Day 245 & 246

28 2 0
                                    

Day 245

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Namumuhi si Yahweh sa taong sinungaling, ngunit ang tapat ay ligaya niya at aliw. 

Mga Kawikaan 12:22 MBB05





English:

The Lord detests lying lips,
but he delights in people who are trustworthy.

Proverbs 12:22 NIV




***********

Lahat tayo ay nakakapagsinungaling, iba't-iba nga lamang ng mga kadahilanan. Maaring nagawa nating magsinungaling upang maprotektahan ang damdamin ng isang tao o di kaya'y upang ipahamak ito. Maari din namang upang sa ikabubuti ng tao o pwede rin namang sa ikasasama ng tao. Anuman ang mga kadahilanan ng pagsisinungaling atin itong ipagsusulit sa ating Panginoon.

Ayaw ng Diyos sa mga taong sinungaling, siya'y namumuhi dito. Kaya't ang puso't isipan ng sinungaling ay hindi Niya bibigyan ng kapayapaan. Kaakiba't ang parusang puno ng kaguluhan ang buhay. Ngunit si Yahweh ay lubos na nagagalak at kinagigiliwan ang mga taong tapat at mga nagtatapat sa Kanya. Pupuspisin ng Panginoon ng kapayapaan at pagpapala ang buhay at isipan ng mga taong matapat.

Kaya't ating pagsikapan na makapamuhay ng may katapatan hindi lamang sa ating kapwa tao kundi maging sa ating Panginoong Diyos. Ating isaisip at isapuso ang hindi pag-apak sa kapwa. Sikaping maging matapat sa lahat ng oras anuman ang magiging sitwasyon na kakaharapin. Ating isaisip at isapuso na ang lahat ng mga lumalabas sa ating bibig, mabuti man o masama, matapat man o mga kasinungalingan, ang lahat ng ito ay ating ipagsusulit sa ating Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat.

#GodBlessUs😇❤

#day245 ❤

#keepussafealways

#toGodbetheglory


========================================


Day 246

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha.

Mga Taga-Roma 12:16 MBB05




English:

Live in harmony with one another. Do not be proud, but be willing to associate with people of low position. Do not be conceited.

Romans 12:16 NIV




*********

Ang pagkakaisa ng saloobin ang isa sa mahirap na gawin nating mga tao sapagkat iba't-iba ang mga pananaw at pagkaunawa ng bawat isa sa atin. Sa panahon ngayon na mas nanaig ang galit, hidwaan, at kasamaan ng mundong ito, mas nagiging mahirap ang pagkakaisa tungo sa mga ikabubuti nating mga tao.

Lahat ay gustong maging mataas, gustong maging higit sa kaninuman na nagdudulot ng kayabangan at kahambugan ng pagkatao. Walang gustong magpakababa, hangad ay karangalan, katanyagan at pagtingala sa kanya ng tao. Ang kadalasang tingin sa mga mahirap ay isang mababa at walang halaga.

Ngunit ang lahat ng ito ay hindi kinalulugdan ng Diyos. Ang puso ng Diyos nasa mga mahihirap kaya't atin silang pakisamahan at pakitunguhan ng maayos. Maging patas ang tingin natin sa bawat isa, huwag maging mapagmataas at pagsikapan na makiisa sa mga saloobin na para sa ikabubuti ng bawat isa sa atin. Dahil kung tayo ay magkakaisa ng saloobin tungo sa ikabubuti ng bawat isa, malamang sa malamang lahat ay mabuti ang magiging karesultahan.

Ang Diyos na nakakakita ng lahat ang Siyang maghahatol ayon sa ating mga gawa. Lahat ng ating mga ginagawa ay may karampatang gantimpala o parusa ayon sa ating mga gawa. Kaya't patuloy lamang tayong magsikap na sundin ang lahat ng mga payo, salita at aral ng Diyos sa bawat isa sa atin. Sapagkat ang lahat ng ito ay para sa ating mga ikabubuti.

#GodBlessUs😇❤

#day246 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now