KABANATA 71

929 77 19
                                    

Lucio's P.O.V.

Alas tres ng hapon sa Edenus ang alas-tres nga madaling-araw sa lupa.  Sinamantala ko ang mahimbing na pagtulog ni Senda upang makasaglit ako sa buwanang pakikipagpulong ko sa mga kinatawan ng konseho.

"Ano pong plano niyo para kay Marietta at sa mga naghuling mga kasamahan nito?" Tanong sa akin ng akin ng kinatawan ng mga Kapre.

"Ipalilipat ko ito ng selda." Sagot ko rito.

"Pero saan niyo po siya planong dalhin?" mula naman sa kinatawan ng mga Kubot.

Nainis ako rito, dahil isa ito sa mga hindi ko gaanong pinagkakatiwalaan. "Bakit naman kailangang sabihin ko sa 'yo kung saan ko ito ipalilipat?" nais kong dusgsungan ito ng pangungusap na:  Upang mapagplanuhan mo ba kung paano mo ito patatakasin? —- ngunit hindi ko na lamang ito itinuloy.  Pagdating kasi sa mga posibleng tradyor, mas mainam na hindi nila alam na pinaghihinalaan ko na sila.

"Para makatulong kami sa pagsiguro na hindi ito makakatakas." Sagot nito.

Tsk. Ano raw? Para makatulong? Pero para kanino?  Sa akin ba o kay Marietta? Alam na na alam ko na ang galaw ng mga mata ng mga sinungaling, parati itong sumusuyod pakaliwa.

"Hindi tungkol kay Marietta ang papupulong na ito," anunsyo ko sa lahat, "bagkus ay upang mapag-usapan natin ang mas mahahalagang bagay sa kapakinabangan ng lahat ng mga mamamayan ng ating kaharian, pati na rin ang pagdadagdag ng isa pang kinatawan sa koseho na magmumula naman sa lahi ng mga Lambana."

"Hindi ba't si Patruska ang pinuno ng kanilang pangkat?" wika ng kanitawan ng mga Sarangay."Hindi ba ito na ang dapat na maging awtomatikong kinatawan ng kanilang lupon?"

Umiling ako, "katulad ng pagkakatalaga niyo rito, kailangan dumaan sa botohan ang kanilang purok upang mailuklok sa puwesto ang kinatawang naaayon sa tunay na pulso ng kanilang pangkat."

"Panginoon," pagsingit naman ng kinatawan ng mga Tikbalang, "bago natin pag-usapan ang pagtatalaga ng pinuno para sa kanila, hindi po muna ba natin aayusin ang reklamo ng mga Aswang sapagkat kanilang teritoryo ang higit na natapyasan ng malaking bahagi nang ibinigay niyo ito sa mga Lambana?"

Tumingin ako sa kinatawan ng mga Aswang na agad namang tumayo sa kinauupuan nito, "hindi naman po lahat ng mga Aswang ang nagrereklamo kundi yaon lamang pong mga nakatira sa hangganan (1) na naghahati sa dalawang teritoryo."

"Ano bang gusto nilang mangyari?" tanong ko rito.

"Nais po sana nilang ayusin niyo ang pagkakahati na naayon sa nakasaad sa orihinal na titulo ng lupa."

Nang-uuyam na tinawanan ko ito, "eh 'di parang sinabi mo na rin na bawiin ko na lang ang lupaing ibinigay ko sa mga Lambana, pati na rin ang para sa mga Aswang, dahil kung orihinal na titulo ang pag-uusapan ay sa akin naman lahat ng nakapangalan ang mga lupaing iyon, hindi ba? At saka anong titulo ba ang sinasabi ng mga Aswang na ito, gayung hindi ko naman legal na naipasa sa kanila ang pag-aari noon. Sa pangalan ko pa rin naman naka-rehistro ang lupain na kani-kaniya na nilang inangkin bilang kanilang 'hacienda de bobo.'?"

"Ano po ba ang mas tamang gawin upang mas maisaayos ang paghahati na hindi mauuwi sa pag-aaklas ng mga Aswang na apektado?"

"Magpapatawag ako ng bukod na pagpupulong sa ibang pagkakataon,"sagot ko sa kinatawan ng mga Aswang, "kasama ka at lahat ng naapektuhan ng bagong pagkakahati mula sa lahi. Sa ngayon, sa ngalan ng aking namayapang ina na nagmula sa lahi ng mga Lambana ay ako na lamang muna ang magiging pansamantalang kinatawan ng kabilang panig hanggang sa mailuklok sa puwesto ang tamang kinatawan para sa kanila."

****

"Panginoon, aalis po ba kayong muli?" nang maabutan ako ni Ramiro sa daan patungo sa lagusan patungong San Antonio.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon