Day 135 & 136

29 1 0
                                    

Day 135

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ginawa niya iyon upang hanapin nila ang Diyos; baka sakaling sa kanilang paghahanap, siya ay matagpuan nila. Ang totoo, hindi naman siya talagang malayo sa bawat isa sa atin; 

Mga Gawa 17:27 MBB05



English:

God did this so that they would seek him and perhaps reach out for him and find him, though he is not far from any one of us.

Acts 17:27 NIV



*******

Anuman ang ating ginagawa, saan man tayo naroon, anuman ang sitwasyon ng ating buhay, lahat ng ito ay nababatid ng ating Panginoon. Walang hindi Niya nalalalaman sa atin. 

Kung may mga pagkakataon man na nakararamdaman tayo na parang wala ang Diyos sa ating tabi. Pakiramdam natin na bulag at bingi ang Diyos sa mga nangyayari sa ating buhay, tayo ay nagkakamali. Tayo ang nagiging bulag, pipi at bingi sa mga bagay na ginagawa sa ating buhay ng Diyos na nagdudulot ng pagkalayo natin sa Kanya.

Nagiging bulag tayo sa mga ibinibigay Niyang tulong at ninanais Niyang mangyari sa ating buhay. Napapalitan ng pagkabulag sa mga positibong bagay at magagandang biyaya ng Diyos na hindi natin nakikita.

Nagiging pipi tayo sa pakikipag-usap natin sa Diyos. Nawawalan na tayo ng oras para sa Kanya. Iniisip natin na wala ng pakialam sa atin ang Diyos kaya't nagiging tikom ang bibig upang makapagpuri at makapagpasalamat tayo sa Kanya.

Nagiging bingi tayo sa mga turo at payo ng Diyos upang Siyang maging gabay natin sa buhay. Hindi natin Siya pinapakinggan. Nagiging sarado ang ating puso't isipan upang Siya ay ating mapaniwalaan at mapagkatiwalaan.

Kaya't tayong mga tao ay nakakaranas ng iba't-ibang uri ng pagsubok sa buhay upang sa gayon ay mas mabigyan tayo ng pagkakataon na magtiwala at manalig sa Kanya. Upang sa gayon ay mas maging matibay ang pananampalataya natin sa Kanya at ng mapatunayan natin ang kapangyarihan ng Diyos na Siyang naghahari at kumikilos sa ating buhay.

Sapagkat ang Diyos kailanman ay hindi nawala ni nang-iiwan man. Hinihintay Niya lamang tayo at minamahal Niya tayo ng lubusan, kahit pa nga hindi tayo karapatdapat sa pagmamahal Niya sa bawat isa sa atin.

#GodBlessUs😇❤

#day135 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


=================================


Day 136

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.1 Mga Taga-Tesalonica 5:16‭-‬18 MBB05






*******

Sa lahat ng pagkakataon tayo ay buong pusong magalak sa ating Panginoon. Laging manalangin upang ang koneksyon at relasyon natin sa Diyos ay patuloy na tumibay at lumago. Sapagkat napakasarap ang nasa piling ng ating Panginoon, dumaan man tayo sa iba't-ibang uri ng pagsubok, may katiyakan tayong hindi Niya tayo pababayaan kailanman.

Kaya't mapupuspos ang puso natin ng kagalakan at mapupuno ng pasasalamat ng ating puso. Ito ang mga kalooban ng ating Panginoong Diyos na mangyari at gawin natin. Kaya't patuloy lamang tayong magkaroon ng kagalakan sa ating puso't pamumuhay, maging masipag at manalangin palagi at buong pasalamatan Siya sa lahat ng oras sapagkat ito ang nararapat at nakalulugod sa ating Panginoon.

#GodBlessUs😇❤

#day136 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now