Day 215 & 216

24 2 0
                                    

Day 215

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos." 

Lucas 1:37 MBB05 




English:

For no word from God will ever fail."



*******

Ang salita ng Diyos ay tunay ngang tapat at dakila. Walang anumang pangako at salita ng Diyos ang hindi Niya tinutupad. Lahat ay kayang Niyang mapangyari. Kaya't pagkatiwalaan natin ng buong buo ang ating Panginoong Diyos at patuloy tayong manangan sa Kanyang mga pangako upang sa gayon ay hindi tayo mahiwalay sa Kanyang pangako.

Ang lahat ng mga nagtatapat sa ating Panginoon at maging sa Kanyang mayayamang pangako ay hindi Niya bibiguin at ayon sa Kanyang takdang kalooban ay ibubuhos Niya ang mga pagpapalang di kayang bilangin. Kaya't huwag na tayong mag-alinlangn pa sa ating Panginoon at magdalawang-isip na pagkatiwalaan ang ating Panginoong Diyos na buhay at makapangyarihan sa lahat. 

#GodBlessUs😇❤

#day215 ❤

#keepussafealways

#toGodbetheglory


==================================


Day 216

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Hindi natin matatarok ang kahulugan ng buhay. Napakahiwaga nito para natin maunawaan.

Ang Mangangaral 7:24 MBB05




English:

Whatever exists is far off and most profound—

who can discover it?

Ecclesiastes 7:24 NIV


*******

Ang buhay ay puno ng misteryo. Hindi natin masasabi kung ano ang ibig iparating ng buhay. Puno ng hiwaga at hindi natin lubos na maunawaan. Ngunit ang buhay ay nasasa atin kung paano natin ito uunawain. Tayo ang pipili ng ibig nating ipakahulugan sa buhay.

Kung ating pipiliin ay ang paggawa ng kasamaan tayo ay magiging mangmang at ang kamangmangan ay walang kabuluhan. Mamumuhay lamang ito ng puno ng galit, poot, walang katahimikan at kapayapaan sa mundong ito. Ang buhay ng ganitong klaseng tao ay magiging walang kabuluhan.

Ngunit kung tayo ay mabubuhay ng may katalinuhan, mamumuhay tayo ayon sa kabutihan at pagsunod sa ating Panginoon. Dumating man ang iba't-ibang hamon ng buhay, siya'y magiging matatag at malakas sapagkat ang Diyos ay sumasakanya at hindi siya pababayaan kailanman. Sa gayon ay lubos nating mauunawaan ang kahulugan ng buhay.

#GodBlessUs😇❤

#day216 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now