Day 343 & 344

33 1 0
                                    

Day 343

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Si Yahweh'y mapagmahal at puno ng habag, hindi madaling magalit, ang pag-ibig ay wagas. Siya ay mabuti at kahit kanino'y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, pagkalinga niya ay mamamalagi. 

Mga Awit 145:8‭-‬9 MBB05



English:

8 The Lord is gracious and compassionate,
slow to anger and rich in love.

9 The Lord is good to all;
he has compassion on all he has made.

Psalms 145:8-9 NIV




**************

Ang pag-ibig ng Diyos sa bawat isa sa atin ay tunay ngang tapat at wagas hindi kayang ikumpara kanino man. Napakahaba ng pasensya ng Panginoon hindi Siya basta basta nagagalit at pilit tayong inuunawa at pilit Niya tayong binibigyan ng pagkakataon na magbago at magsisi.

Kahit gaano pa tayo kasama at gaano pa tayo makasalanan kung buong puso tayong lalapit sa Kanya at hihingi ng kapatawaran gayundin ang buong pusong pagsisi, tayo ay Kanyang buong pagtanggap na patatawarin at babaguhin. Ang ating mga likong pamumuhay ay Kanyang itutuwid ng buo Niyang pagmamahal sa atin. 

 Sapagkat lahat tayo ay pantay-pantay sa Kanyang paningin walang mahirap, walang mayaman, walang tanyag at di tanyag, maging kung ikaw ay maganda sa pisikal o pangit sa pisikal na pangangatawan. Walang mataas at walng mababa sa Kanyang banal na harapan. Patas Siya ng pagtingin sa bawat isa sa atin, gayundin ang kanyang kanyang pagkalinga.

Mahal tayo ng Panginoon higit pa sa ating mga inaakala, kahit pa nga hindi tayo karapat-dapat sa Kanyang pagmamahal. Minamahal Niya tayong lubusan, magtiwala at manangan lamang tayo sa Kanyang banal na presensya at huwag mahiwalay sa Kanyang kaluwalhatian. 

#GodBlessUs😇❤

#day343 ❤

#thankyouLord

#toGodbetheglory

#keepussafealways


=======================================


Day 344

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sinabi ni Jesus, "Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman. 

Juan 6:35 MBB05



English:

35 Then Jesus declared, "I am the bread of life. Whoever comes to me will never go hungry, and whoever believes in me will never be thirsty.

John 6:35 NIV




************

Pagkatiwalaan natin ang ating Panginoong Hesus, atin Siyang tanggapin at kilalanin bilang isang Diyos na buhay, tagapagligtas at makapangyarihan sa lahat. Sa Kanya natin ilagak ang pagtitiwala at pananalig sa ating buhay dito sa lupa at hindi Niya tayo bibiguin.

Kaya't huwag na tayong mag-atubiling lumapit sa ating Panginoong Hesus sapagkat Siya ang tinapay na nagbibigay-buhay, sa Kanya ay hindi tayo kailanman magugutom, sampalatayanan natin Siya at hindi tayo kailanman mauuhaw.

Ito ay hindi pagkaing literal na pagkaunawa nating mga tao bagkus ang ninanais lamang ipaunawa sa atin ng Panginoong Hesus na nasa Kanya ang buhay na walang hanggan at ang lumalapit sa Kanya ay hindi na magugutom o mauuhaw. Maaaring bigyang-kasiyahan ng Panginoong Hesus ang kanilang espirituwal na kagutuman at espirituwal na pagkauhaw dahil Siya ang Buhay na Tubig at ang Tinapay ng Buhay mula sa langit.

Nagugutom at nauuhaw ang ating ang pisikal na pangangatawan ngunit binibigyan tayo ng pag-asa sa pagtitiwala at pananampalataya natin sa ating Panginoong Hesus upang sagayon ay magkaroon tayo ng kabusugan sa ating espiritwal.

Kayat kung tayo ay nagpapakabusog sa panamampalataya at pananalig natin sa Panginoon ay makakatanggap tayo ng ipinangakong buhay na walang hanggan at mga pakinabang nitong nagbibigay-buhay na makalangit na manna. Ito ang tunay na Tinapay na siyang nagbibigay-busog sa gutom na puso upang makamit ang lahat ng mga mabubuting bagay.

#GodBlessUs😇❤

#day344 ❤

#thankyouLord 🙏

#toGodbetheglory

#keepussafealways


365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now