Day 169 & 170

21 2 0
                                    

Day 169

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sinabi ni Yahweh sa kanyang bayan, "Tumayo kayo sa panulukang-daan at magmasid; hanapin ninyo ang lumang kalsada, at alamin kung saan ang pinakamabuting daan. Doon kayo lumakad, at magtatamo kayo ng kapayapaan." Subalit ang sabi nila, "Ayaw naming dumaan doon."Jeremias 6:16 MBB05



English:

This is what the Lord says:

"Stand at the crossroads and look;

ask for the ancient paths,

ask where the good way is, and walk in it,

and you will find rest for your souls.

But you said, 'We will not walk in it.'





*******

Ibinibigay na sa atin ng Diyos ang lahat ng ating mga pangangailangan upang tayo ay magkaroon ng ligtas at mapayapang pamunuhay hindi lamang dito sa lupa kundi maging sa kabilang buhay. Mga tulong, aral at gabay upang tayo ay di maligaw ni mapahamak man, ngunit sadyang may mga kahinaan tayong mga tao.

Madalas ay nagpapasakop tayo sa makamundong ito, kaya't nagbubunga ng pagkalayo sa pagkakilala sa ating Panginoon at pagkakaroon ng iba't-ibang uri ng mga kasalanan. Sariling kagustuhan ang siya nating sinusunod, mas pinaniniwalaan natin ang ating sariling kaunawaan. 

Kaya't sa huli sa halip na tamang daan ang tinatahak ng mga tao ay nagiging likong daan. Kapahamakan, samu't-saring kaguluhan at walang kapayapaan ang dulot ng hindi pagsunod sa ating Panginoon. Kaya't kalooban nawa ng ating Panginoon ang siya nating sundin upang ang pinapangarap na buhay na may kapayapaan at buhay na walang hanggan ang Siya nating makamtan.

#GodBlessUs😇❤

#day169 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


====================================


Day 170

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Siyasatin mong mabuti ang landas na lalakaran, sa gayon ang lakad mo ay laging matiwasay. 

Mga Kawikaan 4:26 MBB05



English:

Give careful thought to the paths for your feet

and be steadfast in all your ways.

Proverbs 4:26 NIV



******

Maging maingat nawa tayo sa mga desisyon sa buhay na ating tinatahak. Laging ang isa isip at isa puso'y pawang kabutihan, upang sa gayon ay maging matiwasay ang landas ng buhay na ating tinatahak. Dulot ay kaguluhan, kapahamakan at kasawian, kapag kapusukan ang ating mga pinairal. Kaya't mainam na ating iukol ang ating sarili sa Panginoon ng sagayon tayo ay hindi maligaw ng landas. Kanya tayong iingatan at gagabayan upang makamtan ng buhay na hinahangad. 

#GodBlessUs😇❤

#day170 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now