KABANATA 116

704 78 22
                                    

Senda's P.O.V.

"Huwag ka nang umiyak, Rosing este—Rosalia pala—" inalo ako ni Matias dahil hindi ko na napigilang bumuhos ang luha ko sa mga nalaman ko, "pasensya na kung sa akin mo pa nalaman.  Pero mabuti na rin na alam mo para maunawaan mo rin kung bakit ikaw, higit kaninuman, ang kailangang umangat na pinuno sa pag-aaklas laban kay Lambino. Gawin mo ito upang mabigyan ng hustisya ang iyong ina. Gampanan mo ito alang-alang sa kaligtasan ng iyong anak sa hinaharap. Tuparin mo ito para sa mga nilalang sa Mashuria na naghihintay ng tagapagligtas. Si Lucio ang hinihingian nila ng tulong sa ngayon dahil wala silang makapitan simula ng mamatay ang iyong ina, pero ang totoo, ikaw ang mas nararapat na gumanap nito. Ikaw ang kailangang tumulong sa kanila. Ikaw ang kailangang magtuloy sa adhikain ng iyong inang Reyna."

"Pero paano ko naman gagawin ang lahat ng iyan, Matias?  Hindi naman ako  malakas na tulad ng aking ina?  Wala akong alam sa pakikipaglaban. Wala akong alam sa pamumuno—"

"Kami ni Alfonso ang magsasanay sa 'yo, Rosalia. Hindi problema ang kakulangan mo sa kalaman at kakayahan sa pakikipagdigma dahil ang lahat ng iyan ay maaari naming ituro sa 'yo. At dahil sa natural na dugo ng iyong inang nananalaytay sa iyong mga ugat ay wala kaming pagdududa na kakayanin mo ang lahat.  Ngunit bago namin magawa iyon ay kailangan mo munang tanggapin ang nakatadhana para sa 'yo. Kailangan mong magpakatatag, ang magtiis, at magsakripisyo ng oras at panahon upang mabigyan mo ng katuparan ang mga propesiya tungkol sa iyo."

Hindi ko pa man din naibubuka ang bibig ko ay nakaramdam ako ng paghilab sa aking tiyan. "A-aaray...m-manganganak na yata ako Matias."

Ngunit sa halip na sumagot ay napansin kong napatigagal si Matias.  Nakatanaw ito sa malayo na tila may sinisipat itong paparating."

"R-Rosalia...mukhang natunugan na ni Marietta na narito ka."

"H-ha?" Nilingon ko ang tinatanaw nito.  Hindi ko pa gaanong makita ngunit tila may isang taong may malaking pakpak ang lumilipad sa baybayin ng dagat at papalapit na ito sa aming kinalalagyan. "A-aray ko..." muli na namang humilab ang aking tiyan.

"Naku, paano ba ito?" natataranta ito, "baka kuhanin niya ang anak mo. Hindi puwede 'to. Tsk. Sandali..." pumitik ito sa kanyang magkabilang tenga. "Alfonso nasaan ka na ba?" sabi nito sa kanyang sarili, "kailangang papuntahin mo na rito si Lucio!" na tila ba nakakausap nito si Alfonso sa ganitong paraan. "Ha? Narito na siya?" bagaman hindi ko naririnig ang kausap niya. "Saan?" Luminga-linga ito, "sa Yate?" muli itong luminga-linga, "anong Yate? Wala naman akong nakikitang yate rito....ha? May harang?" tumingin ito sa himpapawid, "wala naman akong nakikitang harang." Mukhang si Alfonso nga ang kausap nito na parang nakikipag-usap lamang sa telepono.

"S-sinong kausap mo?"

"Si Alfonso. Narito na raw si Lucio sabi niya. Nakasakay raw ito sa Yate, pero wala naman akong makita. Hindi raw ito makapasok dahil may harang na bobida raw sa buong isla pero hindi ko rin naman makita ang bobidang ito. Malaking problema ito, Rosalia. Mabubulilyaso ang plano kapag kapag si Marietta ang nanakuha sa anak niyo."

"DIYOS ko, maawa po kayo sa amin. Tulungan mo po kami ng anak k—A-aaray...Matias, pumuntok na yata ang panubigan ko."

"H-ha? s-sandali." Mas binilisan na nito ang pagsagwan, "Bahala na..." bulong nito.


***


Lucio's P.O.V.

Buwisit na Anghel.  Bigla itong naglaho bago pa man kami pumatak sa tubig.  Matapos kong lumubog at lumutang ay nakita ko itong nakalutang sa ere at wala pa rin itong habas sa pagkanta.  Muli akong umakyat sa Yate, at sa aking pag-akyat ay natanaw ko si Senda na tila namimilipit sa sakit, habang ang putang inang lalaking kasama nito ay nagmamadali sa pagsagwan. Agad akong nagtungo sa timon upang sundan ang mga ito.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon