Day 237 & 238

22 1 0
                                    

Day 237

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

ganito ang kanyang sagot, "Ang pagpapala ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina." Kaya't buong galak kong ipagmamalaki ang aking mga kahinaan upang lalo kong madama ang kapangyarihan ni Cristo. 

2 Mga Taga-Corinto 12:9 MBB05




English:

But he said to me, "My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness." Therefore I will boast all the more gladly about my weaknesses, so that Christ's power may rest on me.

2 Corinthians 12:9 NIV






*********

Sa mga panahon na tayo ay mahina at walang wala ating kaptitan at panaligan ang Panginoon Diyos sapagkat tanging Siya lamang ang lubos nating magiging kalakasan. Higit at sapat sa lahat ng ating mga pangangailangan ang Kaloobsa atin ng Diyos, kung tayo ay buong pusong nananangan sa Kanya.

Madalas na nadarama ang pagkilos ng Diyos sa buhay nating mga tao sa mga panahon na tayo ay mahina at nalulugmok. Sapagkat kung kailan tayo mahina at lugmok dito natin mas nakikita ang Panginoon. Dito tayo mas nagiging matatag at matibay ang kapit at pananalig sa Kanya. 

Nalalaman natin na sa kabila ng ating mga paghihirap ay kasakasama natin Siya at hindi Niya tayo pababayaan ni biguin man. Kaya't buong pagmamalaki natin ang mga kahinaan natin sapagkat napapatunayan natin sa atin buhay ang pagkilos ng Panginoong HesuKristo sa ating mga buhay.

#GodBlessUs😇❤

#day237 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


========================================


Day 238

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya't ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin. 

Mga Taga-Roma 8:26 MBB05




English:

In the same way, the Spirit helps us in our weakness. We do not know what we ought to pray for, but the Spirit himself intercedes for us through wordless groans.

Romans 8:26 NIV





********

Gabay natin ang banal na espiritu ng Diyos sa ating kahinaan. Tinutulungan tayo sa ating kahinaan upang tayo ay maging malakas. Maraming mga kaparaanan ang tugon sa atin ng Diyos para sa ating walang hanggan.Sa ating pisikal, nananatili tayong mga nilalang sa marupok sa ating katawang lupa.

Sa atin namang Espirituwal, maaari tayong maging mahina sa ating pananampalataya o maging sa ating paglaban sa mga masasamang pagnanasa. 

 Ganunpaman tinutulungan tayo ng espiritu upang ating masabi ang lahat ng mga hinaing at panalangin natin sa Diyos. Hindi man natin mabigkas ng ating labi ngunit sa pamamagitan ng espiritu na Siyang tumutulong na ating italastas sa ating Panginoon ang lahat ng mga nilalaman ng ating puso't-isipan.

#GodBlessUs😇❤

#day238 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now