Day 267 & 268

33 1 0
                                    

Day 267

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ito lamang ang natitiyak ko: ang tao'y nilikha ng Diyos sa kabutihan, ngunit ang tao'y nag-iisip ng kung anu-anong bagay." 

Ang Mangangaral 7:29 MBB05




English:





**********

Tunay ngang kung atin lamang na uunawain ang layunin ng paglikha sa atin ng Diyos ay para sa kabutihan. Ngunit ng magkaroon nga lamang ng pagkaunawa ang tao sa mabuti at masama ay nagkaroon na ng iba't-ibang kaisipan tayong mga tao. Nagkaroon ng iba't-ibang pananaw at paniniwala sa buhay.

Iba-iba na ang pag-iisip nating mga tao. Nagkaroon ng iba't-ibang katangian ang tao, mayroong nakakaunawa sa kabutihan at mayroon ding mga nagpapasakop sa kasamaan. Nagkaroon ng inggitan, galit o poot sa kapwa, may mga manloloko at mayroon ding mga nagpapaloko. May naging sakim sa mga bagay na makasanlibutan, mayroon din kahalayan sa pag-iisip at gawa at marami pang iba.

Nagkaroon ng magkakasalungat na opinyon, pagmamataasan, pagkamakasarili at walang gustong magpatalo. Kaya't ang ninanais ng Diyos na kabutihan ay nabalot ng kasamaan ang isipan ng mga tao. Iilan lamang ang mga pawang nagpapasakop sa kabutihan ng Diyos. Hindi pa nawa maging huli ang lahat sa atin, nawa ay piliin pa rin nating hanapin ang katalinuhan at kaunawaan na kaloob ng Diyos, upang ating maunawan ang kalooban ng Diyos sa ating buhay. 

 #GodBlessUs😇❤

#day 267 ❤

#toGodbetheglory

 #keepussafealways


========================================


Day 268

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa. 

Mga Awit 103:2 MBB05



English:

Praise the Lord, my soul,
and forget not all his benefits—

Psalm 103:2 NIV



*********

 Maraming dahilan kung bakit dapat natin na pasalamatan at ito ay nararapat na ating gawin. Papurihan at dakilain natin Siya at ating alalahanin ang lahat ng mga gawa Niya. Ang lahat ng Kanyang mga gawa ay mabubuti at mga naaayon sa ating mga ikabubuti. Walang bagay Siyang ginawa para sa ating mga ikapapahamak bagkus ay ating mga ikabubuti at ikaliligtas. 

#GodBlessUs😇❤

#day268 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now