likuran ng isang napakagandang babaeng nakaupo, mayroon din itong gininutang korona na lalong nagpatingkad sa mamulamula nitong buhok, maputing balat, at kulay luntiang mga mata.  Sa kandungan nito ay may kalong itong isang sanggol na lalaki.

“Ito ang hari at reyna ng kahariang dati naming pinaglilingkuran ng aking matalik na kaibigang si Armentarius.” Iniabot nito ang larawan kay Lucio. “At ang batang iyan ay ang kanilang nag-iisang anak na lalaki. Ang prinsipe ng kabilang mundo na hindi saklaw ng pang-unawa at pagtanggap ng mga tao.”

“Kabilang mundo? Anong ibig mong sabihin?”

Dumampot ng isang balumbon si Cepalas, “nakasaad sa mga kasulatang ito ang lahat ng mga dapat mong malaman.  Ikaw na ang bahalang magbasa upang ikaw na mismo ang makatanggap ng katotoohanan mula sa sulat-kamay ng iyong mga magulang.”

“Wala pa rin akong nauunawaan sa mga sinasabi mo. Sino ba ang tunay kong mga magulang?”

“Hindi ba’t ibinigay ko na sa iyo ang kanilang larawan?” itinuro nito ang larawang hawak-hawak ni Lucio. “Sila ang iyong tunay na mga magulang. At ang sanggol na iyan ay ikaw.”

Animo’y binuhusan ng malamig na tubig si Lucio sa kaniyang narinig. Muli nitong pinagmasdan ang larawan. “K-kung gayun ay n-nasaan na sila? Paano ko sila mahahanap?”

“Wala na sila. Hindi sila nakaligtas sa huling paglusob ng kanilang mga kaaway. Bagaman nailigtas ka ni Armentarius nang magpaiwan ito sa Elysio sa kalagitnaan ng digmaan laban sa mga anghel ng demonyong si Astaroth, ay hindi naman gayon ang naging kapalaran ng iyong mga magulang.”

“Elysio? A-astaroth? A-anong--?” kunot-noong tanong ni Lucio.

“Ang Elisyo ay ang pangalan ng nasakop na kaharian ng iyong mga magulang. Si Astaroth ay ang makapangyarihang anghel mula sa hukbo ng diablo na sumakop rito at patuloy na nagbabanta sa buhay ni Leon.”

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon