KABANATA 85

809 66 12
                                    

Senda's P.O.V.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang papaliko na kami sa kalye kung saan nakatira ang kuya ko. Tila biglang bumigat ang aking pakiramdam, marahil ay dahil naalala ko pa kung paano ko nilisan ang lugar na ito na walang tiyak na pupuntahan.

"Lampasan mo ang gusali." Ani Lucio kay David, "Do'n tayo pumarada sa malayo-layo." Sumunod naman si David.  "Dito na muna kayo.  Ako na lang muna ang bababa." Matapos naming makaparada sa tabing kalye. Nagsuot ito ng capsunglasses at fake na bigote.

Hinawakan ko ito sa kaliwang braso, "Puwede ba akong sumama?"

Sandali itong nag-isip, "babalikan na lang kita rito.  Kailangan ko lang munang masiguro na ligtas ka sa lugar na ito dahil alam ni Marietta at ng iyong Ama ang lugar na ito at may mga tauhan silang gumagala-gala rito."

"S-sige," sagot ko, "pero mag-iingat ka."

Ngumisi ito sa akin, "sila ang mag-iingat sa akin."  Sabay baba nito nito ng suot niyang sunglasses sa dulo ng kanyang matangos na ilong upang kumindat sa akin.

Napangiti ako bagaman hindi naman niya maiaalis sa akin ang mag-alala.  Pasikreto siyang pumuslit. Pilinga-linga rin ito sa paligid sa pagkababang-pagkababa pa lamang nito hanggang sa mawala na ito sa aming paningin.

"Huwag kang mag-alala, Mahal na Reyna," sabi sa akin ni David. "Ganyan lang talaga siya kapag alam niyang madalas na tambayan ng mga taga kabilang kampo ang isang lugar. Babalik din 'yun aga—o, nariyan na pala oh pero teka—"

Agad kong nilingon kung saang direksiyon ito bumaba kanina at nakita ko si Luis na humahangos pabalik.

Nagmamadaling tinapik nito ang puwitan ng sasakyan bilang hudyat kay David na paandarin na ang sasakyan.

"Abante!"  Sa pagpasok nito sa loob, "bilis!"

Sa aking muling paglingon ay no'n ko lang lubos na naunawaan kung bakit ito nagmamadali.  May higit sa sampung lalake—o nilalang sa katawang-tao, ang tumatakbo nang mas mabilis pa sa pagtakbo ng isang ordinaryong tao.

"Iligaw mo!" Utos ni Luis kay David.

"Opo."

Halos umangat ang puwitan ko sa upuan sa mabilis at pasiray-siray na pagmamaneho ni David, ngunit sa kabila noo'y natatanaw pa rin namin ang mga humahabol sa amin.

"Ano ang mga 'yun?" tanong ko sa alinman sa kanilang tatlo, "bakit ang bibilis nilang tumakbo?"

"M-mga kalahi ko sila M-mahal na Reyna." Sagot ni David habang abala sa pagmamaneho. "Mga Tikbalang."

"Saan natin sila ililigaw, Luis?"

Sa halip na sagutin ako nito ay tinapik nito si David, "idiretso mo sa Sta. Ana. Sa junkyard ni Lupin."

"P-po? E-eh...." dirediretso lamang ito sa pagmamaneho. "Di po ba banned ako do'n? Galit sa mga Tikbalang 'yun eh."

"Eksakto." Si Luis.

"Papatayin din ako no'n, Boss! At galit din sa 'yo 'yun 'di ba dahil patay na patay sa 'yo 'yung asawa niyang sirena?"

Napasulyap saglit sa akin si Luis, "Tsk. Basta! Ako na ang bahala pagdating natin do'n."

"H-ho?"

"Bilisan mo!" Mas lumapit na kasi ang mga humahabol sa amin.

"O-opo." Itinodo na nito ang pagtungtong selinyador.

****

"B-Boss, mukhang sarado ang gate oh!" patuloy pa ring umaandar ng matulin ang sasakyan.

"Banggain mo!" Utos ni Luis.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon