Day 111 & 112

32 2 0
                                    

Day 111

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

"Huwag mong pagnanasaang maangkin ang sambahayan ng iyong kapwa: ang kanyang asawa, mga alilang lalaki o babae, mga baka, asno o ang anumang pag-aari niya." 

Exodo 20:17 MBB05 




English:

"You shall not covet your neighbor's house. You shall not covet your neighbor's wife, or his male or female servant, his ox or donkey, or anything that belongs to your neighbor."

Exodus 20:17 NIV



******

Anuman ang mga pag-aari ng iba ay huwag mo ng angkinin pa. Sapagkat ang paghahangad ng hindi mo naman pag-aari ay magdudulot sa'yo ng matinding kaguluhan, walang kapayapaan ng puso't isipan.

Ito ay magtutulak sa'yo upang makagawa ka ng kasamaan. Mababalot ng kasakiman at kadiliman ang puso ng taong mapaghangad ng mga bagay o pag-aari ng iba. Ito ay pag-uugaling "Makasarili". Walang pag-ibig ng Diyos ang naghahari sa kanyang puso. Ito ang mga taong tinatanong ang kakayahan at katapatan ng Diyos sa Kanyang buhay, inaakusahan ang Panginoon sa Kanyang mga gawa at ang pagtupad sa Kanyang mga pangako."

Nakalungkot at nakakaawa" ang mga ganitong pag-uugali ng isang tao. Sapagkat makuha man niya ang pag-aari ng iba, hindi naman nito papatahimikin ang kanyang konsensya at araw-araw siyang uusigin nito.Higit sa lahat matindi ang hagupit na parusa ng Diyos sa mga taong mapag-angkin. Ika nga sa aking nabasa na post sa fb: "Enjoy now, dusa later". Ito ay isa sa banal na utos ng ating Panginoong Diyos kay Moises ayon sa lumang tipan.

Kaya't kung tayo man ay kung paminsan minsan ay dumaranas ng pagkainggit sa ating kapwa, ay atin itong idulog sa ating Panginoon at ihingi ng tawad at tulong na maalis sa ating puso't isipan ang pag-aangkin o paghahangad ng mga bagay na pag-aari ng iba. Maging masaya ka para sa tinatamasang magagadang bagay at tagumpay o kasayahan ng iyong kapwa. Matutong makuntento sa mga bagay at biyaya na ipinagkakaloob sa atin Diyos.

#GodBlessUs😇❤

#day111 ❤

#ToGodBeTheGlory

#keepUsSafe


====================================


Day 112

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Huwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. 

Mga Taga-Galacia 6:7 MBB05



English:

Don't be misled—you cannot mock the justice of God. You will always harvest what you plant.

Galatians 6:7 NIV



******

Hindi natin kilanman madadaya ni malilinlang ang ating Panginoong Diyos. Batid Niya ang mga nilalaman ng ating puso't isipan. Hindi pa man tayo nagsasalita o gumagawa ay batid na Niya ang lahat ng mga tumatakbo at naglalaro sa ating isipan. Lahat ay nababatid Niya.

Kaya't kung anuman ang ating gagawin, mabuti man o masama ay atin itong aanihin pagdating ng panahon. Hindi lamang ito basta kasabihan bagkus ito ay mula sa turo at aral ng banal na bibliya. Kung mabuti ang ating itinanim, mag-aani ito ng masagana at hitik na bunga sa pagdating ng panahon ng pag-aani. Ngunit kung kasamaan ang ating itinanim, darating ang mga salot upang mag-aani tayo ng mga bunga na hindi natin mapapakinabangan.

Kaya't mag-tanim tayo ng kabutihan sa ating puso, sa ating mga mahal sa buhay at maging sa ating mga kapwa dahil pagdating ng panahon, tayo ay mag-aani ng masagana at kapakipakinabang na mga bunga. Siksik at liglig ang pagpapala ng Diyos na ating makakamtan. 

#GodBlessUs😇❤

#day112 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now