KABANATA 104

731 58 12
                                    

Lucio's P.O.V

"Maraming salamat,  Delfin."

Matagumpay na naigiya ni Impong Delfin ang mga insekto sa katawan ni Edwino sa ibang labasan. Nakakabangon na ito, nakakaupo, at nakakapaglakad-lakad sa loob ng silid.

"Pansamantala lamang ito," sabi rito ni Delfin. "At ipagpatawad mo kung hindi ko kayang maibalik sa dati ang iyong balat."

Marahang sinuyod ni Edwino ang kanyang butas-butas na balat. "Ang sinag ng araw sa Mashuria lamang ang makapagpapabalik sa aking balat sa dati."

"Ngunit naro'n din ang sumpang makapagpapablik sa iyong dating karamdaman at hindi kita matutulungan doon dahil mamatay muna ako bago ako bumalik sa Mashuria."

Tumikhim ako, dahilan upang lumingon ang dalawa sa akin. "Kailangan ba'y doon ka muling mamirmihan upang magbalik sa dati ang iyong balat?" Si Edwino ang kinakausap ko.

"Kung nais kong mawala agad ang mga pilat na ito, oo. Sa ganitong kalala, kailangang manatili ako roon ng isang-daang pagsikat ng araw, kung hindi nama'y kailangan kong magpabalik-balik doon ng isang daang beses (1), isang beses sa bawat isang araw."

Napakunot-noo ako,"kailangan ba, isang daang araw na dirediretso?"

Napapatawa sa akin si Edwino, "hindi naman dahil maaaring may patlang.  Hindi mahalagang sunod-sunod; ang mahalaga'y makumpleto ko ang isang daang beses."

"Nais mo na bang bumalik na sa Mashuria?" tanong ko sa muling pagbaling ko rito.

Tila nagulat naman sa akin sa Edwino, "pahihintulutan mo akong bumalik?"

Nagkatinginan muna kami ni Impong Delfin, "bakit?" sabi ko rito nang nakangisi, " sinabi ko bang ibibilanggo kita rito? Huwag mo akong itulad sa iyo, at sa magaling mong anak. Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo pero hindi ka naman nakikinig kaya heto ka na ngayon, isang malugod na biktima ng mga nagsusulsol sa iyo na makipag-away sa akin. Hindi tayo magkaibigan, pero hindi rin tayo magkaaway. Malaya kang makauuwi kung kailan mo gusto, pero hindi ko maipapangakong matutulungan kita at ni impong Delfin kung 'yan ang landas na pinipili mo, dahil tulad niya, wala akong balak pumaro'n kung walang matinding dahilan."

Nag-isip muna ito nang malalim, "hindi ako ligtas doon, ngunit naroon ang lunas sa aking balat. Pahihintulutan mo ba akong makapagparo'n at parito nang isang daang beses?"

Napahalakhak muna ako bago ko sinabing, "pasensya ka na kung hindi ko maaaring buksan ng ganoong karaming beses ang Edenus para sa 'yo. Katulad nga ng sinabi ko, hindi naman tayo magkaibigan kaya bakit naman kita pagkakatiwalaan? Magkatapatan tayo at magpakatotoo.  Kung ako ang nasa posisyon mo ngayon at wala ka pang suliranin sa iyong anak, mas malamang ay pinahihirapan mo na ako ngayon sa piitan, tulad ng ilang beses mo nang ginawa sa akin. Kung gusto mo, umuwi ka roon at maghanap ng matataguan sa loob ng isang daang araw. Pagkalipas ng isang daang araw at nais mo pa ring lisanin ang Mashuria, saka na lamang tayo mag-usap. Pero kung ako sa 'yo, ito naman ay opinyon ko lang, magpalakas ka at bawiin mo ang kaharian mo mula sa iyong anak na hawak naman ni Marietta sa leeg. Kapag dumating ang panahon at muli tayong magharap bilang magkaaway, siguraduhing mong maipanalo mo munang muli ang laban mo sa trono at ikaw na muli ang hari, sapagka't kung tunay ngang kilala mo na ako sa mahabang panahon, alam mo na rin dapat na wala akong ganang makipagtunggali sa isang talunan."

****

Nasisiyahan man si Senda sa aming Sangkyuwaryo ay nais naman nitong makausap muli si Marikit sa palasyo, ngunit dahil naro'n pa si Reodica ay kailangan ko nang gumawa ng paraan upang mapatalsik ito sa pwesto sa paraang hindi-hindi nito makakalimutan.

"O Arsenio," pagbati sa akin ni Belen, "anong ginagawa mo rito sa kusina.  Akala ko ba'y huling araw mo na kamakalawa?"

Sinadya kong naroon ang anim, pati na ang dalawang bago, upang marinig din nila ang kunwari'y ipinag-utos sa akin ni Lucio.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon