Day 305 & 306

26 0 0
                                    

Day 305

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Huwag ipagyayabang ang araw ng bukas, pagkat di mo alam kung anong magaganap. 

Mga Kawikaan 27:1 MBB05


English:

Do not boast about tomorrow,
for you do not know what a day may bring.

Proverbs 27:1 NIV



**********

Wala miski isa sa ating mga tao ang Siyang nakakaalam ng mangyayari sa araw ng bukas. Kahit anong plano natin sa araw ng bukas kung hindi kalooban ng Panginoon ay hindi mangyayari. Tanging ang Panginoon lamang ang may hawak ng ating buhay, tanging Siya lamang ang nakakaalam ng mga mangyayari sa araw ng bukas.

Kaya't wala tayong karapatan na ipagmayabang ang bukas na darating. Kung matutupad man ang mga plano o ninanais nating mangyari ito ay kalooban ng ating Panginoon. Kung hindi man ay mas may ninanais Siyang maganda sa atin. Lahat ay kalooban Niya ang masunod. 

#GodBlessUs😇❤

#day305❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


==============================================


Day 306

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan, ay makakapagsabi kay Yahweh: "Muog ka't kanlungan, ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan." 

Mga Awit 91:1‭-‬2 MBB05



English:

1 Whoever dwells in the shelter of the Most High
will rest in the shadow of the Almighty.[]
2 I will say of the Lord, "He is my refuge and my fortress,
my God, in whom I trust."

Psalms 91:1-2 NIV



**********

Masarap sa pakiramdam kung tayo ay nasa Panginoon sapagkat may katiyakan tayong inaasam. May makakapitan tayong inaasahan sa panahon ng paghihirap. Moug na maari nating maging kalungan. Mapanghahawakan natin ang Panginoon kung buong puso natin Siya pananaligan. Siya ang kumukupkop sa lahat ng Kanyang anak na mga naliligaw ng landas. Iniingatan Niya at pinoprotektahan Niya ang lahat ng sa Kanya'y buong pusong nanangan at nanalig sa Kanyang kapangyarihan.

#GodBlessUs😇❤

#day306 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now