Day 105 & 106

39 3 0
                                    

Day 105

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang namumuhay nang tapat ay pinaghaharian ng kapayapaan, ngunit ang may likong landas ay malalantad balang araw. 

Mga Kawikaan 10:9 MBB05



English:

Whoever walks in integrity walks securely, 

but whoever takes crooked paths will be found out.

Proverbs 10:9 NIV


*****

Wag nating kaiinggitan ang mga likong gawain upang umunlad sapagkat ang gawang liko ay may hangganan. Walang lihim ang kailanman ay hindi nabubunyag. Umangat man ng umangat dulot ng likong landas, ang paglantad ay walang kasing lalim na paglagpak.

Kaya't mas mainam pa na mamuhay ng may integridad sapagkat ang naghahari ay kapaya0aan. Walang kaakibat na konsensya at magulong isipan ang taong namumuhay ng katapatan. Ang pagpapala at pag-iingat ng ating Panginoong Diyos ay patuloy na mararanasan ng taong may integridad na pamumuhay.

#GodBlessUs😇❤

#day105 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


==============================


Day 106

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Pagaanin mo ang aking mga pasanin, mga gulo sa buhay ko'y iyong payapain. Alalahanin mo ang hirap ko at suliranin, at lahat ng sala ko ay iyong patawarin.Mga Awit 25:17‭-‬18 MBB05



******

Hindi kaduwagan o kababaan ng pagkatao ang pag-amin ng kanyang mga kasalanan at paghingi ng kapatawaran mula sa ating Panginoon. Datapwa't ito ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Ang kapatawaran ay makakamtan mula sa Panginoon kung buong puso siyang nagsising lubos. Nababatid ng Diyos ang nilalaman ng ating puso batid Niya kung ito ay totoo at tapat, kaya't ang habag at awa ng Panginoon ay makakamtan.

Aking ihahalintulad ang may dalawang uri ng klase ng tao ngunit parehas na nakakaranas ng matinding pagsubok. Ang isa ay puno ng kaguluhan at walang kapayapaan ang puso't isipan maging ang kanyang pamumuhay, siya ay malayo sa Panginoon at sa sariling karunungan siya nagtitiwala. Kahit anong solusyon ang gawin niya ay walang katapusang suliranin at patong patong pa ang pagsubok na hirap niyang lutasin.

Ngunit ang isang tao naman ay walang ibang pinanaligan at pinagkakatiwalaan kundi ang Panginoon lamang. Kanyang inaaming siya'y makasalanan at humihingi ng tulong at gabay sa Panginoon na malabanan ang mga kasalanan at mailayo siya sa kasamaan. Kanyang tinanggap ang ating Panginoong Hesus na siyang nagtubos sa lahat ng kasalanan nating mga tao. Dumaan man siya sa iba't-ibang klase ng pagsubok at sitwasyon, ang puso't-isipan niya ay may kapayapaan. Hindi niya nararanasan na mag-isa lamang siyang lumalaban sapagkat ang tulong at gabay ng Diyos ang kanyang pinaghahawakan at pinananaligan.

Kaya't ang taong mapagpakumbaba at inaamin at pinabago ang kanyang sarili ayon sa kaluwalhatian ng Diyos ay pagpapalain at ingatan Niyang lubos. Hindi niya hahayaan na ating maranasan ang bigat ng pagsubok ng mundong ito sapagkat Diyos ang tumutulong upang pagaanin ang mga pasanin ng ating mga suliranin. 

#GodBlessUs😇❤

#day106 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now