KABANATA 133

728 87 28
                                    

Lucio's P.O.V.

Inis na inis ako kay Victoriano nang pumalpak ang pangkat nito sa pagsunod nito sa iniutos ko. Lalo pa akong nanggalaiti rito nang tila ako pa ang sinisisi nito sa kanyang pagkakamali.

"Ang sabi niyo po kasi ay dukutin namin ang asawa ni Jasper. Eh sabi nung babae siya raw ang asawa ni Jasper eh." Ingunso nito ang babaeng binitbit nila. Umiiyak ito sa takot dahil hindi naman ang babaeng iyon ang pinakukuha ko sa kanila.

"Ang sabi ko, dating asawa, hindi kabit!" Bulyaw ko.

"Hoy, sinong kabit? Hindi ako kabit ha?" Biglang pagsabat ng babae.

"Sino ka ba?" Pabalang na tanong ko rito, "ikaw ba si Jordanna?"

"Excuse me, hindi 'no? Ako si Kriselda!"

Nginisian ko ito, "Oh 'di ikaw nga 'yung kabit." Pang-aasar ko rito.

"Hindi sabi ako kabit!"

"Bakit, kasal ka ba kay Jasper?"

Hindi ito nakapagsalita agad, "w-wala na siyang asawa kaya nobya niya ako h-hindi kabit?" tila nahihiyang pagpapaliwanag na ito.

"'Victoriano." Pagbaling ko sa aswang. "Isauli niyo ito," itinuro ko si Kriselda, "ang gusto kong kunin niyo ay 'yung siguradong tutubusin ni Jasper. Kunin niyo 'yung totoong asawa."

"Excuse me! Annulled na sila kaya ex na ni Jasper si Jordanna. Ako na ang asawa niya ngayon at magkakaanak na kami." sinapo nito ang kanyang tiyan.

Napakamot ako sa inis sa bungangerang babae.

"Ano po kaya kung huwag na muna po natin itong isauli." Sabi sa akin ni Victoriano. " Kukunin din namin 'yun dating asawa para si Jasper na ang mamili kung sino ang nais niyang iligtas."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Sandali akong nag-isip bago ako tumango, "'wag niyong sasaktan ang isang 'yon, maliwanag?"  bilin ko sa mga ito. "Sige, ikulong niyo na muna itong kabit!"

"Hindi sabi ako kabit!" Nagawawala ito habang binibitbit ito ng mga kawal palayo sa akin.

***

Sinugod ni Jasper ang isa sa aking mga balwarte. Mas marami ang nasawi sa aking panig dahil sa tindi ng gigil ng Bagito sa akin matapos nitong malaman na kinuha ko ang dati nitong asawa na si Jordanna.

"Nasa'n ang asawa ko?!" Mariing tanong ng bagito sa akin matapos ang matindi-tindi naming sagupaan.

Natawa ako. "Asawa mo? May asawa ka ba?" itinuro ko si Kriselda. "Ito ba?" nagtawanan ang mga Aswang sa pangkat ni Victoriano.

Sinagot lamang ako nito ng matatalim na titig.

"Ahh...." pagpapatuloy ko. "Baka naman 'yung 'dati' mong asawa." Sumenyas ako kay Victoriano. Lumapit naman agad ito sa akin. "Pakidala n'yo nga rito 'yung 'dati' raw na asawa nitong pipitsuging 'to." Inginunguso ko si Jasper, at sinuguro kong naririnig ito ng Bagito. "'Yung 'dati' ha? 'Yung nang-iwan sa kanya. Bilisan mo't baka umiyak! Kawawa naman batang uhugin." Pang-aasar ko.

Ilang saglit pa'y bumalik na si Victoriano, kasama na nito si Jordanna.

"Tapusin na muna natin ang usapan sa araw na ito, Jasper. Pinuno sa pinuno; Lalake sa lalake." Sabi ko sa Bagito. "Maaari mong iuwi ang alinman sa dalawang babaeng ito, kapalit ng kaligtasan ng isa sa mga ito at pag-atras n'yo."

"Dalawang babae, kapalit ng pag-atras." Deretsahang sagot ni Jasper.

Napatawa ako. "Hindi ka lang pala talaga hambog ano ha, bata? Mahilig ka rin pala talagang mamangka sa dalawang ilog?!"

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon