KABANATA 126

717 81 11
                                    

Lucio's P.O.V.

Hindi ko mapigilan ang aking paghalakhak sa panggigil sa akin ng pipitsuging Bagito sa muling paghaharap namin ng kanyang hukbo. Ngali-ngali kong agawan na lamang ito ng mga hawak nitong mga rattan, hindi para saktan, kung hindi para ituro na mismo sa kanya kung paano niya ipanghahataw ang mga iyon sa akin.  Hindi ko maintindihan kung sinadya ba ni Marietta na sanayin ito sa kapalpakan upang magsilbing insulto sa akin, o kung sadyang mahinang klase lamang talaga ang tinagurian nilang...papatay sa akin.  

"Bagito...lawit na ang dila mo baka gusto mong umuwi muna para punasan ang lungad mo!" Sadyang hinalakhakan ko ito upang inisin. Paano'y kung hindi ko pa sasadyaing patamain ito upang tumaas naman ang lumalaylay nitong kumpiyansa sa sarili, ay hindi pa ito makakatama sa akin. Asar na asar naman ito at lalong nanggigigil sa tuwing pinagtatawanan ko siya. Manang-mana talaga sa impaktang nagsanay sa kanya. 

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Panginoon,"  bulong sa akin ng isa sa mga pinuno ng aking hukbo na si Ador. Nakatayo ito sa aking kaliwa. "hindi niyo po ba napapansin?"

"Ang ano?" bulong ko rito pabalik." Habang nakatutok pa rin ang mga mata ko sa pikuning Bagito.

"Pang-apat na beses na ito, at hindi ko sigurado kung kakuntsaba ni Marietta itong si Jasper.  Pero tila nagagamit lamang itong apo niya upang abalahin ka, para malayang niyang masakop ang pinakamahahalagang teritoryo mo. Kararating lamang sa akin ng mga balita mula kay Prinsesa Trina, nasa Timog raw si Marietta ngayon at pilit na binabaklas ang mga harang natin. Nauna na raw roon ang Prinsesa Trina kasama sina Alejandro at Alejo."

Sasagutin ko sana si Ador nang bigla akong sinigawan ng Bagito, "ano tanda! Magtitigan na lamang ba tayo rito?!"

"Tanda ang tawag sa inyo?" Natatawang bulong naman sa akin ni Juan. Nakatayo ito sa aking likuran, "eh 'di hamak namang mukha siyang mas matanda sa inyo." Naghagikhikan naman ang mga nakarinig sa kumento nito

Kababawan lamang ang kumentong iyon ni Juan kaya hindi ko na lamang ito pinansin.

"Tayo na." Bulong ko kay Ador, sabay talikod. Batid ko naman na susundan na lamang ako ng aking mga kasama kahit na hindi ko pa sabihan o utusan ang mga ito.

"Oy-oy! Saan kayo pupunta mga duwag!"  Sigaw sa amin ni Jasper. "Bumalik kayo rito!"

Ngunit hindi ko na lamang ito pinansin dahil kung totoo ngang ginagamit lamang ni Marietta ang kanyang pipitsuging apo bilang pang-humira ng atensyon ko, ay hindi ko na dapat aksayahin pa ang oras ko rito. Wala rin naman akong balak saktan ang mokong na ito dahil ang totoo'y hindi naman kaaway ang tingin ko rito, kundi pag-asa. Sapagkat siya lamang ang kaisa-isang kong pag-asa upang paglalao'y makapagpahinga.

***

Nagkalat ang mga bangkay ng iba't ibang uri ng mga nilalang nang kami'y makarating sa isa sa aming mga kaharian sa Timog. Ang karamihan sa mga ito'y mula sa hukbo nina Marietta, ngunit marami rin akong nakikilalang nanggaling sa aming panig.  Mababakas sa buong kapaligiran na isang matinding digmaan ang nangyari roon.

Natagpuan kong pinalilibutan ng kanyang mga mandirigma si Katrina.  Sugatan ito ngunit nakatayo pa rin naman. Tadtad rin ng mga itim na dugo mula sa mga nakalaban nitong mga aswang ang suot niyang kutamaya.

"Ama." Yumukod ito sa akin.

"Anong nangyari rito? Paano niyo nalaman sa susugod si Marietta rito?"

"Muling may nagpadala ng babala sa akin kamakalawa, Ama. Tulad ng nakakaraan ay may nagsusuot ng tiniklop na pergamino sa ilalim ng aking pintuan. Nakalagay roon na ito ang susunod na balak lusubin ni Martietta."

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon