KABANATA 103

719 71 11
                                    

Lucio's P.O.V

"Magandang araw sa 'yo."  Pagbati sa akin ni Marikit bilang si Arsenio.  Natiyempuhan ako nitong maghahatid ng pananghalian sa silid ni Senda. Ito pa man din ang huling araw ng paghahatid ko dahil kinabukasan na ang pagdating ng dalawang permanenteng kusinero na hahalili sa akin at kay Himena. "Kukumustahin ko lamang sana ang mahal na Reyna. Isang linggo ko na kasi siyang hindi nakikita at nasasabik na akong makakuwentuhan siya. Ako nga pala si Marikit, ako ang kanyang personal na tagapaglingkod."

"Ah, pasensya ka na binibini." Sinisipat nito ang aking mukha na tila may nakikita itong pagkakakilanlan sa likod ng akong balatkayo,kaya mas minabuti ko nang huwag tumungin dito nang diretso. "Mahigpit kasi ang ipinagbilin sa akin ng mahal na hari na walang maaaring makapasok sa kanyang silid nang walang pahintulot mula sa kanya."

"Ah ganun ba?" nanlulumo ito. "Alam mo ba kung kailan ko muling madadalaw ang mahal na Reyna?"

"Naku hindi ko—"

"Hay naku Arsenio!" Bulyaw sa akin ng babaeng papalapit na sa amin.  Si Reodica ito, "binabayaran ka ba rito para makuwentuhan sa malalandi?"

Napasulyap ako kay Marikit. Magkasalubong na ang mga kilay nito.

"At ikaw naman," pagbaling nito kay Marikit, "may nobyo ka na nilalandi mo pa itong si Arsenio." Inirapan ito nito habang nakahalukipkip.

"S-sige na Arsenio," sabi sa akin ni Marikit. Halatang ayaw nitong pansinin si Reodica, "pumasok ka na sa loob.  Baka nagugutom na ang mahal na Reyna."

Tumango ako at agad na pumasok.  Sa pagpasok ko ay agad kong ikinandado ang pinto, at habang ikinakandado ko ito ay sinadya ko na ring pakinggan at pinakiramdaman ang dalawang babaeng nasa labas.

"Hay naku, ang mga ambisyosang malalalandi nga naman, pakalat-kalat kung saan may lalaki." Tila pagpaparinig ni Reodica kay Marikit.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan, Reodica?"

"Balita ko, ikakasal ka na raw. Alam na ba ni David ang sikreto mo sa mga taga-rito sa Edenus?" 

Sandaling nagkaroon ng katahimikan na agad namang sinundan ng nangungutyang paghalakhak ni Reodica. 

"Alam ba niya," dugtong nito, "na ginamit mo lamang siya para makalaya ka sa kulungan? At hindi pa natatapos doon, hindi ba? Dahil alam mong siya ang drayber ng hari eh sinamantala mo naman 'yun upang magkaroon ka ng oportunidad na magtrabaho dito sa loob ng Palasyo."

Hinihintay ko ang sagot ni Marikit, ngunit wala akong narinig mula rito, sa halip ay ang malakas na pagtawa pa rin ni Reodica ang umalingawngaw sa kahabaan ng pasilyo.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Ano Marikit?  Hindi ka makasagot?  Hindi ka rin makatanggi? Eh kasi, totoo. At paano mo ako pasisinungalingan gayung hindi lang ako ang nakaranig nang sinabi mo sa mga dati nating kasamahan noong pinuntahan ka namin sa piitan? Kinakantiyawan ka nila sa pagkakaroon ng manliligaw na kabayo ay...tikbalang pala dahil alam mong kahihiyan para sa mga Puting Engkanto ang magkaroon ng manliligaw na Maligno kaya ano ngang sabi mo ulit? 'Hindi ko naman siya gusto, pero kailangan ko ang tulong niya. Sasagutin ko siya para makalaya ako.' At 'yun nga ang unang plano mo, pero dahil isa kang dakilang ambisyosa, sinamantala mo na rin ang pagkakataon upang mapalapit ka sa Hari na binigyan ka naman agad ng napakataas na posisyon bilang tagapagsilbi ng Reyna. O, akala ko ba hihiwalayan mo na si David kapag nakuha mo na ang gusto mo, tapos mababalitaan namin, ikakasal na kayo? Hah! Alam mo bang tampulan ka ng tukso ng mga dati nating kasamahan? Alam mo ang sabi nila? Napakamanggagamit mo talaga. Wala kang isang salita. Wala kang delikadesa. Alam mo, talagang hindi kami puwede ni David dahil hindi siya matatanggap ng mga magulang ko kaya huwag mong iisipin na ginagawa ko ito para maagaw ko siyang muli sa 'yo. Ang sa akin lang magpakatotoo ka. Aminin mong ginagamit mo lang siya para makaangat ka. Kung hindi mo kaya eh maawa ka sa naman sa ginagamit mo. Huwag mo siyang paasahin sa hindi naman totoo."

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon