KABANATA 140

776 104 19
                                    

Senda's P.O.V.

Makalipas ang isang taon...

"Grabe ate Senda, ang sarap naman nito." Si Jordanna, matapos ang unang higop nito sa kapeng tinimpla ko sa kanya. "No wonder halos wala nang maupuan dito sa Cafe mo.

"Oo nga e, suhestiyon nga ni Lucio ay maglagay na rin kami ng mga lamesa sa labas."

"Eh ano 'yung ipinaayos niyo doon sa kabila.  Hindi ba extension 'yun?" inginunguso nito ang bahaging nakasara

"Parang ganon'n na rin pero recreational lounge kasi 'yun, para sa mga V.I.P. customers na gustong maupo sa kumportableng couches, recliners, at beanie bags, para magbasa, magsulat, at tahimik na magkape. Bawal nga lang magdaldalan do'n dahil para lamang 'yun sa mga parokyano na nais ng tahimik na matatambayan."

"Wow. Ang galing naman. Sinong nakaisip no'n?"

"Si Lucio. Meron kasi itong mga kaibigan na bumibisita rito paminsan-minsan at gano'n ang nais nilang lugar na pag-istambayan."

Tumango si Jordanna, "tingnan mo 'yung apat na yayo!" Natatawang wika ni Jordanna. Inginunguso nito si Luis at Jasper. Masayang kakuwentuhan ng mga ito si Jonathan—ang ama ni Jordanna, at si Jason—ang ama naman ni Jasper. Tigi-tigisang kalong-kalong ng apat na iyon mga sanggol na anak nina Jordanna at Jasper. Nasa kabilang lamesa naman si Manuel at Ador na halos mabulunan na sa pagsubo ng tig-isang buong cake na kanina pa nilang nilalantakan. "Grabe ang takaw talaga ni uncle Manuel. Binayaran ba nila 'yung dalawang buong cake na kinakain nila?"

"Oo naman." Natawa na rin ako, "pabayaan mo na. Natutuwa nga ako na nagustuhan nila 'yung pinaghirapan kong i-bake kaninang madaling-araw.

"Nakakatuwa 'no, ate? Sino bang mag-aakala na magkakasundo ang dalawang 'yan?" Inginunguso nito ang mga asawa namin. "Parang kailan lang halos magpatayan na ang dalawang 'yan 'di ba?"

"Oo nga eh. Kung alam mo lang kung gaano ko hiniling sa PANGINOON ang pagdating ng araw na ito. Pero alam mo na, sa kabila noon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko na maaaring pansamantala lamang ito dahil buhay pa sa Marietta, at batid kong namumuhunan na ito ng matinding poot upang makapaghiganti sa ating lahat sa kanyang pagbabalik."

Napabuntong-hininga si Jordanna, "ako rin naman, ate. Nag-aalala pa rin ako sa kaligtasan ng mga anak ko, lalo na kay Daniel dahil ito ang pinupuntirya nito.  Mabuti na nga lang at narito na lamang kayo ni Lucio sa malapit, lalong hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayong dalawa rito."

"Pasensya na nga lang ang wala kami rito araw-araw. Alam mo na, kailangan naming umalis para madalaw namin si Katrina, at para magawa namin ang iba pang kailangan naming gawin. Mabuti na nga lang at nakakuha ako na maaasahang empleyado rito kaya nanatiling bukas itong Coffee Shop kahit wala kami rito lagi."

"Ano kayang gagawin namin kapag wala kayo rito?"

"Kung kaligtasan ng mga anak mo ang inaalala mo, alam mo naman na bukas ang lagusan ng Edenu—este Elysio pala, para sa inyo ni Jasper at mga anak niyo."

"Hay, salamat talaga ate Senda." Yumakap ito sa akin, "hulog talaga kayo ng langit para sa aming mag-asawa."

"Walang anuman. Hindi naman kayo iba sa amin. Pero maiintindihan mo naman siguro kung sasabihin kong kailangan nating turuan ang mga anak mo na ipagtanggol ang kanilang mga sarili, dahil hindi naman oras-oras ay masusubaybayan natin sila, lalo na kapag lumaki na ang mga iyan at magbinata."

"Napag-usapan na namin ni Jasper 'yan.  At mukhang nagkasundo na sila na silang dalawa ni Lucio ang magsasanay sa mga ito, lalo na kay Daniel."

"Mabuti naman pala kung gayun."

***

Lucio's P.O.V.

"Salamat nga pala ulit." Mahinang wika sa akin ng Bagito nang maiwan kami sa lamesa.  Kalong pa rin nito ang batang si Isaiah, habang kalong ko naman si Daniel.

"Para sa libreng kape?" nakangising wika ko.

"Anong libre? Binayaran ko 'to sa cashier niyo ha! Pero bakit ngayon mo lang sinabi na puwede ko palang makuha itong kape ko nang libre? Ang daya..."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Huwag mong buwisitin ang negosyo ni Senda, dapat lang na magbayad ka. Pare kape lang eh. Barya-barya lamang naman din 'yan para sa 'yo!"

Sandali kaming binalot ng katahimikan.

"Ano nga pala 'yung sasabihin mo sa 'kin?" pagbasag ng Bagito sa katahimikan.

Inusog ko ng masa malapit sa kanya ang kinauupuan ko upang makapagsalita ako nang mas mahina, "sasamantalahin namin ni Senda na tahimik pa ang impakta mong lola.  May kailangan lamang kaming hanapin sa malayong lupain. Kung sakaling magparamdam muli ang impakta at wala pa kami, pumunta muna kayo sa Elysio upang hindi kayo masundan nito, alam na ni Katrina at Alejo ang gagawin."

"Saan naman kayo pupunta, at gaano katagal?"

"Hindi ko maaaring sabihin sa 'yo, at mas magandang hindi mo malaman para na rin sa kaligtasan mo. Hindi ko pa rin masabi kung gaano katagal. Basta't gagawin namin ang lahat para makabalik kami sa lalong madaling panahon. Sana nga, bago muling lumitaw ang buruka mong lelang."

Tumango ito ngunit kapansin-pansin ang paghinga nito ng malalim kaya tinapik ko na ang balikat nito.

"Tatagan mo ang loob mo, matatapos rin 'to. Basta't parati ka lang maging alerto para sa pamilya mo at lahat ng mahal mo sa buhay. Huwag mo nang sayangin ang oras at pagod mo sa pagtatatag ng panibagong hukbo para mas matutukan mo ang pamilya mo, lalo na ang panganay mo. Sakaling muling lumitaw ang lelang mong gaga at wala pa ako para tulungan ka, makakaasa ka na nasa likod mo lang si Katrina at ang kabuuan ng hukbo ng kaharian ng Elysio.  Natitiyak ko sa 'yo na hinding-hindi ka nila pababayaan at iiwanan."

[ABANGAN ANG EPILOGO]

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon