Day 7 & 8

212 12 0
                                    

Day 7

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin. 

Mga Taga-Roma 8:28 MBB05



English:

"He who did not spare his own Son, but gave him up for us all--how will he not also, along with him, graciously give us all things?"

Romans 8:32 NIV




 **** 

 Mahalin at kilalanin natin ang ating Panginoong Diyos sa ating buhay, ng sa gayon tayo ay Kanyang kikilalanin bilang mga anak Niya. Ang Diyos ay gagawa ng mga bagay ayon sa mga ikabubuti nating mga anak Niya.

Hindi Niya tayo pababayaan, ni pagkukulangin man sa mga layunin na ninanais Niya sa ating buhay. Kaya't ating ipagkatiwala sa Kanya ang lahat ng mga pinaplano natin sa ating buhay at hayaang mga plano Niya ang masunod sapagkat hindi tayo magkakamali kung kalooban Niya ang ating susundin. 

 #GodBlessUs 😇❤#day7 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe

================================

Day 8

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila. 

Mga Panaghoy 3:22‭-‬23 MBB05 



English:

Because of the Lord's great love we are not consumed, for his compassions never fail. They are new every morning; great is your faithfulness.

Lamentations 3:22-23 NIV


 ***** 


 Ang pagmamahal sa bawat isa sa atin ng Diyos ay walang kapantay. Hindi ito mapapantayan ninuman. Ito'y sariwa bawat umaga. Siya'y napakadakila sa Kanyang katapatan. Tayo'y Kanyang iniingatan at ginagabayan sa lahat ng oras sapagkat nagmamalasakit sa atin ang Panginoong Diyos. 

 Ang habag at awa Niya ay masusumpungan natin sa Kanyang mga layunin at mga plano Niya sa ating buhay. Kaya't magpatuloy tayo sa pagpupuri't pasasalamat sa ating Panginoong Diyos na nagmamahal sa atin ng wagas. Sapagkat Siya ay mapagbigay, mapagmahal at matiisin na Diyos.  

#GodBlessUs 😇❤#day8 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now