KABANATA 136

679 86 15
                                    

Lucio's P.O.V.

"Hay sa wakas, sumuko ka na rin!" Napapailing ako habang tuwang-tuwang pumapalakpak si Katrina. "Sa totoo lang, natatakot ako sa pagbabalik mo nang malaman kong magkasama kayo ni Rosenda. Baka ikako uuwi ka na namang hibang! O, bakit lungkot-lugkutan ka riyan?!" Itinuro nito ang mukha ko, "'wag mong sabihing nagsisisi ka sa mga sinabi mo sa babaeng 'yon? Kulang pa nga 'yun ah."

Hindi na ako tumauli sa mga sinasabi nito dahil sa totoo lang, parang gusto kong sampalin ang sarili ko sa mga pinagsasabi ko kay Helga at Senda kagabi. Naging tapat man ako sa nararamdaman kong hinanakit ay nagsisisi pa riin ako sa mga binitawan kong salita, lalo na nang agarang bumakas sa mukha ni Senda ang matinding kalungkutan hanggang sa magkahiwa-hiwalay na kami patungo sa iba-iba naming destinasyon. Hindi na kasi ito umimik. Tumatango at napipilitan na lamang itong ngumiti habang nagsasalita si Helga sa hapagkainan. Kapansin-pansin na maging si Jasper at Jordanna ay hindi na rin nag-uusap noong mga panahon na iyon.

"May ipakikilala ako sa iyo, Ama." Nagpatuloy sa pagdadaldal si Katrina, habang nakasalampak ako sa trono; hilot-hilot ko ang aking magkabilang sentido. "Isang diwatang pagkaganda-ganda at mabait pa. Magkasundo kami. Gusto ko siyang maging ina. Papupuntahin ko siya rito para magkausap kayo—"

Napabuntong-hininga ako at nananamlay sa sarili kong kagagawan, habang paulit-ulit kong inalala kung paanong napunta sa ganoong pagpasakitan ang aming nanging pag-uusap.

Ah, 'yung kasal sa simbahan.  Humihingi siya ng kasal sa simbahan. 'Yun ang mismong pinag-ugatan dahil iyon na yata ang isang bagay na sadyang hindi ko kayang ibigay sa kanya.

***

"Sino 'yan?  Ang ganda naman niya..." bulungan iyon ng mga babaeng engkanto habang may tinatanaw sila tarankahan ng hardin. Pati ang mga kalalakihan ay napapatingin din sa dumarating kaya napalingon na rin ako.

Tila nagliliwanag ang kapaligiran habang lumalakad papalapit sa akin ang isang maningning na diwata. Sa malayo pa lamang ay nakangiti na ito sa akin. Sumusunod naman sa mismong likuran nito ang aking anak na si Katrina.

Hindi ko namamalayang nakatulala na pala ako rito dahil hindi naman pala nagsisinungaling ang aking anak. Napakaganda nga nito. Pinakamaganda ito sa lahat ng diwatang nakilala ko sa tanang-buhay ko.

"Ama, ipinakikilala ko sa inyo ang aking kaibigang si Prinsesa Asherah, Asherah, siya ang aking amang haring Lucio."

Agad nitong inabot sa akin ang kanyang kanang kamay upang mahagkan ko ang bubungan noon. Maging ang mga kamay nito ay perpekto; wala akong maipipintas hanggang sa dulo ng mga daliri nito.

"Ikinagagalak kong makilala ka sa personal, haring Lucio."

"O, maiwan ko na kayo." Ani Katrina, "Para makapag-usap kayo." Wari'y kinikilig pa ito.

Nginitian ako ni Asherah, ako nama'y nararahuyo sa kanyang tindig at mukha kaya nginitian ko na rin ito pabalik.

***

Masarap kausap si Asherah. Marami itong kuwento at masasabi kong interesante naman ang lahat ng mga ibinibida niya. Magaan din sa pakiramdam ang kanyang pagdalo kaya kahit paano'y naiibsan ang sakit na nararamdaman ko sa kaloob-looban ko. Sa sandaling pag-uusap namin ay nalaman ko na kaagad kung bakit gustong-gustong ito ni Katrina para sa akin.  Napakabait nga nito, mabini kung kumilos at magalang kahit sa mga ordinaryong naninilbihan sa palasyo.  Walang pangit sa kanya, kahit nga ang tining ng kanyang boses ay nakapagbibigay sigla. Mukhang siya na nga ang maaari kong bigyan ng pagkakataong papasukin sa puso ko upang tuluyang ko nang makalimutan ang nararamdaman ko para kay Senda.

"Sa susunod, ikaw naman ang pumunta sa Greteria, " ang tinutukoy nito ang maningning na lupain ng mga kristal, ang kanilang kaharian, "para makilala mo na rin ang aking mga magulang."

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon