Day 137 & 138

31 1 0
                                    

Day 137

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sapagkat tayo'y nilalang ng Diyos; nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti. Iyan ang layuning pinili ng Diyos para sa atin noong una pa man. 

Mga Taga-Efeso 2:10 MBB05




English:

For we are God's masterpiece. He has created us anew in Christ Jesus, so we can do the good things he planned for us long ago.

Ephesians 2:10 NLT




********

Lahat tayo ay mga nilikha ng Diyos at tayo ay para sa Diyos lamang. Ito ay biyaya at pribilehiyo para sa atin na mabuhay dito sa mundong ito. Ang mga magagandang turo at aral ng Diyos sa pamamagitan ng ating Pnginoong Hesus na Siyang nagiging gabay natin sa buhay. Kabutihan ang hangad ng Diyos na magawa natin sa buhay.

Ang paggawa ng mabuti, ito ng ninanais ng Diyos na ating gawin mula pa sa simula hanggang sa henerasyon ngayon. Ngunit sa ating mga tao ay parang napakahirap nating gawin. Ngunit tanging ito lamang ang ninanais Niyang mangyari at masunod sa ating buhay dahil iyo ang kalooban ng Diyos sa ating buhay.

#GodBlessUs😇❤

#day137 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


===============================


Day 138

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang pag-asa ng matuwid ay may magandang kahinatnan, ngunit ang pag-asa ng masama, ang dulot ay kabiguan. 

Mga Kawikaan 10:28 MBB05



English:

The prospect of the righteous is joy,

but the hopes of the wicked come to nothing.

Proverbs 10:28 NIV





******

Laging may pag-asang nakaabang sa mga taong matutuwid. Hindi Niya pababayaan bagkus ang kalinga at malasakit ay kanyang masusumpungan. Ang habag ng Diyos at awa ay laging nasa mg taong matutuwid. Ngunit sakdal na pagkalugmok at dusa ang kahahantungan ng taong masasama. Hindi hahayaan ng Diyos na habang buhay niyang hindi pagdusahan ang kanyng mga maling gawa. 

#GodBlessUs😇❤

#day138 ❤

#ToGodBeTheGlory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now