Day 1 & 2

773 26 2
                                    

Day 1

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa. 

Jeremias 29:11 MBBTAG 



English:

For I know the plans I have for you," declares the Lord, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

Jeremias 29:11 NIV



***

 Simulan natin ang taong ito ng pagtitiwala sa ating Panginoon. Ating ipagkatiwala ang ating hinaharap ayon sa Kanyang kalooban. Sapagkat ang mga plano Niya sa bawat isa sa atin ay ayon sa ating mga ikabubuti at ikaliligtas at hindi sa ating ikapapahamak. 


Sa Panginoon ay walang hindi Niya kayang ipagkaloob sa bawat isa sa atin. Ang mga dulot ng Kanyang mga plano sa buhay natin ay punong-puno ng pag-asa. Hindi Niya hahayaan na tayo ay mapahamak o magkulang man sa ating mga pangangailangan. 


Ano man ang ating kakaharapin sa taong ito ay buong puso natin itong tanggapin, sa kasiyahan man o mga pagsubok man na darating sa atin, sapagkat makakaasa tayong, tayo'y hindi Niya pababayaan at Siya ay sasa atin parati. 

 Kung tayo ay sasa Kanya makakaasa tayong dumaan man ang iba't-ibang mga pagsubok sa ating buhay ay magkakaroon tayo ng kapayapaan at katatagan sa ating buhay. 

 #GodBlessUs 😇❤#day1 ❤

#ToGodBeTheGlory

 #HappyNewYear #KeepUsSafe

=====================================

Day 2

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

18 Ito ang sabi niya: "Ilibing mo na sa limot, at huwag nang alalahanin pa, ang mga nangyari noong unang panahon.

19 Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay; ito'y nagaganap na, hindi mo pa ba makita? Gagawa ako ng isang daanan sa gitna ng disyerto, at magkakaroon ng ilog sa lugar na ito.

Isaias 43:18-19 MBBTAG



English:


18 "Forget the former things; do not dwell on the past. 

19 See, I am doing a new thing! Now it springs up; do you not perceive it? I am making a way in the wilderness and streams in the wasteland.

Isaias 43:18-19 NIV




***
Ang nakaraan ay mananatili na lamang sa nakaraan. Masaya o malungkot, mabuti man o masama kapag ito'y nakalipas na hindi na mababalikan pa. Ang pangyayaring hindi maganda sa ating buhay ay ilibing na lamang natin sa limot, matutong humingi ng tawad at magpatawad at harapin ang bukas ng may pag-asa.


Magpatuloy tayo sa pamumuhay sapagkat ang ninanais ng Panginoon ay ituon natin ang pansin sa ating hinaharap at kalimutan na ang mga nangyari o nakalipas ng panahon. Nais ng Diyos na makamtan natin ang kapatawaran sa lahat ng ating mga kasalanan, ngunit kailangan muna nating kilalalanin ang ating mga kasalanan at buong pusong humingi ng kaptawaran sa Kanya. Dahil ang Panginoong Hesus ang Siyang nagbayad ng ating mga kasalanan doon sa Krus ng kalbaryo at binura na ang ating mga kasalanan.


Hindi tayo makakausad kung hindi natin bibitawan ang mga bitbit natin sa nakaraan o nakalipas na. Sa katotohanang may kanya-kanya tayong saloobin at pangyayari sa nakaraan na ating nararanasan, maaring may pagkakapareho tayo ngunit hindi natin mapapansin ang mga "bagong bagay na ginagawa ng ating Panginoon sa ating buhay" kung tayo ay nakikipagpunyagi sa pagpapaalis sa ating nakaraan.


Atin nawang pagkatiwalaan ang ating Panginoon sa ating buhay. Tingnan natin ang mga positibong bagay na ginagawa ng Diyos. Buksan natin ang ating puso't isipan upang makita natin ang mga bagay na Kanyang ginagawa. Mga bagay na kahanga-hanga at di kapani-paniwalang magagandang pangyayari na maaring mangyari sa ating buhay kung ating ipagkakatiwala sa ating Panginoon ang lahat-lahat sa ating buhay.


#GodBlessUs 😇❤#day2 ❤#toGodbetheglory#KeepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now