KABANATA 117

661 74 6
                                    

Lucio's P.O.V.

Naramdaman ko ang paglipad ng impakta sa ere habang bitbit ko ang anak ko.  Hirap na hirap ako sa pagtakbo sa buhanginan kaya agad ako nitong naabutan at dinagit mula sa likod upang ilipad paitaas.

Wala akong magagawa hangga't hindi kami nakakalampas sa simboryong harang kaya hinintay ko munang makalampas kami rito bago ko nagawang sumipol upang tawagin ang isang katerbang Wak-wak at Manananggal na laging sumusunod sa akin sa tuwing akoy naglalayag. Agad namang nagsisuguran ang mga ito upang atakihin ang impakta.

Bago pa man makarating ang mga ito ay narinig kong pumitik ang impakta, kaya sa isang iglap ay nariyan na rin ang mga kakampi nitong mga lambanang animo'y mga kumikislap-kislap na mga alitaptap mula sa likod ng mga ulap.  Una kong natanaw si Alfonso na siyang pinuno ng mga ito sa konseho ng impakta. Nagkatinginan kami nito. Tinitigan ako nito nang matalim at umakmang bubunot na ng kanyang pana.

Hindi gaanong halata ngunit batid kong sadyang pinabagal nito nang kaunti ang kanyang pagbunot upang itiyempo sa pagsalpok kay Marietta ng isang katerbang mga Aswang.  Nabitawan ako ng impakta kaya't nagpatak kaming dalawa ng aking anak sa ilalim ng dagat.

***


Senda's P.O.V.

Nang bumalik si ate Mariettang walang bitbit na kahit ano ay paskireto akong napasulyap at napangiti kay Matias. Nagtagumpay si Luis. Naitakbo nito ang aming anak. Nang umupo na sa aking tabi ang aking hipag ay noon ko lamang napansin ang sindak na sindak na hitsura ni Nana Auring. Nakatitig ito kay ate Marietta.

"Ate..." hinawakan ko ang kamay ni ate Marietta, "tulungan mo akong mabawi ang anak ko." pagpapatuloy ng makabagbagbag damdamin kong pagganap. "Kahit ano, gagawin ko para sa 'yo, tulungan mo lamang akong mabawi ang aking anak!"

Tumaas ang isang kilay nito. Animo'y sinusukat ako nito kaya nakaramdam ako ng matinding kaba. Lalong dumadagundong ang pintig ng puso ko dahil tila ba nagdududa ito sa mga sinabi ko.

"Isama mo na ako." Upang mapagtakpan ko ang matinding nerbiyos. "Paglilingkuran kita. Kahit ano, gagawin ko para sa 'yo."

Sa halip na sumagot ay umismid ito at tumayo, "hindi ko kailangan ng alagain. Mag-usap na lang tayo kapag may pakinabang ka na." Sinukat rin naman muna nito si Matias sa pamamagitan ng pagtingin dito mula ulo hanggang paa bago tuluyang lumabas at lumipad papalayo.

***

"Nagtagumpay tayo." Bulong sa akin na Matias, habang pinupunasan nito ang duguang bibig. "Pero ang lakas manipa ng asawa mo." Natawa ito. "Ang sakit ng katawan ko."

"Pasensya ka na Matias. Sinuntok mo rin kasi siya eh."

"Eh ayaw kasing umalis eh. Hindi makuha sa tingin!" Natawa ito.

"Hindi naman kasi niya alam ang plano natin eh.  Pero, ayos ka lang ba? Putok-putok 'yang labi mo ah."

"Wala 'to. Ang mahalaga, ligtas na ang inyong Prinsesa."

Bigla akong nakaramdam ng matinding kalungkutan.  Ang aming Prinsesa...saglit ko lamang nahawakan si Katrina.

"Tatagan mo ang loob mo, Rosing."  Bulong sa akin ni Matias nang hindi ko na mapigilan ang paghagulhol." Kuruin mo kung si Marietta ang nakakuha sa anak niyo.  Hindi nito ito bubuhayin.  Ang isipin mo na lang ay nasa mabuti at ligtas siyang mga kamay kaya mas makakapagpokus ka sa ating mahalagang misyon."

"A-anong ang susunod nating haklbang?"

"Magpahinga ka na lamang muna ng ilang araw. Kakailanganin mo ang sapat na lakas sa ating paglalakbay.  Kapag handa ka na, sasabihan ko na si Alfonso, para mapagplanuhan na rin niya kung paano siya makakapuslit kay Marietta upang katagpuin tayo."

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon