KABANATA 113

725 65 11
                                    

Lucio's P.O.V.

"Nakita ko na si Senda," paroo't parito ako sa harapan ni impong Delfin. "Naglalakad siya sa dalampasigan sa Santa Fe.  Hindi ko alam kung paano siya nakaabot sa ganoong kalayo na gamit lamang ang bangkang de sagwan."

"O, e bakit hindi mo pa sinundo?"

"'Yun nga nga ang problema ko, hindi ko alam kung bakit hindi ako makapasok doon na tila ba may harang ito na hindi ko nakikita. Nakikita ko ang mga bangka at ibang mga yate na nakakapasok naman, 'yung sa akin lang ang namumukod-tanging hindi."

"Mali ba ako kung sasabihin kong alam mo na rin kung bakit hindi ka makapasok doon?"

Napahinto ako upang magbuntong-hininga. Tama siya. Alam ko nga kung bakit, at 'yun na nga ang pinakanakakairita sa lahat. Hinarangan ito ni Marietta, tulad nga ginawa niya sa lahat ng mag teritoryong inaangkin niya o yaong mga nasakop na nito, at ako lamang ang namumukod-tanging hindi nakakapasok sa mga lugar na iyon, at isa ang Santa Fe sa mga dati kong teritoryong inagaw niya.

"Ang mahalaga, nakita mong ligtas naman siya at ang inyong anak."

Napapikit ako sa pinaghalo-halong inis, ngitngit, lungkot, at galit. Naiinis ako na hindi ako nahintay ni Senda. Nagngingitngit ako na nasa teritoryo ito ni Marietta. Nalulungkot ako dahil gusto ko na siyang mayakap, mahagkan at humingi ng tawad, at nagagalit ako dahil hindi ako makalapit sa kanya.

"May alam ka bang paraan upang mabasag ko ang harang na iyon?" 

"May paraan, ngunit mabubulabog mo rin si Marietta kapag ginawa natin 'yun. Handa ka bang isugal ang kaligtasan ng iyong mag-ina?

Hindi. Siyempre, hindi.

"Teka sandali," wari'y may naalala si Impong Delfin. "Sa Santa Fe ba kamo?"

Tumango ako, "bakit?"

"Pahiramin mo ako ng mga mensaherong hindi kilala ni Marietta. May kilala ako roon na makakatulong sa atin."

"At sino naman?"


****


Senda's P.O.V.

"Magandang araw, Rosing." Pagbati ni Matias habang naglalakad-lakad ako sa harapan ng bahay kinaumagahan.

Matapos kong malaman na hindi naman pala ako nito planong digahan, at isa naman pala itong lihim na kakampi ay nginitian ko na ito. "Magandang araw rin sa 'yo. Napadaan ka? Hinahanap mo ba sina Tata Pepe? Nasa laot pa si—"

"Hindi, Rosing.  Ikaw talaga ang sinadya ko."

"Ano bang maipaglilingkod ko sa 'yo?"

"Ah," kakamot-kamot ito, "hindi na ako magpapaligoy-ligoy  pa pero" luminga-linga muna ito, "mayroon akong kaibigan na nais makipag-usap sa 'yo." halos pabulong na ito, "Ah, paano ko ba sasabihin...baka kasi natatakot ka na sa akin.  Wala akong balak na masama, ha? I-ito kasing kaibigan ko ay kilala ka. Ang sabi niya, kilala mo raw siya noong bata ka pa pero hindi raw siya sigurado kung natatandaan mo pa si—"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Si Alfonso ba?" hininaan ko rin ang boses ko.  Diniretso ko na ito dahil sa wari ko ba'y hirap na hirap itong humanap ng tamang pananalita upang masabi nito nang malinaw ang nais nitong sabihin sa akin.

Nanlaki ang mga mata nito, "p-paano mo nalaman na siya? Nakapagbabasa ka ba ng isipan?"

"H-ha? Ah—" naku, lukaret ka Senda. Bakit kasi ang atribida mo? Dapat hinintay mo na lang na siya ang magsabi kahit na mahirapan pa ito.  Paano mo ngayon ipapaliwanag ito? "k-kailan at saan ba raw niya ako nais kausapin?" Hay naku, sana hindi na niya ulitin ang kanyang katanungang iniwasan kong sagutin.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon