KABANATA 121

623 79 18
                                    

[Editor's Note: The timeline of this chapter is within the period of the Epilogue of Katropa Series Book 1: Ang Pag-ibig ng Aswang, a few weeks to months after Senda's tragedy]

Lucio's P.O.V.

"Panginoon," lugmok na humangos sa aking paanan si Alejandro," pakiwari ko ba'y umiiyak din ito. Nangunot ang noo ko nang maging ang buong hukbo ng mga Engkantong kasama nito ay tila nalugi ang mga hitsura. Saglit na napalingon ako sa tronong nasa aking kanan, kung saan nakaupo ang aking anak na si Katrina.

"Anong nangyari sa inyo?" tanong ko.

"Isang napakasamang balita po, Panginoon!"

"Nasakop ba tayo?"

Umiling ito bago muling yumukod sa lupa.

"May mga nawala tayong teritoryo?"

Muli itong tumunghay upang muling umiling.  Ilang saglit pa'y nagsidatingan na rin ang pangkat nina Patruska at ang hindi ko na mabilang na mga Lambana.

"Ano bang nangyayari sa inyo?! Magsalita kayo! Gaano ba kasama ang balitang ito para magkaganyan kayong lahat?"

"Ang mahal na Reyna..." humahagulhol na wika ni Patruska sa malayo. "Wala na po ang mahal na Reyna!"

Napatayo ako sa pagkagimbal. "Anong ibig niyong sabihing wala na? Umalis na siya sa San Isidro? Nagpakalayolayong muli? Ano?!"

"Pumanaw na po siya." Malumanay na wika ni Alejandro. "Pinatay po siyang mga tao. Sinunog po siya ng buhay sa bahay niya sa San Isidro."

Sandali akong natulalala bago tuluyang bumigay ang mga tuhod ko sa labis na panginginig. Lumagpak ako nang paluhod sa sahig. Hindi ko na rin napigil pa ang unti-unting paglalawa ng aking mga mata.

"Ama? Ano pong nangyari kay Rosen—k-kay Ina?" mangiyak-ngiyak na lumuhod din ito sa tabihan ko, "B-bakit po ginawa ng mga tao iyon kay Ina?"

"Tupok na tupok po ang kanyang dampa," sagot ni Alejandro, "ngunit nakita rin po namin doon ang nalalabi sa kanyang mga buto kaya maingat na po naming dinala rito upang masiyasat ito ng mga nakakatanda sa ating kaharian. Positibo po nilang kinalala na ang mga buto ay pag-aari ng isang  babae mula sa lahi ng mga Engkantadang Mashurian at hindi ng isang ordinaryong tao."

Sa wari ko ba'y sasabog ang ulo ko sa pinaghalo-halong emosyon kaya hindi ko na napigilan ang pagwawala. Pinagbabasag ko ang lahat ng mga plorera at mga nililok na estatwa sa bulwagan. 

Ilang espada at sibat din ang pinagkukuha ko sa kung kani-kaninong lukbutan at pinagbabato ko ang mga iyon sa pader.  

Anong silbi pa ng mga espadang ito kung hindi naman nito nagawang protektahan ang mahal ko!

Napapaiktad ang lahat sa matatalim na tunog at pagkalansing ng mga sandatang ibinabato at iwinawasiwas ko sa pader.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Hindi ko na mawari kung paano ko ilalabas ang galit ko kaya humangos na ako palabas ng palasyo. Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ng sari-saring mga nilalang upang makiramay sa akin. Huminto ako sa kalagitnaan ng hardin. Nanginginig sa pagtangis na hinarap ko ang mga ito at hinagod ng tingin hanggang sa mapadako ito sa grupo ng iba't ibang uri ng mga Aswang.

"Sino sa inyo," nangangatal na wika ko sa mas mababang timbre, "ang nagnanais na makatikim ng dugo at laman ng mga tao?!" Pasigaw na ang aking mga huling kataga. "Sino?!" Halos pumiyok ako sa sagaran kong pagpalahaw.  Walang hinto ang pag-agos ng mga luha ko.

Bumakas ang sindak sa mga mukha ng lahat ng mga naroroon.

"Ngunit hindi po ba't ipangbabawal po ninyo ang—"naputol na wika ng isa sa mga Amalanhig.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon